MARIANNE “Ibaba mo nga ako,” utos ko sa kanya pero para lang siyang bingi. “Sabi ng ibaba mo ak–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumakbo paakyat sa room ko. Ang bilis ng pangyayari dahil nandito na ako ngayon sa kama ko nakaupo. “Bakit gising ka pa?” “Bakit ngayon ka lang?” tanong ko rin sa kanya na dahilan para kumunot ang noo niya. “Ano naman kung ngayon lang ako? May pakialam ka ba?” tanong niya sa akin. “Wala naman,” sagot ko sa kanya dahil tama naman siya. Ano naman kasi kung ngayon lang siya umuwi. “Ano ang silbi ng wheelchair at elevator kung hindi mo naman gagamitin?” naiinis na tanong niya sa akin. “Nahihirapan ako at mas madali para sa akin ang saklay,” sagot ko sa kanya. “Tsk!” asik niya sa akin. “Matutulog na po ako,

