May dala si Xandra na mga bagong bulaklak pagpasok niya sa hospital room ni Alex. Wala rito ngayon ang ina niya, naabutan niya pa itong nagmamadaling umalis kanina habang may kausap sa cellphone.
Nakaupo lang siya sa gilid ng hospital bed ni Alex at nakatitig sa kapatid. Nakasuot siya ng isang black cap at naka-ponytail. May suot siyang isang gray na t-shirt at isang backpack. Napatingin siya sa orasan at napahinga ng malalim.
"Sorry, medyo matatagalan pa Alex. I know your patient enough to wait, so please wait" sabi niya sabay haplos sa noo nito. Ganito pa rin ang kalagayan ni Alex simula noong una siyang bumisita. Nagtataka si Xandra kung bakit parang hindi gumagaling ang mga pasa at sugat na dapat kahit papaano ay naghihilom na pero isinantabi niya muna iyon.
Dahil sa pagiging abala ni Xandra sa pagsuri ng kapatid ay huli na nang mapansin niya na may nagbubukas ng pintuan.
Kumabog ang puso ni Xandra. Sa sobrang kaba niya ay naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. Ilang segundo pa ang lumipas ay naging alerto siya at agad na itinago ang sarili sa likuran ng pintuan.
Hindi pa siya handang makita ang Ina.
Mabilis man ang mga naging paghakbang niya para makapagtago ay huli na ang lahat. Tuluyan ng bumukas ang pintuan at isang babaeng gulat rin ang nakapalitan njya ng tingin.
"Jazmine" bulong ni Xandra at saka napakapit sa dibdib. Nakahinga siya ng maluwag nang masilip na hindi nito kasunod ang Ina.
"Xandra!" Sabi naman ni Jazmine at saka yumakap kay Xandra. Bahagya niya ring hinampas ang balikat nito dahil sa totoo lang ay halos atakihin siya sa puso sa kaba kanina.
"Bat ka naman nang-gugulat!" Sabi ni Jazmine at saka naupo sa bakanteng upuan malapit sa kanila.
"Bakit naman kasi sobrang tahimik at walang ilaw dito?" Pag-iiba ni Jazmine ng usapan. Pinupunasan niya pa rin ang mga pawis niya mula sa pagkagulat kanina.
"Alam na ba ni Tita?" Tumingin siya kay Xandra at umiling naman ito. Napatingin si Xandra sa kaniyang relo, "siguro ay pabalik na siya" sa isip ni Xandra.
"Na-Napanood mo ba yung video?" Bulong ni Jazmine. Napaiwas rin siya ng tingin at bahagyang tinapik ang sariling kamay dahil hindi niya napigilan ang sarili.
"No" sabi ni Xandra.
"I-I found one of the guys fa-familliar" nauutal si Jazmine pero nilakasan niya ang loob. Tumingin siya kay Alex at marahang hinawakan ang kamay nito. Dahan-dahan rin na tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya kaya agad niya itong pinunasan.
"What do you mean?"
"In the video,there was one guy who-who was hitting A-Alex. I saw him in school"
"How did you know it's him? "
Napatingin si Jazmine kay Xandra at hindi na napigilan ang pag iyak.
"I-I dated him before. Xandra-- I'm sorry... I'm sure it's him--- the bracelet-- I gave him this bracelet" putol putol ang naging salita ni Jazmine. Kinakapos siya ng hininga dahil sa pag-iyak pero nagawa niyang ipakita kay Xandra ang isang handmade na bracelet.
Napabuntong hininga si Xandra. Mukhang wala ng ibang paraan para kumpirmahin ang sinabi ni Jazmine kung hindi panoorin ang video.
"Show me the video" saad ni Xandra. Nanginginig ang kamay ni Jazmine na inabot kay Xandra ang cellphone at saka pinakita ang bahagi kung saan naroroon ang dating nobyo. May hawak itong baseball bat, ang bawat isa ay may mga maskara pero tama si Jazmine... Ang bracelet ang natatanging clue sa katauhan ng isa.
"What's his name?"
"X-Xian Ganzon. I- I dated him for 3 months but we broke up because of his violence. After that, wala na kaming naging communication. I- I didn't know he would be a part of--" hindi na natapos ni Jazmine ang sinasabi dahil bumukas ang pintuan.
"Jaz? Bakit patay ang ilaw?" Sabi ng isang may edad na na babae.
"T-Tita?"
"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong nito pagtapos buksan ang ilaw. Lumingon lingon pa si Jazmine pero wala na si Xandra. Para siyang isang bula na naglaho sa madilim na silid. Wala na siyang bakas na iniwan sa kwarto ni Alex.
"Wala lang po" pinunasan ni Jazmine ang mga luha at saka ngumiti sa Ina ni Xandra na totoong nagmamay-ari ng pangalang Cassandra Torres.
Naglalakad si Xandra sa labas ng hospital habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Ni-research niya ang pangalang Xian Ganzon sa social media at agad na lumabas ang larawan nito. Kasalukuyan itong nag-li-live video sa isang bar. Suot pa rin nito ang bracelet na binigay ni Jazmine. Napangisi si Xandra sa nakitang mga impormasyon sa profile nito. Agad siyang pumara ng taxi para sandaling umuwi sa condo at kuhanin ang ilang gamit.
ALA-UNA na ng madaling araw. Madami pa ring tao sa La Dulce Bar na karamihan ay mga lasing na. May ilang sumasayaw pa rin sa gitna ng dance floor at sumasabay sa musika... Sa gitna ng mga tao ay may isang lalaki na nagmamadaling tumatakbo papalayo sa gitna ng saya. May tumutulong dugo mula sa ilong niya pero walang nakakapansin dahil abala ang mga tao dito. Mabilis siyang umakyat ng hagdan hanggang sa marating nila ang huling palapag. Wala masyadong tao rito at dahil sa taas nito kitang kita ang mga nagsasaya sa baba.
"Si-Sino ka?!" Tanong niya. Inihanda niya ang sarili sa maaring gawin ng kaharap.
Ang tunog ng baseball bat na tumatama sa sahig ay naghatid ng matinding takot sa binata.
Wala sa sarili niyang sinugod ang kalaban pero agad siyang napatumba nito gamit ang skill na ngayon lang niya nakaharap. Sanay siya sa gulo pero ngayon lang siya nakatagpo ng isang kalaban na professional.
"A-anong kailan---AHHHH!" Hindi niya na natapos ang sasabihin nang hatawin ng kaharap niya ang kaniyang braso. Nakahiga siya ngayon sa sahig at inaapakan ng isang hindi kilalang tao.
Sa patuloy na paghataw ng baseball bat sa kaliwang braso niya ay tumunog ng malakas ang mga buto nito na nababali. Namaos na ang lalaki pero hindi pa rin ito tumitigil.
"Ta-Tama na" sabi niya matapos itutok ang baseball sa kaniyang ulo.
"Sino pa ang mga kasama mo?" Sa unang pagkakataon ay narinig niya ang boses ng kamatayan.
"Kasama?" Tanong niya at isang malakas na palo naman ang tumama sa kanang braso niya.
"Wala akong oras makipaglaro sa'yo" sabi ng taong naka-itim na jacket, sumbrero at face mask. Muli niyang hinampas ang braso ng lalaki na ngayon ay napasigaw sa sakit.
"Ta-tama na!!! PLEASE! TAMA NA!" Sigaw nito. Naghalo na rin ang pawis, dugo at luha sa mukha nito.
"Ang sakit! Ang sakit sakit na!" Iyak niya.
"Tungkol ba ito kay Alex? " Sa sinabi niya ay muling hinampas ni Xandra ang kanang braso nito at parehas nilang narinig ang pagbali ng buto nito.
Walang ibang nararamdaman na emosyon si Xandra kung hindi galit. Sa oras na binanggit ng lalaking ito ang pangalan ni Alex ay hindi niya nakontrol ang sarili. Matapos niya baliin ang magkabilang braso nito ay itinapat niya naman ang baseball bat sa mga binti nito.
"Hi-Hindi ko kilala yung iba! Inutusan lang din ako!" Sigaw ng binata. Namamalipit na siya sa sakit at duguan na rin. Hindi niya maigalaw ang alin man sa paa o kamay niya. Sa mga sandaling ito ay gusto niya na lang na mamatay kaysa patuloy na maramdaman ang sakit.
"Patayin mo na lang ako, pleasee!" Pag iyak niya.
"Hindi pa ako tapos" walang emosyong sabi ni Xandra. Puro talsik na rin siya ng dugo pero wala siyang pakialam dito.
"Na-nasa cellphone ko yung impormasyon--- me-meron doon.. please! Sobrang sakit na!" Pagmamakaawa nito. Nilabas ni Xandra ang cellphone na nakuha niya kanina ng puntiryahin niya sa baba si Xian.
"122614" sabi ng binata at agad naman itong binuksan ni Xandra. May isang group chat kung saan may mga pag-uusap mula sa grupong fallen angels. May mga codename ang mga nandoon pero isa sa kaibigan ni Xian ay kasali rin. Hindi ito pinalagpas ni Xandra.
Iisa-isahin ko sila. Galit na sabi niya sa sarili.
Tiningnan niya si Xian na halos hindi na makilala. Halos wala ng buhay. Walang awa na nararamdaman si Xandra sa nasa harapan. Inilabas niya ang isang kutsilyo at saka inilapit ito sa mukha ng binata.
"Sikat na basketball player ka diba? Siguro oras na para maghanap ka ng ibang sports dahil hindi mo na iyon malalaro" sabi ni Xandra at inapakan ng madiin ang kanang binti nito. Wala ng boses si Xian para sumigaw kung kaya't ungol na lang ang nagawa nito.
"Ano nga ulit sinabi mo kay Alex pagtapos niyo siyang bugbugin? You're out?" Sabi ni Xandra at madiing hiniwaan sa mukha si Xian ng isang ekis.
"Xian Ganzon, you are out" dagdag niya at saka ito iniwan. Wala ng malay si Xian at hirap na siya sa paghinga. Kung may makakakita sa kaniya at mabubuhay siya ay kapalaran na ang bahala roon.
Dumiretso si Xandra sa banyo at binuksan ang isa sa mga drawer nito. Kinuha niya rito ang isang black na leather bag na may lamang damit. Agad siyang nagpalit at inalis ang mga marka ng dugo sa kaniya. Pinunasan niya rin ang baseball bat na ginamit niya kanina at binalot ito sa papel at tinalian ng pisi. Sa bintana ng CR ay daha-dahan niya itong hinulog paibaba. Ganitong paraan din ang ginamit niya kanina para hindi mapansin ng ibang tao ang armas niya. Matapos niyang gawin iyon ay bumili siya ng alak at uminom at saka lumabas ng bar na parang walang nangyari.
Mahaba pa ang gabi. Sabi ni Xandra sa sarili. Nakatingin siya sa cellphone na nakuha niya kay Xian. Isang text message ang lumabas mula rito.