Chapter 5

1716 Words
Transferee Maaga akong gumising at mabilis na naligo. Nagbihis na din ako at lumabas. Nakita ko siyang nakahiga sa kahoy na upuan at nakita kong hindi siya sanay matulog sa mga ganyan kaya kinuha ko ang bag ko kasali na ang Tupperware sa mesa at lumapit sakaniya at kinalabit. Nagising naman siya at napatingin sakin kaya nginuso ko ang kwarto ko. "*"Matulog ka muna sa kwarto ko at may ulam diyan sa kusina kung nagugutom ka"*"Sabi ko at aktong aalis ng mabilis na hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako. "*"Saan ka pupunta?"*"Tanong niya. "*"Papasok ako sa School este paaralan. Atsaka Shikira Osmeña ang pangalan ko. Hindi ko nasabi sayo kahapon dahil pumunta ka kaagad ng kwarto ko kaya pinabayaan na kita"*"Sabi ko pero nakatingin lang siya sakin. "*"Yung kamay ko pala. At kapag na huli ako parusa ang aabutin ko kaya pakibitawan na"*"Sabi ko kaya binitawan niya. "*"Paalam. Atsaka kapag tapos ka ng matulog ayusin mo ang kama ko kapag lang naman ginulo mo"*"Sabi ko at tuluyan na akong umalis. Binuksan ko ang Tupperware at gaya ng dati ay kinain ko ito gamit ang kamay habang naglalakad. Nakita kong marami rami na ang tao sa dikalayuan kaya nilagay ko na sa loob ng bag ko at naglakad na parang walang nangyari. Nakayuko ako habang nilalagpasan sila hanggang sa makarating akong School at mabilis na pumunta sa classroom. Pumunta na akong pinakalikuran at umopo doon sabay tingin sa bintana. Umingay na din ang paligid kaya muli akong napabuntong hininga. Bumukas ang pinto at nakita ko si Prof Flida na magkasalubong ang kilay at na-iimagine ko na ang apoy na lumalabas sa ilong niya at kapag na imagine ko yon ibig sabihin galit siya. Galit na galit. Napansin kong tumahimik ang mga kaklase ko at napataas nalang kami ng balikat dahil pabagsak nanaman niya nilagay ang dala niya. Ewan ko ba sa sarili ko. Araw araw naman niya yang ginagawa pero hindi pa din ako nasasanay. "*"Sinabi nong isang Prof na napakaingay niyo habang nagtuturo siya!!!!"*"Sigaw niya. "*"Nalaman ko ding late ka Ms.Osmeña!!!"*"Sigaw niya sabay tingin sakin. "*"Pero ayos lang din dahil nasasagot mo naman ang tanong niya"*"Sabi niya at nagulat ako dahil hindi pasigaw na sinabi niya yon. "*"Hindi katulad sa mga kaklase mong puro satsat lang!!!"*"Sigaw niyang muli at mas lalong nagkasalubong ang kilay niya. "*"May transferee tayo ngayon!!! Pasok!!!"*"Sigaw niya at padabog na umopo siya. Nakita kong galit na galit talaga siya. Ano kaya ang nangyari at ganyan si Prof? Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako ng makilala ko ang pumasok. Bakit sila nandito? Oo nga pala. Paaralan to kaya malaya silang makapasok. Pero malapit na ang pagtatapos ng klase bakit madali lang na pinayagan sila ng principal? Kailangan pa sila magbigay ng birth at iba pa. Kailangan din nilang sagutin lahat ng pagsusulit na ibibigay ng principal. Naglakad sila papuntang harap at nakita kong nagpipigil na magtilian ang mga kaklase ko. "*"I'm Diarian Flourish"*"Sabi niya at nagcross arms. "*"I'm Rizire Cumoni"*"Sabi niya at ngumiti sabay kindat kaya mabilis na tinakpan ko ang tenga ko kasabay ng pagkarinig ko ng mga tilian nila na ikangiwi ko dahil kahit takpan ko ang tenga ko ay rinig na rinig ko pa din at masakit sa tenga. "*"Tahimik!!!! Pinayagan ko ba kayong sumigaw!!!!!"*"Sigaw ni Prof na ikatahimik ng lahat. "*"Pumunta kayong lahat sa oval ngayon din!!!!!"