Best friend
Habang naglalakad kami papuntang School ay napatingin ako sakanila sa pag-aakalang pagod na sila pero kung maglakad sila ay para talagang sanay na sanay.
Tahimik lang din sila at sa harap lang ang tingin nila.
Hanggang sa makarating kami sa School ay ganon pa din sila.
Kahit na pinagtitinginan na sila ay seryosong nakatingin lang sila sa harap.
Gusto ko mang magsalita pero hindi ko magawa.
Nakakatakot sila ngayong araw kaya mas mabuting hindi na ako magsalita.
Lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa classroom.
Nauna na akong pumasok at umopo sa pinakahulihan.
Napatigil ako ng may umopo sa tabi ko.
Tiningnan ko kung sino at nakita ko si Zinc na bagot na nakatingin sa harap kahit na pinagtitinginan na siya ng mga kaklase ko.
"*"Anong ginagawa mo dito?"*"Mahinang tanong ko kaya napatingin siya sakin.
"*"Bawal ba pumasok sa silid aralan natin?"*"Tanong niya na ikatigil ko.
"*"Magclassmate tayo? Este kaklase?"*"Tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.
Napatingin ako sa harap ng may umopo at nakita ko sina Diarian at Rizire.
Hanggang sa pumasok na si Prof at gaya noon ay pabagsak na nilagay niya ang dala niya.
Hinanda ko ang sarili ko sa pagsigaw niya pero nagtaka ako ng hindi ko narinig ang boses niya na parang nakalunok ng microphone.
"*"Magandang araw"*"Sabi niya.
Saglit kaming hindi nakapagsalita pero kalaunan ay sabay na bumati din kami pabalik.
Ilang sigundo bago nagturo si Prof habang ako ay nakatingin lang sa likod niya at iniisip kung bakit hindi siya sumisigaw.
Nagbabagong buhay na ba si Prof? O naisip niyang masama ang sumisigaw.
Nanunuod lang ako sa kanya buong araw at wala ni isa din ang pumasok sa mga tinuturo niya sa isip ko.
Nakakapagtaka lang talaga ang kinikilos niya ngayon.
Iniling ko nalang ang ulo ko. Baka nagbabagong buhay lang talaga siya.
Wag na dapat pagtakahan at pagdudahan ang mga taong nagbabagong buhay.
Kung yan na talaga ang desisyon nila anong magagawa natin.
Pero...
Saan kaya tinago ni Prof ang microphone?
***
Habang nagpupunas ako sa mga lamesa dito sa coffee shop ay biglang nagsalita si Tita Kiana na kakalabas lang ng opisina niya.
"*"Ahm... May good news ako"*"Sabi niya kaya tumigil muna kami at nakinig sakanya.
"*"May bagong miyembro kayo dito sa coffee shop!"*"
"*"Pasok kayo!"*"Sabi niya kasabay ng pagbukas ng pinto at napangiwi nalang ako ng makilala ko kung sino.
Sabi nila ay mauuna silang uuwi ng bahay pero heto silang ngayon at nakatayo sa harapan namin habang naka uniporme ng gaya samin.
Nakita ko pa si Tita na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sakanila.
Ano nanaman ba ang ginagawa nila dito?
"*"Sila si Diarian,Rizire at... Zinc"*"Pakilala ni Tita.
"*"Shikira, Rita at Carlo. Turuan niyo sila kung ano ang gagawin dahil magiging busy ako sa susunod na mga araw"*"Sabi ni Tita bago nagpaalam samin at umalis.
Nagsikilosan na ang mga kasamahan ko habang ako ay nakikipagtitigan sakanila.
"*"S-shikira? Ikaw ba yan? Kamusta ka na este dito ka pala nagtatrabaho?"*"Tanong ni Rizire na ikailing ko.
"*"Anong ginagawa niyo dito?"*"Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya.
"*"Nagtatrabaho?"*"Patanong na sagot ni Diarian kaya napasapo ako sa noo.
Oo nga naman. Nagtatrabaho nga sila.
"*"Bakit kailangan niyo pang magtrabaho?"*"Tanong ko ulit.
"*"Tama na yan. Shikira at...? Turuan niyo na kami"*"Singit ni Zinc.
"*"Shikira!"*"Tawag sakin ni Rita kaya napatingin ako sakanya.
"*"Turuan mo yong lalaki na nagtrabaho kahapon dito. Kaming bahala ni Carlo sa dalawa"*"Sabi niya sabay bigay sakin ng gamit panglinis at aktong aangal ako ng umalis na siya.
