PRESENT DAY
Agad namang pinuntahan ni Spencer si Jane pagkatapos itong makausap sa telepono.
Sa isang coffee shop ay agad nitong nadatnan si Jane na nakaupo sa isang pang dalawahang table habang nagbabasa ng libro.
“Jane is there something wrong?”
Bungad nito
“I’m glad you came, pasensya ka na pero kailangan ko ng tulong mo.”
Natatarantang sambit ni Jane.
“May problema ba?”
Pag-aalala naman ni Spencer.
“Chapter thirteen is the death of Benjie, totoo ang nasa libro ni Trish at ang chain ng pagpatay ay base sa pagkakasunod-sunod nito sa libro. Few days ago natagpuang patay si Vicky and anytime soon isusunod na niya si Benjie.”
Paliwanag naman ni Jane.
“Wait, how sure are you na iyon nga ang mangyayari? What if wala namang kinalaman si Trish dito?”
Tanong ni Spencer.
“I used to think na wala nga siyang kinalaman, how I hope na wala nga siyang kinalaman pero totoo ang lahat, totoo ang hinala natin, buhay pa si Trish.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Spencer at nag-isip.
“Nakita ko na ang ospital na kung saan nandoon ang daddy ni Trish, I’ve got a chance to talk to him at sabi ng isang nurse few months ago ay dumalaw si Trish sa nasabing ospital. Spencer we have to do something to stop her.”
Nangangambang sabi ni Jane.
Napatango naman si Spencer at sumagot.
“Yes, we will.”
Sagot nito
Makalipas ang ilang sandali ay aagad namang tinungo nila Jane ang bahay ni Benjie ngunit wala din silang nadatnan doon.
Maya-maya pa ay binuksan naman ni Jane ang kanyang f*******: account at nagulat nalang sa nakita.
“Saan naman natin siya mahahanap?”
Napatingin naman si Jane sa mukha ni Spencer at sumagot.
“I think I know where.”
Sagot nito.
Ilang sandali pa ay tumungo naman sila sa isang malapit na bar at doon ay matiyagang hinanap si Benjie.
Hindi nagtagal ay natagpuan din nila ito kasama ang kaibigang si Unice.
Agad silang lumapit at hinarap ang dalawa.
Napatigil naman si Unice at Benjie at mistulang nagulat din nang makita sila.
“Hi Benjie, Unice.”
Bati ni Jane.
“Oh hi, Jane what are you doing here?”
Nakangiting sambit naman ni Unice.
“I checked your status, glad we found you here.”
Sagot naman ni Jane.
“Nice, so come on join us.”
Paanyaya naman ni Unice.
“Thank but we’re here for the other purpose.”
Sabat naman ni Spencer na seryoso pa ang mukha.
“Okay?”
Nagtatakang sagot naman ni Unice.
Agad naman silang umupo sa table katapat nila Unice at Benjie.
Taimtim nilang kinausap ang dalawa at ipinaliwanag ang kanilang pakay.
“Trish is alive. We have to be careful, lalong-lalo ka na Benjie.”
Sambit naman ni Jane.
“I already accepted my fate. Thanks for the concern.”
Sarkastikong tugon naman ni Benjie.
“Benj. Stop it. Pasensya ka na Jane. Anyway, what are you planning to do?”
Tanong naman ni Unice.
“Kakilala namin ang detective na naka-assign sa kaso ni Glen at sa lahat ng pinatay ni Trish, so what are going to do is we are going to cooperate with him. Kailangan nating ma-monitor ang location ng bawat isa from now on. We can stop it and if we can get a chance to talk to Trish pwedeng magbago ang lahat.”
Napatingin naman si Unice kay Benjie at sumagot.
“You’re right, we have to do something to end it. Tutulungan ko kayo.”
Napangiti naman si Jane at tiningnan si Unice.
“This is nonsense! Bakit hindi nalang natin tanggapin? We are all going die. Ginusto naman natin to di ba? We chose to hurt Trish, Let’s give her what she wants.”
Iritableng sabi ni Benjie.
Napailing naman si Jane at binalingan ng masamang tingin si Benjie.
