Chapter 2 Mervick POV

1732 Words
Araw ng Sabado 1pm, late na ako nagising dahil 1 am na ako umalis sa apartment ni Nicole. Medyo masakit ang ulo ko, dahil hindi naman ako sanay magpuyat. Hinanap ko ang cellphone ko at nagulat ako dahil meron akong 1 message from Nicole, nagka palitan kame ng number ng nakaraang gabi. "Goodmorning, thank you last night ha. Enjoy your day! ang eksaktong mensahe ni Nicole na may kadugtong na smiley emoji. “Sorry late reply, I just woke up. Wanna have dinner tonight?” Ang sagot ko sa text niya, naglakas loob na akong ayain siya, sana pumayag. "Sure, You can come by I'l cook." Hala, ang saya saya ko sa sagot nya, sa sobrang saya ko nauntog pa ko sa headboard. Bago ako pumunta sa apartment ni Nicole, nagpagupit muna ako at saglit na nag gym. Nagsuot ako ng maong na pantalon at dark blue na polo shirt. Around 7pm ay nagdrive na ako papuntang Pasig. Pagka parada ko sa gate, nakita ko na si Nicole na binuksan ang pinto. "Hi, good evening", ang bati ko sa kanya pagka baba ko ng kotse. "Halika, pasok ka" sagot naman nya, ibang-iba ang ambiance ngayon ng apartment ni Nicole. Masasabi kong medyo romantic, nagpapatugtog siya ng Nina songs (Piano in the Dark cover) amoy bulaklak at medyo dim ang ilaw. " May dala pala akong wine, anu pala niluto mo?" Tanong ko sa kanya. Naka fit na dress si Nicole na kulay light gray, at naka lugay lang ang buhok, wala masyadong make up at yung amoy niyang hindi ko alam kung lotion ba or natural smell nya na nagpapahumaling saken. Nagroasted chicken pala siya at ceasar salad. "Wow, gutom na ko. Nagpagutom ako talaga di ako kumain maghapon." Sabi ko kay Nicole, at talagang totoo namang gutom na ko. Kumain na kami at masayang nag kwentuhan, marami kaming napagusapan hindi na nga namin namalayan na paubos na yung wine na dala ko. Hanggang sa nagsabi ako na naiihi ako kaya tinuro nya ang comfort room, tumayo ako at di ko namalayan na galit pala yung alaga ko sa loob ng aking pantalon. Napansin ko na nakatingin siya sa ibaba, nakita pala iyon ni Nicole kaya dali dali akong pumunta sa cr. "Sorry ha, naiiihi na kasi ako." Paliwanag ko sa kanya pagkalabas ko ng CR. Nahihiya kong sabi kay Nicole, napatawa lang siya, at natuwa naman ako sa ngiti niyang iyon na may kislap ng mga mata. Ang ganda ganda talaga niya, para akong natutunaw at idinuduyan sa mga oras na iyon. "Late na pala, baka kailangan mo nang magpahinga.” Ang sabi ko habang sumulyap sa aking orasan, 11:45 pm na pala. “Hindi, okay lang Sunday naman bukas atsaka nakapagpahinga ako kanina buong araw.” Ang sagot ni Nicole. “Ikaw nakapagpahinga ka ba? At natuwa ka ba sa luto ko?” Ang pabiro niyang sabi habang naka smile. “Oo, nabusog nga ako eh.” Ang sabi ko naman. Nagtagal pa ako ng mga 1 oras hanggang sa nagpaalam na ako para umuwi. Papunta na ako sa pintuan at muling sumulyap kay Nicole, “Mauna na ko ha, Thank you nga pala sa masarap na dinner.” Naglakad na kami papunta sa aking sasakyan hinatid ako ni Nicole, at bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. “Thank you din pala sa pagbigay ng wallet ko kay Michelle bihira na lang yung mga ganung tao nowadays, and syempre I enjoyed your