MARIANNE “Sorry kung feeling niyo umalis ako. May pinuntahan lang ako, hindi naman ako aalis eh.” sabi ko sa kanilang dalawa dahil nakaramdam ako ng lungkot sa narinig ko sa kanila. “Talaga po?” tanong niya sa akin. “Opo, dito lang ako.” Niyakap nila akong dalawa. Pero tumawa kami kasi tumunog na ang tiyan ko. Nagugutom na kasi talaga ako. Kaya naman hinila na nila ako para pumunta sa dining area. “Sit down and relax, ate.” nakangiti na sabi sa akin ni Anica at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. “Anong meron?” tanong ko. “Wala lang po, gusto ka lang po namin pagsilbihan,” nakangiti na sagot niya sa akin kaya nalito naman ako. “Kaya ko naman at hindi naman kailangan,” sabi ko sa kanya. “Hayaan mo na lang po kami,” sabi pa sa akin ni Alden. Dahil nga sa gutom na ak

