Chapter 6

1455 Words
Titira kami dito Umopo sina Diarian at Rizire sa isang kama at kumain sila ng prutas at nagsariling mundo. Napano sila? Napatingin ako kay Zinc ng umopo siya sa gilid ng kama at kinuha ang hawak hawak kong mansanas. "*"Zinc! Hindi naman yan sayo! Bakit ka ba nangunguha!"*"Sabi ko. "*"Bakit? Bawal ba? Kumuha din naman sina Rizire ng prutas ah! Bakit hindi mo sila sinuway?"*"Sabi niya sabay subo ng pirasong mansanas. "*"Akin naman yan Zinc. May prutas pa naman sa basket pero bakit yong akin kinuha mo? Kung ikaw may pagkain tapos bigla kong kukunin hindi ka ba magrereklamo?"*"Sabi ko. "*"Hindi mo naman makukuha"*"Sabi niya kaya napa-irap nalang ako at nagcross-arm. "*"Shikira. Hahatian nalang kita ulit ng mansanas"*"Sabi ni Diarian at tumayo sabay lapit sa basket. "*"Napakabait mo talaga Diarian! Hindi sa isang yan! Kung makakuha parang siya yong bumili"*"Pagpaparinig ko na ikatigil nina Diarian at Rizire maliban kay Zinc na tuloy pa din sa pagkain. "*"A-ah. Hehehe Shikira. Ayos na ba yong sugat mo?"*"Tanong ni Rizire kaya napatingin ako sa tuhod ko. Nagkasprain ako sa paa dahil sa pagkakadapa ko pero ayos lang naman ako. "*"Hindi naman ito ganon kalala. Bakit pinagpahinga niyo pa ako dito?"*"Sabi ko. "*"B-baka kasi lumala"*"Sabi ni Rizire. Magsasalita na sana ako ng ibigay na ni Diarian ang mansanas na hinati niya kaya mabilis na kinuha ko iyon. "*"Salamat"*"Sabi ni Zinc. Napasandal nalang ako at inis na tiningnan siyang ganado na kinakain ang mansanas KO! Akin yon eh! Dapat ako yong kakain! Ako lang! Pero bakit siya kumain! Sakin binigay yon eh! Hindi ko yon binigay sakanya! Pero kinuha niya! "*"Hahatian nalang kita ulit"*"Sabi ni Diarian pero napatigil din siya na ikataka ko. Tumingin siya sakin at ngumiti ng pilit. "*"Bibili lang ako"*"Sabi niya at aalis na sana ng pigilan ko siya. "*"Ayos lang ako. Wag ka ng bumili"*"Sabi ko. "*"Baka gutom ka"*"Sabi niya. Kahit naman bibili ka! Kukunin niya pa din! May sira naman kasi yan sa utak! "*"Busog ako Diarian"*"Sabi ko at ngumiti kaya tumango nalang siya at umopo sa tabi ni Rizire na kain lang ng kain. "*"Rizire! Baka ikaw pa maka-ubos niyan"*"Sabi ni Diarian sakanya. "*"Saging lang naman kinain ko ah!"*"Sabi ni Rizire. "*"Anong saging?! Umalis ka nalang kaya!"*"Sabi ni Diarian sabay tulak. Napatayo naman si Rizire kasabay ng pagkahulog galing sa loob ng damit niya. Nakita ko nalang na binatukan siya ni Diarian. "*"Ikaw! Madaming mansanas yong kanina tapos bigla nalang nawala! Ikaw palang patay gutom ka ang kumuha"*"Sabi ni Diarian kaya napatingin ako sa sahig at nakita ko ang maraming mansanas. Paano niya na kasya ang ganyan karaming mansanas? Atsaka paano niya natiis ang itago yan sa loob ng damit niya? "*"Tama na"*"Sabi ni Rizire kaya napatingin ako sakanya na ngayon ay pingot na ni Diarian. "*"Saging lang pala ah!"*"Sabi ni Diarian sabay kurot kay Rizire. "*"Hindi naman ikaw bumili! Bakit ka nagkakaganyan"*"Sabi ni Rizire na ikatigil ko. Kanina pa ako nagtataka! Kung hindi si Diarian bumili! Imposible namang si Rizire dahil sa nakita ko kanina ay baka ubos na ang laman ng basket pagdating palang niya. Napatingin ako kay Zinc. Imposible din siya dahil baka mas patay gutom pa siya. "*"A-ako kaya ang bumili! H-hindi mo lang nakita!"*"Sabi ni Diarian. "*"Anong ikaw-"*"Napatigil bigla si Rizire. "*"Tsk. O-oo na! Ikaw na yong bumili!"*"Sabi ni Rizire at nakita ko pa siyang lumunok. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon. Bumungad samin ang nurse na nagcheck sakin kanina. "*"Pwede ng makauwi si Ms.Osmeña"*"Sabi niya at lumabas. Tatayo na sana ako ng bigla akong buhatin ni Zinc. "*"Zinc! Ayos lang naman ako!"*"Sabi ko pero naglakad lang siya. Pilit kong sinilip sina Diarian at nakita kong kain lang sila ng kain ng prutas. Napatingin sila sakin kaya tiningnan ko sila na humihingi ng tulong pero umiwas lang sila ng tingin at kumain ulit na ikasimangot ko. Nag-isip ako ng paraan kung paano makawala kay Zinc. Ayaw ko talaga yong kinakarga ako. Nong una ay ayos lang sakin dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin pero kaya ko na ngayon. Biglang sumagi sa isip ko si Prof kaya tiningnan ko ang relo ko at nakita kong class hour pa kaya agad akong nagsalita. "*"Zinc! May klase pa ako! Tayo pala!"