Humarap ako kay Zinc na ngayon ay nakatingin sakin.
"*"Hoy lalaki. Hali ka nga dito"*"Sabi ko kaya lumapit siya.
Binigay ko sakanya ang mop kaya nagtatakang kinuha niya eto.
"*"Sandali lang. Kukuha lang ako ng isang mop"*"Sabi ko bago siya iwan at pumasok sa cleaning room.
Kinuha ko ang mop pati na din ang balde na may lamang tubig.
Bumalik ako at naibaba ko nalang ang dala ko ng makitang ginawa niyang pampunas ang mop sa mesa at hindi pa nakuntento at pati ang mga bintana.
Nagkadumidumi na ang paligid dahil hindi pa nalinis ang dala dala niyang mop.
"*"Zinc!"*"Tawag ko at mukhang napalakas ko ang pagtawag dahil pati ang mga nandito ay napatingin kasali na si Tita Kiana na lumabas pa ng opisina.
"*"Anong nangyayari dito?"*"Tanong niya pero napatingin nalang siya sa paligid at nahinto ang tingin niya kay Zinc na tuloy tuloy lang sa pagpunas sa paligid.
"*"Zinc?! Anong ginawa mo?"*"Gulat na tanong niya kaya naiyuko ko nalang ang ulo ko dahil kasalanan ko.
Kung hindi ko na sana siya iniwan edi sana hindi nagkadumi dumi ang paligid.
Malay ko ba kasing hindi niya pala alam kung paano gumamit ng mop.
"*"Naglilinis?"*"Napaangat ako ng tingin sa sinagot ni Zinc kaya sumingit na ako bago pa magsuper sayan si Tita.
"*"Tita. Ako na pong bahala sakanya"*"Sabi ko kaya napatingin siya sakin at tumango.
"*"Sige..."*"Sagot niya at pumasok sa opisina.
Nagsikilosan na ang mga kasamahan ko at lumapit naman ako kay Zinc sabay kuha ng mop.
"*"Hindi naman kasi ito pampunas sa mesa at bintana... Sa sahig lang to"*"Sabi ko.
"*"Sahig? Bakit kahapon nagpunas ako ng mesa at bintana?"*"Tanong niya.
"*"Iba naman kasi yon eh... Turuan na nga lang kita"*"Sabi ko at hinila siya.
Sinimulan ko na siyang turuan at una ay medyo nagkabaha dahil hindi man lang niya piniga. Pangalawa ay natabig niya ang balde pero ilang minuto ay natoto naman siya.
Sina Diarian at Rizire din ay sa mesa at bintana.
"*"Wow! Ang linis ng buong paligid ah!"*"Sabi ni Tita.
"*"Hmm.. Dahil diyan! May bunos kayo sakin"*"Sabi niya na ikatuwa namin.
Nagsipasok na din ang mga costumer at hindi na kami nahirapan dahil mabilis silang natoto.
Minsan ay nakabasag sila o di kaya ay may natapunan sila ng tubig o juice pero hindi nagalit ang mga customer sa halip na pagalitan ay nagpapicture pa sila.
Mabilis lang na natapos ang trabaho namin hanggang sa naglalakad na kami ngayon papuntang bahay.
"*"Sabihin niyo nga sakin ang totoo. Bakit kayo nagtrabaho? Sa nakikita ko ay hindi kayo interesado sa mga ganyan"*"Sabi ko kaya napahinto sila kaya huminto din ako at hinarap sila ng nakapameywang.
"*"Dahil..."*"Napatingin ako kay Rizire ng magsalita siya at hinintay ang idudugtong niya.
"*"Dahil para maging kaibigan tayo at... Makilala pa natin ang isat Isa"*"Singit ni Diarian na ikatigil ko.
Maging Kaibigan
Maging Kaibigan
Kaibigan...
Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Zinc.
"*"Bakit ka umiiyak diyan?"*"Tanong niya kaya napahawak ako sa pisngi ko at nalaman kong umiiyak nga ako.
Pinunasan ko ang luha ko bago lumonok.
M-may kaibigan na ako...
"*"Ayos ka lang?"*"Tanong ni Diarian na ikatingin ko sakanya.
"*"G-gusto n-niyo akong maging Kaibigan? H-hindi niyo ako i-iiwan?"*"Tanong ko at nakita kong nagkatinginan sila bago ngumiti sakin.
"*"Oo naman! Hindi mangyayari yon"*"Sabi ni Diarian at ngumiti sakin.
Sana nga...