TWO YEARS BEFORE Habang tahimik na nakaupo sa kanilang silid aralan ay napansin naman ni Spencer ang pag-upo ng isang babae sa bakanteng silya sa tabi nito. Pasimple itong lumingon at napansin ang babae na mistulang nakatingin din sa kanya. “Hi, you must be Spencer?” Nakangiting bati ng babae. Napakunot noo naman si Spencer at nagtaka. “How do you know me?” Seryosong sabi nito. Nanatiling nakangiti naman ang babae at sumagot. “We were classmates. Matagal na kitang nakikita, I supposed hindi mo lang ako napapansin. Anyway ako pala si Jane.” Sambit ng babae. Napalingon naman si Spencer at tiningnan ito ng mariin. “What?” Tanong ng babae. Napailing naman si Spencer at sumagot. “Nothing. I thought I already heard that name.” Tipid na sagot ng la

