MARIANNE “PARA SA NAG-IISA KONG PRINSESA” basa ko sa nakasulat sa labas ng sobre. Dahan-dahan ko itong binuksan at sulat ito ng daddy ko para sa akin. “Yanne, My baby, I miss you so much. Walang araw na hindi kita nami-miss. Alam ko na nagtatampo ka sa akin. Alam ko na gusto mong kasama kita at ganun rin naman ako. Gusto ko rin na nasa tabi kita palagi. Pero gustuhin ko man ay mas pinili ko na malayo ka sa akin dahil alam ko na mas safe ka. Baby, I’m really sorry. I’m sorry dahil ikaw ang nahihirapan sa mga desisyon ko sa buhay ko. Tatanggapin ko ang lahat dahil alam ko na sa ginagawa ko ay marami akong natutulungan kahit pa ang naging kapalit ay kayo. Sinimulan ko na kaya hindi ko na puwedeng itigil. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa ‘yo. Patawarin mo ako kung lumaki k

