MARIANNE “Marami na talaga, sweetie. Kaya babawi ako sa kanya, babawi ako.” parang may ibang kahulugan ang sinasabi nitong matandang ito. “Naku, hindi na po kailangan, ninong. Malaki na po ako, hindi na po ako bata.” sabi ko sa kanya at pinipilit na inaalis ang kamay niya sa legs ko. Pero sadyang nang-aasar lang lalo siya. “Ano ba ang gusto mo?” nakangiti na tanong niya sa akin na para bang ang bait niya. “Gumala po,” mabilis na sagot ko sa kanya kaya biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. “Hindi puwede,” mabilis niyang sagot sa akin. “Gusto mo bumawi pero ayaw mo naman sa—” “Puwede ko ibigay ang ibang bagay pero hindi ang tungkol d’yan.” putol niya sa sasabihin ko. “Okay,” sabi ko na lang sa kanya. “Pero, daddy. Puwede naman po siya lumabas kasama natin diba?” tanong ni An

