MARIANNE
“Anica!” halos tumalon ako sa lakas ng boses ni ninong at nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko at seryoso niyang mukha habang naglalakad palapit sa amin ng anak niya.
“Late na ako, dad.” sabi nito kay ninong na para bang naiinis pa.
“Mag-uusap tayong dalawa mamay–”
“Whatever!” bastos na putol niya sa sasabihin ng daddy niya.
Ako naman ay nakatingin lang sa malditang anak ni ninong. Nagkatinginan kaming dalawa ni ninong at ngumiti na lang ako sa kanya.
“Good morning po,” bati ko sa kanya.
“Good morning, kumusta naman ang tulog mo?” tanong niya sa akin.
“Okay naman po, nakatulog po ako agad.”
“It’s good to hear that,” sabi niya sa akin.
“Salamat po,” sabi ko sa kanya.
“I’m sorry, I’m sorry sa naging attitude ng anak ko,” sabi niya sa akin.
“It’s okay, ninong.”
“Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sabi niya sa akin at naglakad na siya papunta sa dining area.
“Magbreakfast na tayo,” lumingon siya sa akin.
“Si Alden po?”
“Mamaya na lang siya kapag nagising na siya,” sabi niya sa akin.
“Hihintayin ko na lang po siya. Sabay po kami,” sabi ko sa kanya.
“Are you sure? Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong niya sa akin at umiling naman ako bilang sagot sa kanya.
“Okay, sabay na lang kayo. May pasok pa kasi ako sa city hall,” sabi niya sa akin.
“Mauna na po kayo,” sabi ko sa kanya at naglakad ako palabas para pumunta sa garden.
Gusto ko kasi na maglakad-lakad dito sa labas. Nais ko rin na magpa-araw para naman pagpawisan ako. Ang ganda ng mga bulaklak dito. Talagang inaalagaan nila ang mga halaman dito. Hindi naman ako puwedeng lumabas kaya dito na lang muna ako sa garden nila.
“Good morning po, Ate ganda.”
Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Alden.
“Good morning,” nakangiti na bati ko sa kanya.
Tumatakbo siyang lumapit sa akin. Sinalubong ko naman siya at binuhat ko siya.
“Magbreakfast na po tayo, ate ganda. May pasok pa po kasi ako sa school,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“‘Anong grade ka na po ba?” tanong ko sa kanya.
“Grade one po,” sagot niya sa akin.
“Tara na, kumain na tayo. Baka ma late ka pa sa school,” sabi ko sa kanya.
“Nagkita na po ba kayo ng ate kong maldita?” tanong niya sa akin.
“Pumasok na siya sa school,” sagot ko sa kanya.
“Lagi naman po ‘yun nagmamadali at hindi po sumasabay sa amin kumain.” sabi niya sa akin.
“Ganun ba?”
“Opo, ayaw po kasi niya dito. Mas gusto po niya kay mommy. Kaya lang po busy rin po si mommy kaya po nandito kami kay daddy,” sabi pa niya sa akin.
“Saan ang mommy mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman.
“Nasa Paris po” sagot niya sa akin.
“Okay, tara na kumain na tayo.” sabi ko na lang sa kanya at pumasok na kami sa dining room.
Nakaupo pa rin si ninong at hindi pa siya tapos kumain. Lumapit sa kanya si Alden at yumakap sa kanya. Ang sweet talaga ng batang ito. Kahit si ninong ay sweet rin sa anak niya. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Alden at nagsimula na kaming kumain.
“Daddy, puwede po ba akong ihatid ni Ate Yanne sa school?” tanong ni Alden sa daddy niya.
“No, hindi puwede.” mabilis na sagot ni ninong.
“Why po?” malungkot na tanong ni Alden.
“It’s not safe for her to leave the house,” sagot naman ni ninong sa anak niya.
“Pero po–”
“Alden, next time na lang po.” sabi ko sa kanya.
“Okay po,” sagot niya at muling kumain.
Naging tahimik kaming tatlo at kalansing ng mga kubyertos ang tanging naririnig sa hapagkainan. Hanggang sa natapos na lang kami ay wala ng nagsasalita sa amin. After kumain ay umakyat na silang dalawa ako naman ay naiwan dito.
“Ma’am, kami na po d’yan.” sabi sa akin ni Manang Tiray.
“Ako na po, kayang-kaya ko na po ito.” sabi ko sa kanya
“Huwag na po, baka mapano pa ang mga kamay mo.”
“Sanay naman po akong maghugas ng plato. Sa US po ay mag-isa lang po ako at ako po ang gumagawa ng mga gawaing bahay,” sabi ko sa kanya habang nakangiti.
“Kahit na po, magagalit si Mayor kapag po nalaman niya ito.”
“Hindi po, ako na po ang bahalang magpaliwanag sa kanya.” sabi ko sa kanya.
“Kung hindi po kita mapipigilan ay sige po. Ikaw ang bahala,” sabi niya sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya at dinala ko sa kusina ang mga hugasin. Mabo-bored lang ako dito kaya kailangan kong libangin ang sarili ko. Ayaw ko naman na wala akong ginagawa. Masaya akong naghuhugas ng mga hugasin ng marinig ko na tinatawag ako ni Alden. Pinatay ko muna ang gripo at nang lumingon ako ay halos atakehin ako dahil nakatayo sa harap ko si ninong.
“Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Gusto ko po na may ginagawa ako,” sagot ko sa kanya.
“Huwag ka po sanang magalit sa kanila dahil ako po ang nagpumilit,” sabi ko sa kanya.
“Hindi mo kailangan na gawin ‘yan,” sabi niya sa akin.
“Naiinip po kasi ako na wala akong ginagawa,” sagot ko sa kanya.
“Kung iyan ang gusto mo pero ‘wag mong pagurin ang sarili mo. Trabaho nila ‘yan kaya hayaan mo na lang sila.” sabi niya sa akin.
“Aalis na kami ni Alden, tumawag ka kapag may problema o kung may gusto ka.” sabi niya sa akin.
“Ingat po kayo,” sabi ko sa kanya.
“Bye, Ate Yanne!” nakangiti na sigaw ni Alden at kumaway pa siya sa akin.
“Bye,” sabi ko sa kanya.
Bumalik na ako sa ginagawa ko hanggang sa natapos na ako. After ko dito sa kusina ay umakyat na ako sa room ko para maligo. Dahil sa wala naman akong gagawin ay nagbabad na lang ako dito sa bathtub. Habang nakalublob ako dito sa tubig ay marami ang pumapasok sa isipan ko. Maraming tanong pero hindi ko pa rin alam ang sagot.
Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong narito sa bathtub. Nakaidlip na pala ako dahil ang bango ng bodywash dito. Umahon na ako at naligo na. After kong magbihis ay tinawagan ko ang abogado ni daddy para ayusin ang sahod ng mga tauhan niya. Gusto ko silang bigyan ng pera para magamit nila if ever na gusto nilang magnegosyo. Wala na ang daddy ko at wala na rin ako sa bahay kaya wala ng dahilan para manatili sila doon.
After naming mag-usap ng abogado ni daddy ay may tinawagan rin ako. Ang mga taong sa tingin ko ay makakatulong sa akin.
“Daddy, hindi ko po hahayaan na hindi ko makuha ang hustisya na para sa inyo. Anuman ang mangyari ay gagawin ko ang lahat para pagbayaran nila ang ginawa nila sa ‘yo.” kausap ko sa larawan ni daddy sa phone ko.