MARIANNE Ayaw ko ng ganito. Kaya nga iniiwasan ko na mangyari ito. Ayaw ko na magkasakitan kaming dalawa. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para hindi niya malaman ang tunay kong pagkatao pero kahit pala itago ko ay lalabas pa rin talaga. “Huwag mong gawin ‘to,” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. “Bakit? Papatayin mo ako? Ano ang gagawin mo sa akin? Agent ka diba kaya easy na lang sa ‘yo ang makipaglaban?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Mahirap ba akong intindihin? Mahirap ba para sa ‘yo na–” “Mahal kita kaya ko ‘to ginagawa. Nawala na ang daddy mo at ayaw ko na pati ikaw ang mawala sa akin. Ikaw ang hindi nakakaintindi dahil pinipilit mo ang gusto mo,” sabi niya sa akin. “Pero kailangan ko itong gawin,” sabi ko sa kanya.

