MARIANNE “I’m sorry,” sabi ko sa kanya at alam ko na nagulat siya. “I’m sorry sa mga nasabi ko. I’m sorry—” “Lumabas ka na,” putol niya sa sinabi ko na para bang galit siya. Tumaas kasi ang tono ng boses niya. “Nagsorry na nga ako ayaw mo pa. Ano gusto mo, magalit na lang ako?” naiinis na tanong ko sa kanya. “Lagi ka naman galit, lagi mo nga akong nilalait.” mahina pero narinig ko pa rin na sabi niya sa akin. “Kaya nga sorry na, sorry na.” “Tsk! Napipilitan ka pa,” sabi niya sa akin. “Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko na lang sa kanya at lumabas na ako dahil mag-aaway lang kaming dalawa. Bumaba na lang ako dahil magpapaluto ako ng lugaw niya kay manang. Kailangan niyang kumain ng mainit. At sa tingin ko mas okay na lugaw ang kainin niya. Ako na lang sana ang gagawa pero sa kalagayan ko ng

