"Nakatitig nanaman saken tong pogi na to, nakaka-ilang yung titig niya para akong hinuhubaran". Ang sabi ng isip ko habang kunot noong pasimple kong tinitignan yung pogi na nasa harapan ko sa Rudy's. Madalas ko siya makasabay ng lunch at napansin ko na palagi siyang nakatingin sakin at parang napapangisi pa. Kung hindi nga lang talaga pogi eh baka konompronta ko na, pero hinayaan ko na lang tutal hanggang tingin lang naman siya.
Ang dami daming message nanaman saken ng boss ko kahit lunch break nakakainis.
Napangiti ako ng maalala ang araw na iyon, nung naiwan ko sa Rudy's yung wallet ko at nakilala ko si Mervick dahil siya pala ang nakakuha nito.
“Oh my God, hinalikan niya ko buti na lang nakapag pigil pa ko, hahaha baka isipan niya eh easy ako pero sa totoo lang..gusto ko na talaga siya sunggaban.” Kinikilig na kwento ko kay Cathleen habang humahagalpak ng tawa.
“Ayeeee” “Uy ha, medyo magpakipot ka muna, baka naman laglag na agad yang panty mo. Hahaha." Panunukso saken ni Cathleen.
"Oy hindi noh, palagay ko eh babaero yun."
“Oh siya matutulog na ko para makapag beauty rest para kapag nagkita kame bukas eh fresh naman ako.Sige na babush.” Paalam ko kay Cathleen sa telepono habang natatawang pinindot iyon.
Ako si Dianne Nicole Villanueva, 27 years old nagiisang anak ng mga magulang ko na nasa probinsya ng Bicol. Lumaki ako sa hirap, pero nagsumikap ang mga magulang ko na pagaralin ako sa Maynila para balang araw eh magkaron ng magandang trabaho. Ngayon, nagtatrabaho ako sa isang Recruitment Firm sa BGC bilang Supervisor at umuupa ako ng apartment sa Pasig na ilang sakay lang papunta sa opisina. May isang taon pa lang ako sa kompanyang ito at halos araw-araw ay sa Rudy's ako kumakain, bukod kasi sa mura na eh masarap pa.
Madalas ko makita si Mervick sa Rudy's at palagi siyang weird na nakatitig saken, pero dine-deadma ko lang. High school pa lang ako, alam ko nang may kakaiba akong epekto sa mga lalaki..Madalas pa nga ako sitsitan sa kanto namin noon, kaya natuto akong maging suplada para tigilan nila ako. Sa totoo lang hindi ko type ang hunky-bad boy- look ni Mervick, moreno na may onting tubo ng balbas, pero hindi makakaila na pogi siya may maganda pang balikat, hindi na ako magtataka kung may abs siyang nakatago sa office attire niya. Hindi siya katangkaran halos konti lang ang taas nya saken, at nakikita ko sa kanya si Derek Ramsey.
Pero yung mga ganung itsura kasi alam kong mga babaero, mas gusto ko yung simple lang para wala ako kaagaw. Pero bakit ganito ang epekto ni Mervick sakin?, hindi ko maalis sa isip ko yung paghalik niya saken kanina. Ang bait bait pa niya, ang gentleman pa, tapos ang pogi pa “Hala ka, baka naiinlove na ko.” Ang sabi ko sa sarili ko. Pinilit kong makatulog at iwinaksi sa isip ko iyon ng gabing iyon.
9am Martes, medyo mabagal ang araw ngayon sa opisina natapos na kasi namin ang mga deadlines ng quota sa pagsupply ng employees sa mga kliyente. Napaisip ako habang nakatingin sa salamin ng building, “Ano kaya ginagawa niya ngayon?, itext ko kaya?, kaso nakakahiya.”
Tumingin ako sa relo ko alas diyes pa lang ang tagal naman ng lunch time naiinip na ko.
Nagpaka busy na lang ako at naghanap ng mga aplikante sa internet hanggang sumapit ang alas dose ng tanghali, nagmadali na akong bumaba para pumunta sa Rudy's, paglabas ko ng elevator nagulat ako..nandun si Mervick sa lobby at naghihintay. “Hi, tara lunch?” Ang tanong niya sakin na may malapad na ngiti sa mga labi, kitang kita ang maganda at maputi niyang mga ngipin.
