4

1244 Words
TWO YEARS BEFORE   Dali-dali sumugod si Trish sa kanilang classroom at mabilis na nilapitan si Danica na abala naman sa pakikipag-usap sa iba pa nitong mga kaklase.   “Do you have a minute?” Direktang tanong ni Trish.   Napatayo naman sa kanyang upuan si Danica at sarkastikong nginitian ang kaibigan.   “Sure, I’m sure you really miss us. May dapat ba tayong pag-usapan?” Tanong ni Danica.   “I just want to say na ang lahat ng sinabi mo tungkol sa daddy ko ay hindi totoo. So stop spreading ng wrong rumour Danica, kung may problema ka sa akin, pwes huwag mong idaamay ang daddy ko!” Gigil na sambit ni Trish.    Napaangat naman ng tinigin si Danica, mariin nitong tintigan si Trish at sumagot.   “Are you really accusing me? My ghosh Trish kaya ko bang gawin yun? Kaya ko bang ipagkalat sa buong school na ang daddy mo ay isang drug syndicate? Don’t overreact baka mahalata nila na galing ka sa pamilya ng mga kriminal.” Tila nanilim naman ang paningin ni Trish at hindi na napigilan ang sariling emosyon at bigla nalang binigyan si Danica ng isang malakas na sampal sa pisngi.    “Liar! “ Sigaw ni Trish na aktong susugurin pa sana si Danica. Ngunit agad naman itong napigilan ng ilan sa mga kaklase nito.   “How dare you! I’ll make you pay for this.” Hindi  na nagawang gumanti pa ni Danica ng bigla nang umawat ang ilan sa kanyang mga kaibigan.   “You are good for nothing Trisha, wala ka nang pwedeng ipagmalaki sa amin, you are just a piece of trash. Like your dad!” Gigil na bigkas ni Danica sabay inirapan pa si Trish.   “Then fine, since hindi na ako kasing yaman mo, wala na akong pakialam kung ayaw mo akong maging kaibigan. Tama ka Danica everything changed, but the fact na minsan kang naging sunod-sunuran sa akin hindi magbabago yun. You’ll be forever live as my shadow b***h. Take note of that!” Pasigaw na sambit ni Trish sabay lakad palayo.   Naiwan namang nagtitimpi sa galit si Danica habang ang mga mata ay nakasunod parin kay Trish.   .........   Sa cafeteria ng campus ay gigil na gigil namang isinalaysay ni Danica ang labis na galit sa dating kaibigang si Trish.   “After what she did, I’ll make sure to drag her down to hell.” Napailing naman si Unice ng mapansin ang reaksyon ni Danica.   “Dani stop it, Kung ano man yang binabalak mo huwag mo nang ituloy, She’s your friend after all may pinagsamahan parin kayo.” Nanlaki naman ang mga mata ni Danica at binalingan ng masamang tingin si Unice.   “Are you choosing side now? Kung kakampi ka sa kanya, umalis ka sa harap ko at huwag ka nang magpapakita kahit kailan.” Sarkastikong bigkas ni Danica.   Napayuko naman si Unice at tila napahiya.   “Go on girl, umpisa pa lang naman ayaw ko na talaga diyan ka Trisha. Ngayong wala na silang pera, wala na sa kanya ng trono bilang queen bee I think it’s about time to show her kung saan siya nararapat.” Sambit naman ni Vicky habang mahigpit namang nakayakap sa bewang ng nobyong si Benjie.   Isang tipid na ngiti naman ang binitawan ni Danica at biglang naisip si Trish.   “You’re right, I have to make the b***h suffer in every possible way.” Sambit nito.   ................     PRESENT DAY   Sa isang bakanteng lote ay tahimik namang nakasandal si Unice sa gilid ng kanyang sasakyan, Sa harapan niya ay nandoon na rin sina Vicky, Benjie at Romy na tila pare-pareho silang balisa at hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan.   Hanggang sa lumipas ang ilang minuto at isang kotse uli ang biglang dumating, huminto ito sa tapat nila at bumungad mula doon ang kalmadong mukha ni Danica.   Nang makita ang babae ay agad namang humakbang si Unice at nilapitan ito.   “You’re late. Kanina ka pa namin hinihintay.” Seryosong bigkas ni Unice.   Napailing naman si Danica at binalingan ng masamang tingin si Unice.   “I know Unice at wala kang karapatang sitahin ako. Loser” Bago pa man magkainitan ay bigla namang pumagitan sa kanila si Benjie at nagsalita.   “Girls that’s enough. Alam niyo naman kung bakit tayo nandito di  ba? We need to have an immediate plan.” Paliwanag ni Benjie.   “He’s right, hindi ito ang tamang oras upang magbangayan. Our lives are in danger. We have to find ways to stop her.” Tensyonadong pahayag naman ni Romy.   “Stop who? Trisha and her stupid tales? Come on guys, patay na siya, her ghost can’t harm us do you get it?.” Giit naman ni Danica sa sarkastikong tono.   “Danica please.” Saway naman ni Unice sa kaibigan.   “If she’s dead, can you explain what happened to Glen? He was on the book at lahat tayo nandoon sa pesteng librong iyon!” Pasigaw na sabi ni Romy.   “Romy’s death was on the chapter right after Glen. Kung bagbabasehan natin ang laman ng libro, Ibig sabihin his time will be up anytime soon.” Seryosong sabi naman ni Vicky.   Nailing naman uli si Danica at isinawalang bahala nalang ang mga narinig.   “Kung ganon, just let me know if you’re dead. I’ll be on your funeral then.” Napatingin naman ang lahat kay Danica at binalingan ito ng masamang tingin.   “According to the book, you will die too, you will die in the most intense way you can imagine. Malaki ang galit ni Trish sayo Danica so I advice that you need to be careful at kung ayaw mong maniwala you better read the book yourself.” Sambit naman ni Unice sa nangangambang tono.   Napakunot noo nalang si Danica at isinawalang bahala muli ang sinabi ng kaibigan.   “Fine, believe what you have to. But I’m out of this.” Sabi nito sabay lakad pabalik sa kanyang sasakyan.   ...........     Napalunok naman ng laway si Jane habang binabasa ang aklat na ginawa ni Trish. Saglit itong napatigil at napatingin sa katabing si Spencer seryoso ang mukha nito at tila may malalim na iniisip.   “Si Romy na nga ang susunod kay Glen. Kailangan natin siyang mahanap, we need to warn him.” Nangangambang sabi ni Jane.   “Tama ka, this is something we need to take seriously.” Sagot naman ni Spencer.   Pagkalabas ng funeral homes ay dali-dali naman silang sumugod sa bahay ni Spencer at dumeretso sa sala.    Agad silang umupo sa harap ng computer at binuksan ang f*******: account ni Spencer.   “I can’t search him online, so what we need to do is find a possible mutual friend.” Sambit ni Spencer habang abala naman sa pag ta-type sa kanyang keyboard.   “What about Glen, for sure connected sila.” Agad naman nilang tiningan ang profile ni Glen at hinanap ang pangalan ni Romy sa list ng binata.   Hindi nagtagal at ay nahanap din nila ang profile ni Romy at agad itong pinadalhan ng mensahe.   “We got him.” Napatingin naman si Jane sa monitor at napansin na kasalukuyang online din si Romy.   “Hi Romy, this is Spencer, where are you?” Tahimik naman nilang hinintay ang tugon ng ng binata at pagkaraan lang ng ilang minuto ay sumagot na rin ito.   “Hi dude, what’s up?” Agad namang tumugon si Spencer at sinabi.   “Can you send me your address? Please stay where you are, we have something to discuss with you.” Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi parin tumugon si Romy.   Hanggang sa makaramdam nalang ng pangamba si Jane.   “Is he alright?” Napailing naman si Spencer habang nakatitig parin sa monitor.   “I don’t know.” Makaraan lang ang ilang minuto ay isang picture message naman ang natanggap nila mula kay Romy.   Dali-dali itong binuksan ni Spencer at tinitigan ang bumubukas na larawan.   Ilang sandali pa ay napatigil nalang sila sa nakita.   “Oh my god.” Napatakip naman ng bibig si Jane at naramdaman nalang ang panginginig ng sariling katawan sa nakita.   “This can’t be.” Napailing nalang si Spencer nang makita ang litrato ng duguang katawan ni Romy, nakabigti ito sa ceiling at mistulang wala ng buhay.   “Call him.” Sigaw ni Jane.   Sinubukan naman nilang tawagan ang account ni Romy ngunit wala nang tugon mula doon.   Ilang saglit lang ay muli nalang silang napatigil nang makita ang bagong mensaheng dumating mula sa account ni Romy.   Hanggang sa sabay nalang silang nangilabot nang mabasa ang mensaheng iyon.   “Hello, Friends.” Sabi ng mensahe.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD