MARIANNE “Sabihin mo sa akin, sino ka ba talaga?” tanong niya sa akin. “Anong ibig mong sabihin?” “Tayong dalawa lang dito kaya sabihin mo na ang totoo. Sino ka ba talaga, Yanne. Sino ba ang babaeng mahal ko?” tanong niya sa akin. “Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ko sa kanya. “Alam mo ba ang tunay na dahilan kaya kita dinala dito?” “Anong ibig mong sabihin?” “Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin,” sagot niya sa akin at naglakad na siya papunta sa akin. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na lang ngayon. Hindi ako manghuhula para hulaan pa,” sabi ko sa kanya. “Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin? Hanggang kailan ba? Mahal mo ba talaga ako?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Mahal kita at alam mo ‘ya–” “Pero bak