company as well.” Nakangiti nanaman nyang sagot sa akin. “No worries, wala yun maliit na bagay. Palagi ka ata busy so be mindful na lang sa mga personal stuff mo ha. ” Nakangiti ako nang sinabi ko iyon habang sumasakay sa aking kotse. Kumaway ako sa kanya at umuwi na. Lunes 9am, napakadami nanamang meetings at mga deadlines na dapat tapusin. Hindi ko napansin na lunch time na pala, dali dali akong bumaba at pumunta sa Rudy's, palingon lingon ako at hinahanap ang pamilyar na mukha at hubog ng katawan sa napakaraming tao sa Rudy's. Biglang may kumalabit sa aking balikat at nalanghap ko muli ang pamilyar na amoy, si Nicole! "Hi! Naglunch ka na?" Tanong nya sa akin. "Hello, hindi pa nga eh late na ako nakababa from office ang busy kasi kanina." Ang paliwanag ko sa kanya habang nakangiti, natutuwa ako makita si Nicole kahit magkasama lang kame nung nakaraang gabi. "Tara lunch na tayo." Ang aya ni Nicole, nang biglang dumating ang mga mokong sila Makky at Ron na nakangiti ng malaki sa akin. "Oi pre ang bilis mo bumaba hinabol ka namin eh." Ang sabi ni Makky habang nakatingin kay Nicole at nakangiti, kay Nicole talaga siya nakatingin kahit ako ang kinakausap niya. "Mga pre, si Nicole nga pala. Nicole this is Makky and Ron mga kasama ko sa agency." Ang pakilala ko sa kanila. "Hello, nice to meet you. Tara let's have lunch." Naka smile na sagot ni Nicole. Pumila na kame sa Rudy's para umorder at magbayad, nasa harapan ko si Nicole at amoy na amoy ko ang mabango niyang buhok kaya may nararamdaman nanaman akong kakaiba pero pinigilan ko iyon. Nagmadali akong magbayad ng nakita kong naka order na siya. "Ako na, ikaw naman nagpa dinner nung nakaraan eh." Ang bulong ko kay Nicole. "Uuuy pre kame di mo lilibre?" Ang pangaasar ni Ron, narinig pala ang pagbulong ko kay Nicole. Pinandilatan ko na lang ang dalawang mokong at nakita kong napapangiti si Nicole sa kakulitan nila. Naupo na kameng apat at tumabi ako kay Nicole, masaya kameng nagkwentuhan habang kumakain hanggang sa matapos ang lunch time. “Naku kelangan ko nang bumalik sa opisina inaantay na ko ng boss ko eh, hindi kasi yun nabubuhay ng wala ako.” Pabirong sabi ni Nicole. “Ako rin eh parang hindi na ko mabubuhay ng di kita nakikita.” Pabiro ko ring sagot. “Haha, parang hindi naman.” Ang sabi ni Nicole. “Hatid na kita sa office niyo ok lang ba?” Alok ko, pero ayoko pa talaga mawala siya sa paningin ko gusto ko pa siya makasama. “Ha? Hindi ba marami ka pa rin trabahong babalikan?” Ang sabi ni Nicole. “Okay lang yan, kame na bahala dun sa mga deadlines.” Ang sabat naman ni Ron. “Mauna na kame pre ha.” Ang sabi naman ni Makky. Naglakad na kame ni Nicole papunta sa building na nasa likod ng Rudy's, hanggang sa makarating kame sa entrance ng building nila. “Thank you ha. See you soon?” Ang tanong ni Nicole. “See you soon.” Ang sabi ko at naglakad na ako pabalik sa aking opisina habang napapangiti sa kilig. 