PRESENT DAY Tahimik lang na nakaupo sa bakanteng silya si Karen. Balisa iyon at tila may malalim na iniisip. “Alam kong nagluluksa ka ngayon, pero gusto ko lang na maging malinaw ang lahat. Gusto kong malaman ang ilang mga detalye tungkol sa mommy mo.” Mahinahong bigkas ni Dante na nakaupo naman katapat ng dalaga. Dahan-dahan namang inangat ni Karen ang kanyang paningin at tinitigan ng masama ang detective. “She was innocent! Maybe because of the book kaya niya nagawa yun. Recently sinabi niya sa akin na gusto niya akong protektahan. I was confused pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat.” Napatango naman si Dante at nag-isip ng malalim. “Ibig mo bang sabihin, yung libro na isinulat ni Trisha?” Napatango naman si Karen at sumagot. “Everyone who is connect

