PRESENT DAY “Anak, hindi pa ba tayo aalis dito?” Napatigil naman si Jane at pinagmasdan ang nayayamot na mukha ng kanyang ina. “Ma, pwede ba? Huwag kayong maingay at baka may makarinig sa inyo.” Pag-aalala nito sabay sinuri ang paligid. “Wala dito yung masungit na nurse. Baka pwede tayong lumabas kahit sandali lang. Gusto ko lang makita yung papa mo.” Sambit uli ng kanyang ina. Napailing naman si Jane at napakamot ulo. “Ma, ano ba? Huwag muna natin yang pag-usapan dito. Madaming nakatingin sigurado akong alam nila na may binabalak tayong masama.” Ilang saglit lang ay napahinto nalang si Jane nang marinig ang biglang pagbukas ng pintuan. Sumilip naman mula doon ang isang nurse at humarap sa kanya. “Jane, may gustong dumalaw sa iyo.” Nakangiting sabi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


