MARIANNE Nagising ako na wala na sa tabi ko si ninong. Bumangon na rin agad ako at lumabas sa room namin dahil ano oras na rin kasi. “Mahal, may kailangan ka ba kay Libby?” tanong ko sa kanya dahil nakita ko na nasa labas siya ng guest room kung saan si Libby. Akmang bubuksan niya sana ang pintuan kaya naman pinigilan ko siya. “Wala naman, mahal. Kasi parang bigla na lang bumukas ang pintuan,” sagot niya sa akin. “Ahh, baka nakalimutan lang niyang isara ng maayos. Wait lang,” sabi ko at sumilip ako. Nakahiga si Libby sa kama at nasa tabi niya ang alaga niyang ahas. Kaya naman mabilis kong sinara ang pintuan. “Tulog si Libby,” sabi ko kay ninong. “Akala ko siya ang nagbukas. Tara na sa baba,” sabi niya sa akin. Hawak niya ang kamay ko at bumaba na kaming dalawa. Ang mga bata naman a

