THIRD PERSON POV “Luningning!” tawag ni Nay Tere kay Gene. “Bakit po, nay?” nagmamadali na tanong nito dahil narinig niya ang pagtawag ng matanda. “Pakidala ng alak sa room ni Sir Romell,” sagot nito. “Alin po ba ang room niya, nay?” “Ika-apat na silid mula sa hagdanan,” sagot ng matanda. “Kaliwa po o kanan?” “Kanan,” mabilis na sagot ng matanda. “Okay po, nay.” sagot ni Gene at mabilis siyang umakyat sa may hagdan. Hindi niya sinunod ang sinabi ng matanda. Dahil isa-isa niyang binuksan ang mga pintuan ng bawat silid para malaman niya ang nasa loob. Walang mga tao at ang iba ay naka-lock. Hanggang sa nagulat siya sa isang room. “Sorry po, hinahanap ko ang room ni Sir Romell,” sabi niya sa kapatid nito na dalaga. “That room,” mataray na sabi nito sabay turo ng silid ng lalaki.