*"Sigaw niya at nakita kong nagtutulakan na lumabas ang mga kaklase ko kaya sumunod na ako pero bago ako lumabas ay sumulyap muna ako kina Diarian at nakita kong nagtataka silang nanunuod samin. Pumunta kami sa oval at nagsimula na naming ikutin ang buong paligid habang tumatakbo. Mainit din kaya pinagpapawisan kami. Napatingin ako sa di kalayuan ng makita ko sina Diarian na kausap si Prof pero umiwas din ako ng tumingin sa deriksyon ko si Prof. Bigla nalang akong nadapa kasabay ng pagkarinig ko ng tawanan. "*"Yan kasi. Lalampa lampa"*"Sabi ni Siami Quish. Kahit kasi na nobody ako napapansin pa din niya ako kaya ang resulta ay umuuwi ako ng may sugat o di kaya ay maduming damit. Umopo ako at tiningnan ang tuhod ko at nakita kong may sugat nanaman ako. May biglang band aid at tubig na sumulpot sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko ang naiinip na mukha ni Siami. "*"Ayaw mo? Okay"*"Sabi niya at aktong aalis ng mabilis na kinuha ko ito. "*"Salamat"*"Sabi ko pero inirapan niya lang ako at nagsimulang tumakbo. May biglang kumuha ng tubig at band aid kaya napaangat ulit ako at nakita ko si Diarian na umopo sa harap ko . "*"Ako na ang gagamot"*"Sabi niya sabay dahan dahang binuhos ang tubig sa sugat ko kaya napangiwi ako dahil sa sakit. Naramdaman kong nilagay niya na ang band aid sabay ngiti sakin. "*"Sabi ni prof ay magpahinga ka daw muna"*"Sabi niya kaya mabilis na napatingin ako sakanya. Magpahinga? Wala naman yong pakialam samin bakit ngayon ay ipagpapahinga niya ako? "*"Totoo ang sinasabi niya"*"Sabi ni Rizire kaya napatingin ako sakanya na nilahad sakin ang kamay ng biglang may lalaking nagbuhat sakin na ikagulat ko. "*"Z- Zino ka?"*"Sabi ni Rizire at ngumiti ng peke na ikataka ko. Magsasalita na sana ako ng magsimula ng maglakad ang kumarga sakin kaya pilit na tiningnan ko kung sino at nagulat ako ng makilala ko. "*"Bakit ka nandito? At paano ka nakapunta? Akala ko ba"*"Sabi ko. "*"Naisip kong sundan ka at napadpad ako dito. Una ay nawala ako dahil sa mga taong nakapaligid sakin pero ng marinig ko ang sigaw ng Prof niyo ay nakita kitang nakalinya sa hulihan habang papunta dito"*"Sabi niya. "*"Dapat doon ka lang sa bahay. Bawal ang hindi estudyante dito"*"Sabi ko. "*"Estudyante na kaya ako dito"*"Sabi niya kaya mabilis na napatingin ako sakanya. "*"Estudyante ka na dito? Paano?"*"Tanong ko. "*"Dahil gwapo ako mabilis na napapayag ko ang principal"*"Sabi niya kaya napairap nalang ako. "*"Saan mo ko dadalhin?"*"Tanong ko. "*"Nasaan ba ang clinic dito?"*"Tanong niya kaya muli akong napairap. Bubuhatin ako hindi naman pala alam kung saan ang clinic. Tumingin ako sa paligid pero ang masama at matalim na tingin lang ang nakita ko mula sa mga estudyanteng nalalampasan namin. Ano naman ang ginawa ko? "*"Hoy! Asan? Mabigat ka pa naman"*"Sabi niya. Ang sarap talaga upakan ang lalaking to. "*"Diyan sa puting building"*"Sabi ko at tinuro ang building sa di kalayuan. *** Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kisame at nag-iisip. Napapayag niya ng ganon kadali? Hindi madadala ang principal sa mga may itsura at kung ano ano pa. Pantay siya saamin lahat. Isa na ako sa mga naglilingkod noon kay principal pero naalis din ako dahil kailangan ko daw unahin ang pag-aaral ko. Nakakapagtaka naman. Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at nakita ko si Diarian na may dalang basket. Lumapit siya sakin at nilagay niya ang dala niya sa side table sabay tingin sakin. "*"Sabi ni Z- kumain ka muna. Binili ko yan para sayo"*"Sabi niya sabay ngiti sakin kaya tumango nalang ako. Kumuha siya ng mansanas doon at hiniwa. Hindi naman ako napano ah. Nagkasugat lang ako sa tuhod pero kung makakilos siya ay parang naaksidente na ako. "*"Awoooo!"*"Sabay kaming napatingin sa pinto. Nakita ko si Rizire na parang multo na pumupunta dito kaya nakita kong napailing si Diarian. "*"Woooo..."*"Pananakot ni Rizire kaya ako naman ang napailing ng may nagbatok sakanya. "*"Wag mo ngang takutin si Shikira!"*"Sabi ni... Wala pala tong pangalan. Ano kaya ipapangalan ko sakanya? Hmmm... "*"Hoy lalaki na pinaglihi ng stalker"*"Sabi ko kaya napatingin sila sakin. "*"Stalker?"*"Tanong niya. "*"Hindi mo alam yon? Galing ka bang ibang bansa! Stalker yong sunod ng sunod!"*"Sabi ko kaya napatango silang tatlo na ikataka ko. Hindi din ba nila alam? Tagasaan ba kasi tong tatlo? Napatingin ako sakanya at sinuri. Ano kaya ipapangalan ko? Livo? Bino? Sine? Patrick? Boots? Alam ko na! Dora! or Doraemon! Napailing nalang ako sa naisip ko. Kahit kailan talaga. Ang pangit kong mag-imbento ng pangalan. "*"Ano yon Shikira?"*"Tanong niya kaya nabalik ako sa realidad at tiningnan ko ulit siya na parang sinusuri. "*"Ano gusto mong pangalan?"*"Tanong ko na ikatigil nilang tatlo kaya mas lalo akong nagtaka. "*"B-bakit mo s-siya papangalanan?"*"Tanong ni Rizire. "*"Wala kasi siyang pangalan"*"Sabi ko. "*"Zinc. Tawagin mo kong Zinc"*"Sabi niya na ikasimangot ko. Bakit ang ganda niyang mag-embento. Samantalang ako yong ibang naiisip ko ay mga pangalan ng napapanood ko. "*"By the way este sila pala si Diarian Flourish at Rizire Cumoni"*"Pakilala ko. Tumango naman siya bilang sagot. "*"Shikira. Si Diarian muna ang magbabantay sayo dito. May pupuntahan muna kami ni p-pareng Z-zinc"*"Sabi ni Rizire at umalis na sila. "*"Kumain ka na"*"Sabi ni Diarian at nilahad sakin ang mansanas kaya dahan dahan akong umopo at tinanggap iyon. Habang kumakain ako ay bigla siyang umopo sa harap ko. "*"Paano pala kayo nagkakilala ni Pr-Zinc"*"Sabi niya. Bakit gusto niyang malaman? "*"Bigla nalang kasi yong sumulpot sa bahay ko at sabi niya wala daw siyang maalala kaya pinatuloy ko siya"*"Sabi ko. "*"Pwede din ba kaming tumuloy sa bahay mo?"*"Tanong niya na ikatingin ko sakanya sabay kunot noo. "*"Bakit naman? May bahay naman kayo at siguradong hindi kayo magiging komportable sa bahay ko dahil maliit lang yon"*"Sabi ko. "*"Maliit? Saan mo pinapatulog si Pr-Zinc. Imposible namang magkatabi kayo"*"Sabi niya at kinuha ang baso na may lamang tubig at uminom. "*"Syempre hindi kami magkatabi no! Pinatulog ko lang siya sa upuan na kahoy"*"Sabi ko at saktong pagbukas ng pinto ay bumungad sakin si Rizire na nagtatakbong pumunta dito at umopo sa tabi ko at kukuha na sana ng mansanas na hawak ko ng ibuga bigla ni Diarian deritso sa mukha ni Rizire na ikatigil niya. "*"Sorry Rizire! Hindi ko sinasadya"*"Sabi ni Diarian at uminom ulit ng tubig. "*"Ayos lang. Shikira! Pahingi ako ha!"*"Sabi ni Rizire saktong bumukas ang pinto at bumungad samin si Zinc na nagsimulang maglakad papunta dito kaya muling nabuga ni Diarian at sa mukha ulit ni Rizire. "*"Anong problema mo Diarian!"*"Sabi ni Rizire at tumingin sa likod ng bigla siyang tumayo sa pagkakaupo kasali na si Diarian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD