THIRD PERSON POV Dahil sa ayaw ni Andrew na bumitaw sa pagkakayakap niya kay Yanne ay napilitan na lang si Yanne na humiga na lang rin. Gusto pa raw kasi ng lalaki na matulog, paano ba naman kasi ang bilis nitong gumising. Niyakap na lang niya ang lalaking mahal niya at natulog na lang rin siya. Samantala sa kabilang silid naman ay busy ang mga bata na makipaglaro sa alagang ahas ni Libby. Masaya ang mga ito dahil mabait ang ahas at nakikipaglaro rin talaga ito. “Ate, bakit naman po Liberto ang pangalan niya?” tanong ni Alden kay Libby. “Liberto kasi gusto ko na magkahawig ang pangalan naming dalawa. Alam niyo ba na astig itong alaga ko. May screen name siya,” pabulong pa na sabi niya kahit naman walang nakakarinig sa kanila. “Ano naman po?” tanong ng mga ito na halatang interesado ri