*"Sabi ko. "*"Pinagpaalam ka na namin ni Rizire kanina"*"Sabi niya na ikatigil ko. "*"Kayo! May klase kayo!"*"Sabi ko kaya bagot na tiningnan niya ako. "*"Hindi din kami papasok"*"Sabi niya na ikabuga ko ng hangin. "*"Ibaba mo na kasi ako"*"Sabi ko. "*"Sige"*"Sabi niya pero nagtaka ako ng lumiko siya kaya pilit na sinilip ko kung saan kami papunta at nakita kong sa putikan na ikataranta ko. "*"Oo na! Wag mo lang akong ibababa"*"Sabi ko at mas lalong kumapit sakanya. "*"Sayang..."*"Nagkasalubong ang kilay ko ng marinig ko yon kaya napatingin ako kay Rizire at Diarian na nakatingin sa putik na nasa harap habang umiiling. Bigla silang napatingin sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay ng sabay na umiwas sila at tumikhim naman si Diarian hanggang sa nagsisikuhan na sila kaya naglakad nalang ulit si Zinc. Anong sayang?! Gusto ba nila akong magkaputik? Sila kaya itulak ko don. Huminto kami sa harap ng gate at hinintay ang susundo kina Diarian. "*"Hindi pa kayo aalis?"*"Tanong ni Diarian. Magsasalita na sana ako ng mapatigil ako at naalala ko ang trabaho ko. Maaga pa naman pero mas maganda na yong maaga para maaga akong matapos. "*"Mag-ingat kayo Diarian at Rizire. May trabaho pa ako kaya mukhang mauuna na kami"*"Sabi ko. "*"Sige Shikira. Mag-ingat din kayo!"*"Sabi ni Diarian at magsasalita na sana ako ng maglakad na si Zinc na ikairap ko. Epal talaga! Tahimik lang ako buong oras. Bahala siya maghanap sa pinagtatrabahuan ko. Epal kasi kaya dapat lang sakanya. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya tiningnan ko at laking gulat ko ng nasa loob kami ng Coffee shop. P-paano niya nalaman ang pinagtatrabahuan ko? Inupo niya ako sa isang upuan bago niya ako iwan. May biglang umopo sa harap ko at nakita ko si Rita. "*"Shikira. Sino yon? Boypren mo?"*"Tanong niya at mahahalata sa tono niya ang kilig na ikangiwi ko. "*"Anong boyfriend ang pinagsasabi mo? Kasama ko lang yon"*"Sabi ko. Mahina naman niya akong kinurot. "*"Ikaw ha! Deny ka pang babaita ka! Oh siya! Maiwan muna kita"*"Sabi niya at nagpaalam sakin bago umalis. Naiiling na tatayo na sana ako ng napadako ang tingin ko kay Zinc na kakalabas ng Dressing Room. Bakit niya suot ang uniform namin dito? Tatayo na sana ako ng tingnan niya ako ng masama kaya umayos ako ng upo at nagtatakang tiningnan siya. Binigyan siya ng isang kasamahan ko na panglinis sa mesa. Nanunuod lang ako sakanya na naglilinis ng mesa. Bakit niya ba ginagawa ang dapat ay sakin? Baliw na talaga siya. Ilang minuto at nagbukas na kami kasunod ng pagpasok ng mga costumer at karamihan sakanila ay mga babae. Napatingin ako sa may dahilan kung bakit bigla bigla nalang nagsipasok ang mga to. Nakita ko siyang nasa counter habang ang mga costumer ay nakapila. Yong iba na magbabayad ay may kasamang papicture. Naguguluhan ako sa sarili ko. Bakit gusto kong hilahin si Zinc paalis sa lugar nato. ~***~ Minulat ko ang mata ko sabay hikab at dahan dahan na umopo sabay sapo sa noo. Bakit ang ingay sa labas? Inaantok na tinungo ko ang banyo at mabilis na naligo. Nagbihis na din ako sabay puntang pintuan at binuksan ito. Bumungad sakin sina Diarian at Rizire na parang nagfofood fighting habang si Zinc ay nanunuod lang sakanila. Napansin ko ang mga maleta sa gilid kaya nagsalita na ako. "*"Diarian? Rizire? Anong ginagawa niyo dito?"*"Tanong ko kaya napatigil sila at sabay na lumingon sakin. "*"Dito na kami titira!"*"Sabi ni Diarian. "*"Dito na kayo titira? Hindi kayo magiging komportable dito"*"Sabi ko. "*"Komportable kaya kami dito! Kaya payagan mo na kami"*"Sabi ni Rizire at pinagsaklob ang dalawang niyang kamay pero umiling ako. "*"Mahihirapan lang kayo sa pagtira dito. Hindi sapat ang pera ko para satin"*"Sabi ko na ikatigil nila pero bigla nalang nagsalita si Diarian kaya napatingin kami sakanya. "*"May pera kami kaya wala ka ng alalahanin pa"*"Sabi niya at kumain habang nagkakamay. "*"Walang kutsara dito"*"Sabi ko. "*"Pwede kaming magkamay"*" "*"Maliit lang ang bahay"*" "*"Kasya naman tayo dito"*" "*"Minsan ay nawawalan ng kuryente"*" "*"Sanay kami sa dilim"*" "*"Maglalakad pa papuntang paaralan"*" "*"Gusto din naming maglakadlakad"*" "*"Fine! Suko na ako. Pwede na kayong tumira dito"*"Pagsusuko ko. Ano naman ang laban ko? Dalawa sila habang ako ay Isa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD