bc

Cinderella's Blood

book_age16+
454
FOLLOW
1.1K
READ
dark
twisted
Fantastic Life Writing Contest
kicking
mystery
scary
betrayal
Writing Academy
Girlpower Revenge Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Makalipas ang dalawang taon ay nabunyag ang mga misteryo pagkamatay ng isang graduating high school student na si Trisha Suarez.

Sa pamamagitan ng isang mystery-horror book na isunulat ng isang anonymous writer ay unti-unting mabubunyag ang mga taong sangkot sa pagkamatay ng dalaga.

The book tells no escape, The darkest fairytale is about to be told.

chap-preview
Free preview
1
  PRESENT DAY   Naalarma ang mga nurse sa loob ng silid Glen, may ilang nakahawak sa kanyang paanan at ang ilan naman ay pilit na pinipigilan ang pagpupumiglas ng kanyang mga braso at kamay.   “What’s going on?” Tanong ni Thelma habang nakatayo sa isang sulok at pinapanood ang nangyayari sa kanyang kaisa-isang anak.   “His anxiety is attacking him again!” Sigaw ng doktor na pilit naman tinuturok ang injection sa braso ni Glen.   “Please do anything.” Mangiyak-ngiyak na sabi ng ginang.   “He’ll be fine after a few minutes. Wag po kayong mag-alala” Sabi naman ng doktor.   Napahawak nalang si Thelma sa kanyang dibdib habang  pilit na pinigilan ang sariling emosyon habang nakikita ang pagwawala ng anak.   “Bitiwan niyo ako, nandito siya, papatayin niya ako!” Sigaw ni Glen na pilit paring nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga nurse na nandoon.   “Sir, please calm down!” Sigaw naman ng isa pang nurse na bakas na sa boses ang takot.   Napayuko nalang si Thelma at hinayaan nalang ang mga staff ng hospital sa kanilang ginagawa.   Hindi nagtagal at dahan-dahan namang napahinto si Glen, hanggang sa unti-unti na itong nawalan ng malay. ................   Nanlumo nalang si Thelma habang tahimik lang na pinagmamasdan ang mukha ng anak habang ito’y mahimbing na natutulog sa malamig na silid ng hospital.   “He keeps on telling me about his nightmares. He said sinusundan daw siya ng isang duguan na babae. She was holding a knife at gusto daw siyang patayin nito.” Seryosong salaysay ni Thelma sa doktor na kasalukuyang nakatayo sa tabi nito.   “Is he having an issue lately, like family issues or anything personal?” Tanong ng doktor sa nababahalang boses.   “As far as I know, hindi marunong magtago ng sekreto si Glen. I guess something about his past is still bothering him.” Napatingin naman ang doktor sa ginang at nagtaka.   “What about his past?” Tanong nito.   “The girl on his nightmares was her old friend. She died few years ago. I wonder if Glen did something bad to her. Kaya niya ito napapanaginipan, ito and it’s getting worse everyday.” Sambit pa ni Thelma.   “I get it, he maybe noticed some terrible things from his past, So what’s the name of the girl?” Napakunot noo naman ang ginang at sumagot.   “Trisha. her name is Trisha Suarez.” Seryosong bigkas nito. ....................   Bakas sa mukha ni Jane ang pagod. Pagkapasok palang nito sa pintuan ay agad namang bumulaga sa kanya ang nakasimangot na mukha ng kanyang inang si Norma.   “Alam mo ba kung anong oras na? Hindi mo ba alam na delikado ang umuwi ng dis-oras ng gabi?” Pagsesermon ng kanyang ina.   Hindi naman iyon ininda ni Jane bagkos ay dumeretso nalang sa kanyang silid at mabilis na sinirado ang pinto.   “Buksan mo itong pinto! Bastos kang bata ka! Buksan mo to!” Sigaw nang kanyang ina sa galit na tono sabay kinakalampag pa ang pintuan ng kanyang silid.   Napaupo nalang sa likod ng pintuan si Jane at nanlumo habang pinapakinggan ang pagwawala ng kanyang ina.   