MARIANNE Habang pinapanood ko ang ginagawa ng dalawa kong kaibigan ay sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Ngayon talaga nila nilabas ang pagiging makulit nila. Sa tingin ko ay hindi ko kailangan na mag-alala sa kanila dahil mukhang nag-eenjoy naman sila doon. Enjoy na enjoy nila ang mga bago nilang role sa palabas na ito. “Pretty, nakita mo ba? Nakita mo diba? Ang galing ko diba?” nakangisi na tanong sa akin ni Libby nang makapasok na siya sa loob ng silid niya. “Pasaway ka talaga,” natatawa na sabi ko. “Ako ang gaganti para sa ‘yo,” sabi niya sa akin habang may malawak na ngiti kaya para na tuloy talaga siyang mangkukulam. “Kailan ka pa nagkaroon ng kakambal na ahas?” nakangisi na tanong ko sa kanya. “Ngayon lang, ang bait nitong nirentahan ko. Tataasan ko talent fee nito,” nakan

