PRESENT DAY Habang abala ang mga security sa pag sisiyasat sa buong paligid ay nakita naman ni Unice si Danica na balisa sa isang sulok. Agad naman itong lumapit at tinawag ang kaibigan. “Danica?” Agad namang humarap sa kanya si Danica na bakas parin ang pang lulumo sa mukha. “Unice. Si Jake, wala na si Jake.” Mabilis namang lumapit si Unice at niyakap ang kaibigan. “This is all my fault. He did it to save me.” Nanginginig na sabi nito. Maya-maya pa ay isang pulis naman ang biglang lumapit sa kanila. “Excuse me. Sino sa inyo si Danica Zamora?” Napa-angat naman ng tingin si Danica at tiningnan ng mariin ang pulis. “May kailangan kayo?” Sambit nito. “Kailangan ka naming dalhin sa presinto upang kunin pahayag mo sa mga nangyari.” Napakunot noo nama

