MARIANNE “Naniniwala ka ba sa kanya?” tanong sa akin ni Romell. “Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya. “Maniwala ka sa akin, ginagamit ka lang niya. Gagawin niya ang lahat para pagtakpan ang ginawa niya sa daddy mo,” sabi niya sa akin. “Kung alam mo pala na siya ay bakit hindi mo siya pina-aresto? Bakit hinayaan mo siya–” “Malakas ang kapit niya. Kilala mo si Governor Adam Dela Vega? Silang dalawa ang magkakampi, masyado silang malakas at hawak nilang dalawa ang mga kapulisan dito,” sagot niya sa akin. “Gaano ba siya kalakas para kaya niyang baliin ang batas?” kunwari ay tanong ko sa kanya. “Hindi mo alam ang kaya niyang gawi–” “Aalamin ko ang lahat,” sabi ko sa kanya. “Tutulungan kita,” sabi niya sa akin. “Ikaw ang bahala,” sabi ko at tumalikod na ako. “Gusto mo bang sumama sa bah