“Bakit nandito ka?, pwede naman tayo magkita sa Rudy's.” Ang tanong ko sa kanya, syempre pa hard to get muna ako kunyari.
“Ok lang ba na sa iba naman tau maglunch ngayon?, dun sa hindi gaano maraming tao kung ok lang sayo.” Nakangiting tanong saken ni Mervick. “Ha? Oh sige ikaw bahala.” Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng building, nagpatangay na lang ako kung saan man niya ako hilahin. Sa isang restaurant na nasa 2nd floor ng isang building kame nagpunta, medyo tago at kokonti lang ang kumakain doon, hindi kasing ingay at gulo sa Rudy's. Umupo kame sa pang dalawahang lamesa at tinawag ni Mervick ang waiter para hingin ang menu.
Palingon lingon lang ako dahil mukhang mga bigtime na tao ang kumakain doon, meron pa akong nakitang artista.
“Mukhang mahal dito ha, baka naman hindi ko ma pronounce ang mga pagkain dito.”
Pabiro kong sabi kay Mervick. “You deserve the best.” Naka-smile ng malaki si Mervick, at ngayon ko lang napansin na hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
“Teka nga.” Hinatak ko ang kamay ko ng dahan dahan. “Ayoko sanang maging assuming, pero ano ba tayo Mervick? Nililigawan mo ba ko?” Medyo prangka na ako, mas gusto ko sana na malinaw ang lahat.
“Ehemm, okay sige. Aaminin ko na, alam mo hindi ko maintindihan ang nangyayari sa sarili ko, palagi ka nasa isip ko at kahit na tinitignan lang kita, parang ang sarap sarap ng pakiramdam ko, para kang anghel sa paningin ko."
Pagpapaliwanag ni Mervick, hindi ako makapagsalita hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Gusto ko sana magkakilala pa tayo, ayun eh kung nililigawan mo nga ako.” Ang nasabi ko na lang, pero sa totoo lang eh hindi masukat ang kasiyahan ko pinipigilan ko lang mapangiti at kunwari seryoso ako. “Oo naman, sagutin mo lang ako ngayon at habang buhay kitang liligawan.” Hinawakan niya uli ang kamay ko at nilapit sa kanyang mga labi na nakatingin sa aking mga mata. Kinikilig talaga ako.
Nagkwentuhan kame habang kumakain hindi ko na napansin na malapit na magtapos ang lunch time. “Naku 1pm na pala kelangan na naten bumalik sa office.” Ang sabi ko kay Mervick. “Oo nga pala, tara hatid muna kita pero mamaya hintayin mo ko ha sabay tayo umuwi, ok lang ba?” Ang tanong niya sakin habang patayo na kami sa aming upuan. “Okay, actually wala naman kami masyadong ginagawa ngayon, pwede ako mag-out ng maaga.” Actually gusto ko na nga magout at makasama siya. “Sige maaga din ako mag-aout tapos na rin yung deadline sa kliyente namin.” Lumabas kami ng restaurant ng magka holding hands, nararamdaman ko na pinipisil nya paminsan minsan na parang gigil, hanggang sa makarating kami sa harap ng building ng opisina ko at tumingin ako sa kanya. “See you later.” Sabay hinalikan niya ako sa pisngi, pinisil ang kamay ko at inantay niya ako makapasok sa entrance ng building.
“Huuuy! kayo na ba friend, nakita ko kayo dun sa kabilang street eh nagpunta ako sa ministop.” Panunukso saken ni Cathleen. “Oo yata friend.Hahaha.” Kinikilig kong sagot sa kaniya.
“Tinatanong nga pala ng isang kliyente naten yung cellphone number mo saken kakatawag lang kanina bago ka dumating.” Ang sabi ni Cathleen. “Huh, sino?” “Si Dr. Michael Francisco yung Director sa Makati Med.” Napakunot ang noo ko, iniisip ko kung nakausap ko na ba yun at kung natatandaan ko ang itsura niya. “Ahh, yung matangkad na maputi na chinito?” Naalala ko na siya, medyo. (Oh my..crush ko yun eh). “Oo si Mr. Chinito, hahaha. Si crush mo tinanong saken pasimple kung pwede ba makuha yung number mo. Ang sabi ko hindi ko pwede ibigay.” Nakatingin ako sa aking computer at biglang may nag pop-up na email, si Mr. Chinito.
