MARIANNE “Kuya, saan niyo ako dadalhin?” tanong ko sa kanila habang nasa biyahe kami. “Sa boss namin, pretty. Matagal ka na niyang gustong makilala eh,” sagot niya sa akin. “Sino po ba ang boss niyo?” tanong ko sa kanila. “Makikilala mo rin siya. Ang alam namin ay may pinaka-boss pa ang boss namin,” sagot niya sa akin. “Magkano po ba ang binayad nila sa inyo?” tanong ko pa sa kanila. “Isang milyon, Miss pretty.’ sagot pa ng isa sa kanila. “Maliit lang pala,” sabi ko sa kanila. “Gusto niyo bang magtrabaho sa akin?” tanong ko sa dalawang tanga na kausap ko. “Naku, Miss freelancer kaming dalawa. Wala kaming boss, kinukuha lang nila kami kapag kailangan nila kami. Boss lang ang tawag namin sa nagbabayad sa amin–” “Magbabayad ako?” sabi ko sa kanila pero bigla na lang silang tumawa n

