MARIANNE “Sila ba ang tauhan ng kaibigan mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman. “Oo, mga tauhan na niya ang magbabantay dito. Sure ako na wala ng mangyayari na ganito,” sagot niya sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko mula sa kanya. “Mabuti naman kung ganun.” “Sorry kung hindi agad ako nagising kanina. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa mga anak ko,” sabi niya sa akin. “It's okay, mahal. Hindi naman natin alam na bigla na lang pala babalik ang babaeng ‘yon at kukunin niya ang mga bata. Walang may gusto sa nangyari,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na sisihin niya ang sarili niya. “Thank you, dahil nand'yan ka para sa mga bata,” sabi niya sa akin. “Anak natin sila kaya hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila.” Nakangiti n