5 pm nanaman, di ko nanaman napansin ang oras dahil sa nalunod nanaman ako sa trabaho. Nagmadali ako bumaba sa parking at sumakay sa aking sasakyan, nagdrive ako papunta sa building ng opisina ni Nicole. Pagparada ko sa harap ay nagtanong ako kay kuyang guard. “Kuya, kilala mo ba si Nicole Villanueva, nakalabas na ba sya?” Ang tanong ko. “Ah si Ma'm Nicole sir, pababa na yun.” Ang sabi ni kuya guard. Nakahinga ako, salamat at hindi pa sya nakakauwi. Makalipas ang 5 minuto, nakita ko na si Nicole palabas ng building, bumaba na ako at pumwesto sa harap. Nakita ako ni Nicole, ngumiti sya habang papalapit sa akin. “Oh super soon ang pagkikita naten, magkasama lang tayo kanina.” Pabirong sabi nya. “Sabi ko naman sayo diba hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka, hahaha. Tara, hatid na kita I want to make sure na safe ka makakauwi." Alam kong trapik na nang ganun oras, kaya naman naisipan kong ayain muna si Nicole magkape. “Coffee?” yun na lang ang nasabi ko dahil bigla kaming nagka tinginan dahil sa nakita namin haba ng trapik. “Sige, dyan na lang tayo sa may kabilang stop light may coffee shop dyan.” Nagkape muna kame at umorder din ako ng isang slice ng cake para sa kanya. “So kamusta ang work kanina, madami ba?” tanong ni Nicole. “Oo, may deadline kasi kame para dun sa sardinas na kliyente namin.” Marami uli kaming napagusapan tungkol sa trabaho, nalaman ko na kliyente pala nila ang building management namin at alam niya kung saan ang opisina ko. “Matagal na kitang nakikita dun sa lobby ng building niyo dahil ilang beses na ako pabalik balik dun para sa meetings.” Kwento ni Nicole. “At matagal na kitang nakikita sa Rudy's palagi kang nakatingin saken, hindi lang kita pinapansin, hahaha! Kaya nga pumayag ako magpahatid sayo nun dahil alam ko opisina mo.” Namilog ang mata ko sa gulat dahil napansin niya pala na panay ang tingin ko sa kaniya. “Talaga ba?, oo aaminin ko hindi ko mapigilan na mapatingin sayo kapag nakikita kita sa Rudy's, ang ganda ganda mo kasi eh.” Seryoso ako nakatingin sa mata niya habang sinasabi ko iyon, kumakabog ang dibdib ko pero naglalakas loob ako dahil gusto ko makita ang reaksiyon niya. “Haha, nambola ka pa!” Yun lang sinagot ni Nicole. Biglang umulan ng malakas at nagkatinginan kami, parehas kaming napatawa dahil alam naming matatagalan kame sa coffee shop kaya tinuloy na lang namin ang kwentuhan namin. 9:30 pm na nang makarating kame ng Pasig ni Nicole. "Magpahinga ka na, alam ko pagod ka." Ang sabi ko sa kanya nang huminto ako sa harap ng apartment nya. “Thanks for taking me home, magingat ka paguwi mo. Hope to see you soon.” Ang sabi ni Nicole.. pero nang akmang bababa na siya ay para bang may nagtulak sa akin na hatakin ang kamay niya at halikan siya. Hinalikan ko si Nicole pero saglit lang iyon, nabigla din kasi ako sa ginawa ko. “Ahmm..ahhnmm, sorry di ko napigilan sarili ko.” Ang nasabi ko na lang kay Nicole, tulala si siya na nakatingin sa akin. Kinabahan ako at hinihintay ko na sampalin nya ako, pero sabi niya lang " Ingat ka paguwi". Nagmamadaling bumaba si Nicole pero nasulyapan ko na naka smile siya kaya medyo nawala ang kaba ko, akala ko magagalit siya. Paguwi ko kahit ramdam ko na medyo pagod hindi pa rin ako makatulog. Nararamdaman ko pa rin ang mga labi ni Nicole, paulit ulit sa aking utak ang eksena na iyon kanina..hanggang sa nakatulugan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD