MARIANNE Nagpatuloy ang palitan naming dalawa ng halik hanggang sa nakahiga na siya at ako ang nasa ibabaw niya. Nakatingin siya sa akin habang hinuhubad ko ang suot kong damit. Sh*t! Bigla akong nakaramdam ng hiya. Lalo na hindi naman siya lasing at alam niya ang ginagawa namin. Alam naming dalawa ang ginagawa namin. “Kasalanan mo ito eh. Bakit mo kasi ininom ang tubig?” naiinis na sabi ko sa kanya para mawala ang hiya ko. “Alam ko, akala mo naman gusto ko rin na ikaw–” Dahil sa narinig ko ay natigilan ako sa paghubad ng damit ko. Hanggang sa muli ko na lang itong sinuot. “Ayaw mo pala sa akin eh. Kaya bahala ka, ikaw na nga itong tinutulungan ko tapos ikaw pa ang magsasabi ng ganyan,” sabi ko sa kanya. Akmang aalis ako ay bigla na lang niyang pinagpalit ang posisyon naming dalawa.

