PRESENT DAY
Nang makapasok sa loob ng silid ay bigla namang nabitawan ng nurse ang kanyang hawak na tray nang makita ang sinapit ng kanilang pasyenteng si Glen.
Bahagya pa itong naapatras at nanlumo sa nakita.
Nakahiga ang pasyente sa kama, habang tirik na tirik ang mga mata nito, nakapulupot ang swero sa kanyang leeg at tila naninigas na ang buong katawan.
Mistulang wala nang buhay.
Sa labis na takot ay agad namang tumakbo palabas ang nurse at tinawag ang kanyang mga kasamahan.
Makalipas ang halos isang oras ay napuno naman ng mga pulis ang nasabing silid.
Ang lahat ay naalarma at nanatiling palaisipan sa lahat ang nangyari sa biktima.
“This can’t be happening. Hindi pa patay ang anak ko!”
Hindi naman mapakali sa isang sulok si Thelma habang tinitingnan ang bangkay ng anak na kasalukuyang ino-obserbahan ng mga pulis.
Maya-maya lang ay napatigil naman ito ng makitang papalapit sa kanya ang isa sa mga awtoridad.
“Magandang gabi Mrs. Araullo, Ako si SP01 Dante Tuazon, Pwede ko ba kayong makausap sandali?”
Bati ng isang pulis na mistulang nasa edad trenta.
Natahimik naman si Thelma at tumango nalang bilang pagsang-ayon.
...............
Ilang minuto lang ay natagpuan nalang ni Thelma ang sarili sa loob ng opisina ng mga pulis.
At sa oras na iyon ay kaharap na niya ang pulis na kanina lang ay kausap lang niya.
“Don’t tell me that my son did that to himself. Kilala ko ang anak ko, at hindi niya kayang gawin iyon.”
Seryosong sambit ni Thelma.
Napatango naman ang pulis bago tuluyang tumugon sa sinabi ng ginang.
“Ako po ang in-charge sa kaso ng anak niyo. This time hindi pa namin matukoy kung ano ang dahilang ng pagkamatay niya. Kaya ko kayo sinama dito upang makasagap sana ng mga ilang impormasyon na makakatulong sa kaso ng anak niyo.”
Napatango naman si Thelma at tila naunawaan na ang nais mangyari ng pulis.
“May nakitang mga residue ng sleeping pills sa bibig ni Glen, Sa ngayon inaantay pa namin ang result ng autopsy. Yung swero nakapalibot din sa leeg niya base sa naabutan namin sa crime scene. Kaya possibleng suicide incident ang nangyari o pwedeng iba. Kaya misis tatanungin ko po kayo, may alam po ba kayong nakaaway o galit sa anak niyo? Maaring may kinalaman sila sa nangyari.”
Seryosong sabi ng pulis.
Bigla ay nabalisa naman si Thelma at napaisip.
“Glen was diagnosed with anxiety disorder. He often see things na hindi namin nakikita, he talked to himself sometimes, madalas ko siyang napapansin na mag-isa, laging balisa at takot na takot.”
Salaysay ng ginang.
Napatango naman Dante habang taimtim na nakikinig sa kwento ni Thelma.
“Lagi niyang sinasabi na may gustong pumatay sa kanya. But the weird thing is that, he keep on mentioning the name of the girl who passed away few years ago.”
Napatingin naman si Dante sa mukha ng ginang at nagsalita.
“Ibig niyong sabihin ay may nagmumulto sa anak niyo?”
Tanong ni Dante na napakunot noo pa.
Napailing naman si Thelma at sumagot.
“Not unless he’s right. Baka nga buhay pa si Trish and after all she’s threatening my son’s life.”
Gigil na bigkas ni Thelma.
Napatango noo naman si Dante at napaisip.
“Ibig niyong sabihin, Si Trisha Victoria Suarez?”
Direktang sambit nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Thelma sa narinig.
“How do you know her name?”
Tensyonadong tanong nito.
Bigla ay may dinukot naman si Dante mula sa kanyang brown envelop na nakalapag lang sa kanyang lamesa.
Mula doon ay bumulaga sa mga mata ni Thelma ang isang maliit na libro na nakasilid pa sa isang zip lock na plastik.
“Nakita namin ito sa crime scene, nakatago ito sa ilalim ng kama ni Glen, isang libro, technically a mystery or horror book, posibleng kay Glen ang librong ito, o maaring galing sa ibang tao.”
Napako naman ang mga mata ni Thelma sa libro at tahimik lang na binasa ang nakasulat na pamagat.
“Dark Tales of Cinderella, By Trisha Victoria Suarez.”
Nanginig naman ang katawan ni Thelma na tila nakaramdam ng kakaibang pangingilabot.
“This is not possible.”
Tensyonadong sambit nito.
“Sa unang kabanata ng libro ay malinaw na nakasaad ang pagkamatay ni Glen, huwag po kayong mag-alala, gagawin po namin ang lahat upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng anak niyo.”
Kalmadong sambit muli ni Dante.
..............
Namanhid naman ang katawan ni Jane sa masamang balitang bumulaga sa kanya, nang makita ang balita sa TV ay hindi na siya nagdalawang isip na kilala niya ang lalaking nakita niya mula doon.
Si Glen, ang isa sa mga kaklase niya noong high school.
Habang pinapakinggan ang masalimuot na balita ay hindi naman maiwasan ni Jane ang mapaisip kung bakit kailangang mangyari ang krimen na iyon sa kanyang kaklase.
Bigla ay sumagi nalang sa isipan nia ang dating kaibigan na si Trish, na minsan na ring naging malapit na kaibigan ni Glen.
Naalarma naman ito at bigla ay naisipan nalang na pumunta ng banyo.
Saglit itong nag-paalam sa mga katrabaho at kinuha ang kanyang bag na nasa ilalim ng kanilang counter.
Patakbo pa itong humakbang hanggang sa makarating sa Rest Room.
Agad itong pumasok sa isang cubicle at mabilis na isinara iyon.
Bahagya itong umupo sa inidoro at dinambot ang libro sa loob ng kanyang bag.
“Dark Tales of Cinderella, by Trisha Victoria Suarez.”
Tahimik naman niyang binasa ang pamagat ng libro hanggang sa tuluyan na nitong binuklat at binasa iyon.
“Chapter One, my sweet revenge,
I want to make it gentle and bloodless, for you Glen.
I’ll be your nightmare until the end.
Makikita mo akong duguan tuwing gabing gigising ka, ipaparamdam ko sa iyo kung paano mamatay ng paunti-unti, Ipapalasap ko sa iyo ang sakit at ang aking pighati, maninirahan ako sa iyong isipan, at hindi ako titigil hanggat ikaw na mismo ang humiling sa iyong kamatayan.
At sa huling gabi ng iyong pagdurusa ay makikita mo akong nakatayo sa gilid ng iyong kama,
Dala-dala ko ang isang malambot na unan at ipapatong ko iyon sa iyong mukha, ididiin ko iyon, hanggang sa magpumiglas ka at maubusan ng hininga, mararamdaman mo ang katapusan, mararamdaman mo ang ganti ng kamatayan.”
Nang mabasa ang unang bahagi ng kabanata ay napatakip naman ng bibig si Jane.
Bahagya itong nag-isip.
Ayaw man ng kanyang isipan na samang-ayon, ngunit isang teorya lang ang kanyang naiisip.
“Si Trish, siya ba ang pumatay kay Glen?”
Tanong nito sa kanyang sarili.