“Alam kong masama loob mo sa pagkamatay ni Vicky, but her death doesn’t mean it’s the end of your game. Hindi tayo perpekto, marami tayong pagkakamali pero hindi ibig sabihin nun ay deserve na natin ang lahat ng gustong mangyari ni Trish. If we don’t fight together lahat tayo will surely be killed, Vicky can never have the justice she deserves.”
Paliwanag ni Jane.
Hindi naman nakakibo si Benjie, bagkos ay napatingin nalang sa malayo.
................
Kinabukasan ay agad namang nagtungo silang apat sa opisina ni Detective Dante Tuazon na siyang kasalukuyang humahawak sa kaso ni Glen.
Nakaupo silang lahat paikot sa rounded table sa loob ng board room ng nasabing opisina.
Tahimik lang ang detective habang pinakikinggan ang salaysay ni Jane na siyang nagunguna sa diskusyon.
“We’re here because we believe na iisa lang ang gusto nating mangyari and I would like to present this book to prove to you na ang killer ni Glen ay maaring responsable din sa pagkamatay ng iba pa naming mga kaibigan.”
Napatango naman si Dante at inabot ang libro na nasa ibabaw ng lamesa.
“Trish Suarez?”
Napa-angat naman ng tingin ang detective kay Jane at sinuri ang dalaga.
“Yes detective, we are suspecting her, I know she was gone years ago. But there is no proper evidence na talagang patay na siya. I mean they haven’t found the body after the fire incident two years ago. Kaya possible na buhay parin si Trish hanggang ngayon.”
Paliwanag naman ni Spencer.
“Ibig sabihin, Sinulat niya ang libro para sa inyo?”
Sambit ng detective.
“We did terrible things to her, maybe she came back para maghiganti.”
Sambit naman ni Unice na bakas parin sa mukha ang takot.
Napatango naman ang detective at nag-isip.
“Sir, the book itself is the clue. Ang sequence nang pagpatay ay accurate base sa pagkakasunod-sunod ng mga chapters and after Vicky malamang ay si Benjie na ang isusunod niya.”
Dugtong naman ni Spencer.
Napakunot noo naman ang detective at sumagot.
“Nice, so mayroon na tayong paraan kung paano mahuhuli ang suspect, pero ang tanong ko lang ay bakit sininulat ni Trish ang nasabing libro? What is exactly her motive? Bakit niya ipapahamak ang mga plano niya sa pamamagitan ng librong ito?”
Natahimik naman ang lahat at mistulang napaisip na din.
“She is a challenger. She maybe alive somewhere at sigurado akong alam niya na lahat kami ay takot kung sakaling mangyari man ang lahat ng nakasulat sa libro.”
Tensyonadong bigkas ni Jane.
“So what are you planning to do detective?”
Tanong ni Spencer na naalarma na din.
Napatingin naman sa kanyang dereksyon si Dante at sumagot.
“We will set a trap. We will track her down as soon as possible”
Tipid na sagot nito.
TWO YEARS BEFORE
Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay agad niyang naramdaman ang kakaibang init na dumadampi sa kanyang balat.
Pilit niyang iginalaw ang kanyang katawan ngunit hindi niya iyon magawa.
Ilang saglit lang ay napansin nalang ni Trish na nakagapos pala ang kanyang katawan sa isang silya.
Ramdam nito ang pagpapawis ng kanyang katawan dahil sa labis na init.
Sinubukan nitong magpumiglas ngunit wala din itong nagawa.
Sinuri niya ang paligid at napansin nalang ang pagkalat ng apoy sa buong gusali.
Bigla nalang itong napatigil at naalarma.
“Tulong! Tulungan niyo ako.”
Habang patuloy lang sa pagkalat ang apoy ay isang pamilyar na mukha naman ang nakita nito sa hindi kalayuan.
Nakatayo lang iyon at mistulang pinagmamasdan lang ang kanyang paghihirap.
Nag-aalangan man ay pinili parin ni Trish ang mag baka sakali at umasa na lalapit iyon upang iligtas siya.
“Tulong.Tul-tulong”
Pagmamakaawa ni Trish.
“Please.”
Sa labis na takot ay napahagulhol nalang ito hanggang sa tuluyan nang lumawak ang apoy at ang pamilyar na mukha na kanyang nakita ay unti-unti na ding humakbang palayo.
Wala siyang salitang narinig, basta umalis nalang iyon at iniwan siya sa ganoong sitwasyon.