‘Dear Ms. Villanueva, I am gladly writing you this letter to formally ask you to have dinner with me, and if I may ask your mobile number.’ Regards, Michael Francisco.’ Muntik ko na mabuga ang kape ko dahil natawa talaga ako “Grabe naman tong si Mr. Chinito magaya. Ni wala manlang pasakalye talagang direct to the point.”, Isang beses lang kame nagmeet, bumalik tuloy sa alaala ko ang meeting namin na yun. Sa opisina nila kame nagmeeting kasama si Cathleen na assistant ng aming Manager at si Mr. Paradillo, napansin ko nga na panay ang sulyap ni Dr. Francisco sa akin kahit na napaka seryoso ng mukha niya, iniisip ko naman na baka ganun lang tlga siya tumingin pero ang lakas talaga ng appeal ng mga mata niya saken. Boy next door with chinito eyes ang dating ni Dr. Michael Francisco, ang alam ko korean ang mother niya at Filipono naman ang father niya pero dito na siya pinanganak sa Pinas.
Medyo may kilig akong naramdaman, bakit ganun?.. dahil siguro crush ko siya. Natapos ang maghapon ng iniisip ko kung ano ang isasagot ko kay Dr.Francisco habang tinatapos na lang ang mga paperworks na natira. Kelangan ko na siya replayan sa email dahil mamaya eh kasama ko si Mervick malamang makalimutan ko na gawin yun.
“Dear Dr. Francisco , Thank you for inviting me. I would love to go on dinner with you. This is my personal mobile number, you can message me the details.”
Hala nabigla naman ako sa nasulat ko, siguro ito talaga ang gusto kong isagot sa kanyang invitation. Pero teka, ano bang gagawin ko eh kame na ba ni Mervick?, nalilito na ako. Gusto ko si Mervick, pero parang mas kinikilig ako ngayon kay Dr. Francisco, formal siya at seryoso, sigurado siya sa gusto niyang sabihin saken. Si Mervick naman ay parang Happy Go Lucky eh, dinadaan ako sa pa cute. Bahala na nga mamaya ko na lang pagiisipan.
Bumaba na kami ni Cathleen sa elevator habang pinaguusapan si Dr.Francisco. Pagbaba namin sa lobby eh panay pa rin ang panunukso ni Cathleen sakin, nandun na si Mervick kausap ng guard ng building at mukhang close na sila. Biglang humarap si Mervick na may bouquet ng flowers, at may malapad na ngiti.
“Uy, ganda talaga ng friend ko, may flowers pa. Geh friend see you tomorrow.”
Nanunukso ang tingin ni Cathleen. Pinandilatan ko lang siya at parang gusto ko na siyang kurutin.
“Hello, wow thank you sa flowers". Ang nasabi ko habang nilalanghap ang mga bulaklak.
"Let's go?" Ang sabi ko kay Mervick, at hinawakan niya na ang aking kamay at sumakay sa kanyang kotse. Nagpahatid ako ng derecho sa apartment dahil parang sumasakit ang ulo ko, napansin iyon ni Mervick.
“Are you okay?, lets order some food what do you want?”
Nagaalalang tanong niya. “Okay, parang gusto ko lang ng Coffee and some cake.” Pumasok na kame sa apartment at nakita kong nagoorder na si Mervick ng cake and coffee sa kaniyang cellphone gamit ang isang online app at may sushi bake na para ata sa kanya.
Ibinaba ko ang bag ko at hinubad ko ang aking sandals, pero nagulat ako sa sumunod na ngyari dahil biglang inilapit ni Mervick ang kaniyang mukha at napaatras ako ng dahan dahan hanggang sa napasandal na ako sa dingding.
Titig na titig ang gwapo niyang mukha sa akin at dahan dahang lumalapit ang kanyang mga labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinalupot ko ang aking mga braso sa kaniyang batok at ibinuka ang aking mga labi. Hindi na ako nagpakipot pa alam ko naman na gusto ko talaga siyang halikan.
Dahan dahan ang paghalik ni Mervick sakin, pero ramdam ko ang gigil sa pagsipsip niya sa aking mga labi. Gumaganti ako ng halik sa kaniya at napapa ungol pa ako dahil paminsan minsan na hinahatak niya ang ibabang labi ko.