MARIANNE Nagmamadali kaming sumakay sa sasakyan niya para masundan namin ang kumuha sa mga anak namin. Nakita ko ang sasakyan na hinarang sa main gate kaya mabilis akong bumaba kahit pa pinigilan ako ni Andrew ay hindi ko siya pinansin. Nakabulagta ang mga guards na humarang sa kanila. Malakas ang kutob ko na isa sa mga kasama ko na agent ang kumuha dahil hindi sila basta-basta tutulungan ng dalawang ‘yon kung hindi. Binaril ko ang gulong ng sasakyan nila. Kaya naman lumabas ang nasa loob. Alam ko na hindi nila ako babarilin kaya hindi ako nakaramdam ng takot. “Bwisit!” sigaw sa akin ng pinaka-ayaw ko na agent. “Hindi ka pa rin nagbabago. Talagang traydor ka pa rin,” galit na sambit ko. “Wala naman akong makukuha kung maging tapat ako,” sabi niya sa akin. “Ilabas mo ang mga anak ko,”

