CHAPTER 6

1193 Words
MARIANNE “Miss, kakain na daw po kayo ng lunch.” sabi sa akin ng katulong ni ninong. “Sige po, sunod po ako.” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Okay po,” sabi niya at lumabas na siya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas sa silid ko. Alam ko naman na ako lang mag-isa dito ngayon. Yayayain ko na lang ang mga kasambahay para naman may kasama akong kumain. Ayaw kong mag-isa kahit pa sanay na ako. Pagpasok ko sa loob ng dining area ay nagulat ako dahil nandito si ninong. “Bakit siya nandito?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya. “Umupo ka na, let’s eat.” sabi niya sa akin na seryoso lang ang gwapo niyang mukha. “Ninong, okay lang ba na sumabay sa atin sila manang? Mas masaya po kapag marami po tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Okay,” sagot niya sa akin. “Naku, Miss ‘wag na po. Doon na la–” “Sumabay na po kayo sa amin.” sabi ko sa kanya. “Per—” “Pumayag po si ninong kaya okay po ‘yun sa kanya.” putol ko sa sasabihin niya at hinila ko na siya para umupo sa tabi ko. “Dapat po, samahan niyo ako lagi kumain.” Sabi ko kay manang. “Samahan niyo siya lagi, manang kapag wala ako.” Sabi ni ninong. “Okay, mayor.” nakangiti na sabi ni manang. Nagsimula na kaming kumain. At naiilang ako kapag nakatingin ako kay ninong. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero ang alam ko lang talaga ay gwapo siya. Sa sobrang gwapo niya ay tinalo pa niya ang mga ka-edad ko. Para siyang walang asawa at anak. Kaya ngayon alam ko na kung bakit may nabasa ako kanina na post tungkol sa kanya. Marami talaga ang may crush sa kanya. Nagtama ang mga mata naming dalawa pero siya ang unang umiwas at uminom na siya ng tubig. Napalingon kami lahat sa biglang dumating. “Umupo ka na at kumain na,” sabi ni ninong sa anak niya. “She’s still here? Dito na ba siya titira sa bahay? Siya na ba ang papalit kay mommy?” galit na tanong ni Anica kay ninong. “What are you talking about?” nakakunot ang noo na tanong ni ninong sa anak niya. “Inuwi mo na talaga ang babae mo dito. Hindi ka man lang nagtanong sa amin kung gusto ba namin?” parang naiiyak na tanong nito pero matapang pa rin ang mukha niya. “Iniisip mo na babae ko siya?” “Hindi ba? Itatanggi mo pa ba kahit nasa harap ko na ang ebidensya?” “She’s not my woman, anak siya ni tito Marlon mo. Inaanak ko siya,” paliwanag ni ninong kaya halatang nagulat si Anica at tumingin siya sa akin. “She’s Ate Yanne?” parang hindi makapaniwala na tanong nito sa daddy. “Yes, at simula ngayon ay dito na siya titira sa atin.” sagot sa kanya ni ninong. “Ate Yanne, I’m sorry. Hindi kita nakilala, akala ko kasi girlfriend ka ng daddy ko. I’m sorry,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako. “It’s okay, you don’t have to say sorry. Hi, okay lang na dito na ako titira?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Of course, puwedeng-puwede po, ate.” sagot niya at bigla na lang niya akong niyakap kaya nagulat ako. Niyakap ko rin siya dahil maldita lang pala siya sa iba. Pero mabait naman siya. Hindi naman talaga magaspang ang ugali niya. “Kumain ka na,” sabi ko sa kanya. “Opo, ate. Gutom na gutom na po ako. Hindi ko kinain ang sandwich kanina kasi akala ko ikaw ang gumagawa at babae ka ni daddy.” sagot nito at umupo na. “Next time ‘wag kang nagpapagutom,” sabi ko sa kanya at ako na mismo ang naglagay ng kanin sa plato niya. “Opo, ate. Lalo na po ngayon na may kasama na po ako palagi kumain.” masaya na sabi niya sa akin. “Kain ka ng marami,” sabi ko sa kanya. “Ikaw rin po, ate.” sabi niya sa akin kaya napangiti ako hanggang sa tumingin ulit ako kay ninong ay nakangiti pa rin ako. “I need to go,” sabi niya at tumayo na. “Bye, dad.” sabi ni Anica na good mood na ngayon. Binagalan ko lang ang pagkain ko para masabayan ko si Anica. Baka kasi hindi na siya kumain kapag tapos na ako. Ang ganda pa naman ng mood niya kasing ganda niya. Female version siya ni Ninong Andrew kaya sigurado rin ako na maganda siya. Wala kasing pictures dito na kasama ang mommy niya. Silang tatlo lang ang nakita ko sa may living room. After naming kumain ay kanya-kanya na kaming akyat sa room namin. Wala naman akong ginagawa kaya kinuha ko ang ipad ko at nagsimula akong gumawa ng cover ng bago kong book. I’m a writer pero hubby ko lang ito lalo na kapag wala akong ginagawa. Gusto ko ang pagiging writer dahil malaya kong nailalabas ang nasa puso ko't isipan ko. I want to create a world na kontrolado ko ang lahat. Walang nakakaalam na nagsusulat ako kahit pa ang daddy ko. Stress reliever ko ang pagsusulat kaya masaya ako kapag may mga nag-iiwan ng comments na nagugustuhan nila ito. Focus ako sa ginagawa ko pero napahinto ako dahil may narinig ako na katok mula sa labas. Tumayo ako at nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin si Anica. “Are you busy, ate?” tanong niya sa akin. “No, may kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya. “Puwede po ba akong tumambay dito sa room mo?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Oo naman,” sagot ko at nilakihan ko ang bukas ng pintuan. Mabilis siyang pumasok at sumampa sa kama ko. Niligpit ko naman ang ipad ko dahil ayaw kong makita ang ginagawa ko. Tumabi ako sa kanya. “Ate mahilig ka bang manood ng mga movies?” tanong niya sa akin. “Mahilig ako,” sagot ko sa kanya. “Puwede po ba tayong manood ng movie ngayon?” tanong niya sa akin. “Okay, ikaw na lang ang pumili. Kahit ano naman ay okay lang sa akin.” sabi ko sa kanya. “Thank you po, ate Yanne.” masaya na sabi niya at binuksan na ang malaking tv dito sa room ko. Makikita sa mukha niya na masayang-masaya siya ngayon. “Matagal ko na pong gusto na manood na may kasama, ate. Wala po kasi si mommy at si daddy naman ay kailangan niyang pumasok sa city hall. Hindi naman ako galit sa daddy ko. Miss ko lang talaga ang dating kami, lalo na noong buo pa ang pamilya namin.” sabi niya sa akin. “If okay lang ay puwede ko bang itanong kung saan ang mommy mo? Bakit hindi niyo siya kasama?” tanong ko sa kanya. “Si mommy po ay—” IMPORTANT NOTE:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD