CHAPTER seven IPINASYA ni Kristina na dalhan ng pagkain si Jared sa opisina nito. Bigla kasi niyang naisip na siguro ay panahon na para pagbigyan niya ang binata sa hinihinging pagkakataon para ipaliwanag ang nangyari noon. Ah, maraming katanungan sa isip niya pero mabibigyan na ng kasagutan ang mga iyon mamaya. Hahayaan niyang magpaliwanag sa kanya si Jared tungkol sa nangyari noon. Pagkatapos niyon ay kakalimutan na nila ang lahat at magsisimula silang muli. Parehong mahal pa nila ang isa’t isa. Siguro ay kailangan lang talagang isara ang kahapon para makapagsimula sila ngayon. Pagkatapos nilag mag-usap ay hindi na niya pipigilan ang sariling ipakita at ipadama sa binata na mahal na mahal pa rin niya ito. Bitbit ang mga pagkain na dumeretso siya sa opisina ni Jared. Bahagya siyang

