MARIANNE Ayaw kong sabihin kay manang ang totoo hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya. Mas pinili namin na hindi sabihin sa kanya dahil mas okay na kami na lang apat ang nakakaalam sa tunay na nangyayari. Naiinis lang ako dahil ang lakas talaga ng loob ni Ayra na pumunta sa bahay namin. “Pretty, ‘wag kang mag-alala dahil ang alaga kong ahas ang bahala kay Ayra.” natatawa na sabi ni Libby na mukhang may binabalak na naman. “Baka naman saktan niya ‘yon. Alalahanin mo nirentahan mo lang ‘yon,” paalala ko sa kanya. “Don’t worry dahil binili ko na siya. Akin na siya,” natatawa na sagot niya sa akin. “Really?” “Opo, dahil tuwang-tuwa ako sa kanya kaya akin na siya. Ang mahal nga ng bili ko sa kanya kaya hindi siya puwedeng mamatay,” sabi pa sa akin ng kaibigan ko. “Magkano naman ang b