Nag-iisang anak si Jane at nang mawala ang kanyang ama ay nagkaroon naman ng sakit sa pag-iisip ang kanyang ina dahil sa labis na depresyon.   Mag-isang itinaguyod ni Jane ang ina kaya sinikap nitong ipagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maipagamot ang ina sa takdang panahon.   Nang tumahimik na ang ina nito ay napahinga naman siya ng maluwag.   Agad itong tumayo  at dahan-dahang lumapit at umupo sa kanyang kama. Maya-maya lang ay naisipan nalang nitong buksan ang drawer ng cabinet na nasa tabi lang ng kama nito.   Sa loob nang drawer ay kinuha niya ang isang libro, isang misteryong aklat na ipinadala sa kanyang pinagtatrabahuan dalawang araw na ang nakaraan.   Bakas sa  mukha nito ang pag-aaalangan habang binabasa ang pamagat ng nasabing libro.   “Dark Tales of Cinderella” Mahinang bigkas nito na may halong kaba sa boses.   Dahan-dahan niyang binuklat ang libro at doon ay bumungad sa kanya ang salitang.   Dedication: For my friends, A revenge came from the dead. By: Trisha Victoria Suarez   Napahinga naman ng malalim si Jane habang binabasa ang bawat salita sa unang pahina.           Bigla nalang napatigil si Jane nang maalala ang dating kaibigan.   “Trish?”   ....................   TWO YEARS BEFORE   “Good job girls, we’re all set for the next game.” Masayang sambit ni Ms.Pearl nang makita ang rehearsal nila Trish at ng mga ka team nito.   Napahinga naman ng malalim ang lahat nang sa wakas ay natapos nadin ang walang kamatayang mag-eensayo ng kanilang mga routine para sa darating na PEP competition.   “Girl, you’re so great. You are a life saver.” Masayang bigkas ni Unice na napayakap pa sa kaibigang si Trish na siya namang tumatayong team captain ng grupo.   “Nope. That’s not me, thank you girls for giving your best shot, So I guess we are all ready for the championship?”   “Of course, as always. Girl power!” Nakangting sabi naman ni Danica. Napahiyaw nalang ang lahat at sabay-sabay na nagsitawanan.   Huling taon na ni Trish sa La Trinidad High. At bilang huling taon na ay nais nitong gawin ang lahat nang plano nito bago pa man ito pumasok sa koleheyo.   Kabilang na ang pagsungkit sa first place sa PEP competition. At ang ipagdiwang ang kanyang 16th birthday ayun sa kagustuhan nito.   ...................   Sa masayang saliw ng musika ay hindi naman mapigilan ng lahat ang mapa-indak habang nag-aayos ng kani-kanilang gamit sa locker area.   Habang abala sa ginagawa ay nagulat naman si Trish ng mapansin ang paglapit ni Danica sa kanya.  Isang malapad na ngiti ang pinakawalan nito bago tuluyan nagsalita.   “I heard you will have a party this weekend? Time flies your getting older sweetie.” Napakamot naman ng ulo si Trish at tila napatawa nalang.   “Gosh, I almost forgot. Anyway, I won’t send you any invitations. Pumunta nalang kayo okay? Party at my house on Saturday. Just be there.” Nakangiting tugon nito.   “Of course, I will, I can’t miss the best party of the year. Anyway do have any themes for the party? Maybe I can give you some ideas if you want?.” Napatango nalang si Trish bilang tugon.   “So can we have the hot dudes there? I’m sure pupunta din si Jake.” Ilang saglit lang ay nagsitilan naman ang mga babaeng kaibigan nito na bakas pa sa mga mukha ang labis na excitement.   “Stop it Dan, Hindi pa approve kay dad yung house party.” Giit ni Trish.   “He will if you insist.” Sagot naman ni Danica.   ...................   Kinagabihan ay nagulat nalang nalang si Trish ng biglang pumasok sa kanyang silid ang kanyang madrastang si Celeste. May dala itong ilang piraso ng damit na kanyang pagpipilian upang maisuot sa kanyang kaarawan.   “Hi bought you some dress,  I hope this time may mapili ka nang isuot para sa birthday mo.” Sambit ni Celeste habang inilalapag ang apat na pirasong gown sa malapad na kama ni Trish.   Napangiti naman ang dalaga at sinulyapan lang ang mga damit.   “Fairy tales, ball gowns, boring party? Ma it’s happening every year. I hope this time iba naman, don’t you see? I’m all grown up.” Malumanay na bigkas ni Trish.   Napailing nalang si Celeste at sumagot.   “So ayaw mo nito? what do you want then?” Isang malapad na ngiti naman ang puminta sa mga labi ni Trish at sumagot.   “Rock, loud music, Dj’s?” Nagulat naman si Celeste sa narinig at napakunot noo.   “For real? Hindi ako sure kong papayagan ka ng daddy mo. It’s a house party, alam mo naman ang daddy mo.” Natahimik naman si Trish at hinawakan ang kamay ng madrasta.   “Ma, I’m sure gagawan niyo naman ng paraan di ba? Please.” Pakiusap nito sa malambing na tono.   Napangiti nalang si Celeste at sumagot.   “Okay. Sige. Gagawan ko ng paraan. I’ll talk to your dad. But don’t quote me on this okay?” Sa labis na tuwa ay napayakap nalang si Trish sa madrasta.   “Yes, yes! Thank you ma. Please convince him well, okay?” Masayang bigkas nito.     ..................................   Two Years Before: Gabi ng kaarawan ni Trish.   Kompleto ang ang mga kaibigan ni Trish na dumalo sa araw ng kaarawan nito. Sa unang pagkakataon ay nasunod ang gusto nitong mangyari sa kanyang birthday party.   Habang nagsasaya ang lahat ay isang misteryosong tawag naman ang natanggap ni Trish. Sa isang iglap ay biglang tumigil ang mundo nito sa narinig na balita.   “Is this Romulo’s daughter?” Sambit nang nasa kabilang linya.   “Yes? Who are you?” Tanong naman ni Trish   “Your Father had an accident, He’s in critical condition.” Sagot ng nasa kabilang linya.   Napatakip naman ng bibig si Trish at bahagyang napatulala.   Hindi na nagdalawang isip ito at agad nang tumakbo sa ospital upang makita ang kanyang ama.   Pagkarating doon ay agad naman siyang tumakbo sa Emergency room na kung saan kasalukuyang nire-revive ang katawan ni Romulo.   “Daddy! “ Sigaw nito nang makita ang duguang katawan ng ama. Agad naman siyang naharang ng ilang mga nurse ngunit nagpumiglas ito upang makalapit sa kanyang ama.   “Dad!” Sigaw nito.   “Tr-Trish.” Nanghihinang tugon ni Romulo nang makita ang anak.   “Miss, bawal po kayo dito pasensya na.” Awat ng isang nurse habang hinihila ang magkabilang braso ni Trish.   “Please save him!” Mangiyak-ngiyak niyang sabi naman ni Trish na halos napapahandusay na sa sahig.   “Trish.” Napatigil nalang ito nang muling marinig ang mahinang boses ng kanyang ama.   “Don’t trust her-, don’t trust anyone.” Nauutal na sabi ni Romulo. Hangang  sa tuluyan na itong nawalan ng malay. “No! Dad!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Trish.   ................   PRESENT DAY   My dad left me, Then everything has changed after that day. I used to wonder what he means to say. Later that I realize na tama si daddy. Hindi dapat ako nagtiwala kahit kanino.   Kung nakinig lang ako sa kanya, wala dapat ako sa lugar ko ngayon.   Bigla ay napatulala naman si Jane at dahan-dahang isinara ang librong hawak nito. Agad naman siyang nanlumo habang ang mga mata ay nakapako sa librong hawak niya.   Nanginig ang kanyang mga kamay habang tumatakbo parin sa kanyang isipan ang ala-ala ng kanyang kaibigan.   “I’m sorry Trish, Whatever I did, sana mapatawad mo ako.” Sambit nito sa kanyang sarili.              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
498.5K
bc

NINONG III

read
365.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook