MARIANNE “What happened?” nagmamadali na bumaba ng hagdan si ninong. Halatang kakagising lang niya. Siguro ay narinig niya kanina ang putok ng baril. “Muntik ng tangayin ng ex-wife mo ang mga anak mo,” sagot ko sa kanya. “What?!” “Itanong mo sa mga tauhan mo, hinayaan lang nila si Ayra,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na maulit pa ito. “Okay lang ba kayo?” tanong niya sa dalawang bata na ngayon ay nakayakap sa kanya. “Takot na takot po kami, daddy. Alam mo po ba na may mga kasama siya tapos may mga guns sila,” sabi ni Alden na ngayon ay umiiyak na. “I’m sorry, hindi na ito mauulit pa,” sabi niya sa mga anak niya at kitang-kita sa mga mata niya na galit na siya. “Mabuti na lang po at pinigilan siya ni Mommy Yanne. Mabuti na lang po at hindi niya kami tinangay, daddy. Kasi po ayaw ko

