CHAPTER 8

2261 Words
Renzo: Xi, where are you? Coach Tim keeps bugging me. Xian: I'm in a bar. Let's get wasted tonight and play tom haha Renzo: Idiot. I'll pick you up. What's your loc? Iyon ang huling palitan ng mensahe nina Renzo at Xian bago nito sapitin ang bangungot sa kamay ni Xandra. Walang emosyon ang mukha ni Xandra habang nakatingin sa screen. Dala niya na ngayon ang baseball bat na kanina ay itinago niya sa likod ng CR. Isa si Renzo sa mga kabilang sa fallen angels, natitiyak iyon ni Xandra dahil na rin sa lamang impormasyon ng cellphone ni Xian. Xian: Let's meet at the back of the campus. Mabilis na itinipa iyon ni Xandra at hinintay ang reply ni Renzo. Nagsimula na rin siyang maglakad patungo sa likod ng Campus nila. Sa ilang linggo'ng pamamalagi ni Xandra sa school ay mabilis niyang nakabisado ang mga pasikot-sikot dito. Renzo: what? why? Xian: gonna show u somethin' interesting haha Renzo: you're drunk! I'll go there so don't even try to cause trouble. Renzo: otw Pinatay na ni Xandra ang screen ng cellphone at mabilis na pumara ng taxi para makarating sa campus. Ang likod ng campus ay puno ng iba't ibang punong kahoy. Sinuot muli ni Xandra ang black leather jacket na ginamit niya kay Xian kanina. Kasama rin ang mask at sumbrero na may bahid ng dugo. Mag-a-alas tres na ng umaga. Tahimik pa rin ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Nakatago si Xandra sa isa mga puno nang dumating ang isang kulay asul na mustang. Bumaba mula rito ang isang binata na may katamtamang tangkad. May suot siyang salamin sa mata at naka kulay itim na hoodie. Renzo: I'm here. Wru? Nakatitig ito sa kaniyang cellphone... Dahil walang nagreply ay sinimulan niyang maglakad lakad. "I'll kill him if he fell asleep here" inis niyang sabi. Gamit ang ilaw ng cellphone ay tinanglawan niya ang daan. May ilang kaluskos pero hindi niya na ito pinansin. "Xi!" Tawag niya pero walang sumasagot. Muli niyang kinuha sa bulsa ng hoodie and cellphone at sinubukang tawagan ang kaibigan. Sa dulong bahagi ng kakahuyan ay may tumunog. Agad na tumakbo si Xian para lapitan ito. Sa pagrating niya ay cellphone lang ni Xian ang naroon. Ang mas ikinakaba niya ay may bahid ng dugo ang screen nito. Aatras pa sana siya pero isang malakas na hampas ng baseball bat ang tumama sa ulo niya. Mabilis siyang nawalan ng malay at natumba sa damuhan. Sinubukan siyang batakin ni Xandra papalapit sa iniwan nitong sasakyan. May kalakihan si Renzo pero nagawa pa rin siyang isampa ni Xandra sa harapan ng kulay asul na mustang. Itinali ni Xandra ang kamay at paa nito. Tinitigan ni Xandra any mukha ng lalaking kaharap ngayon. Nahulog na ang basag na salamin nito sa mata. Ang mata nito... Inilabas ni Xandra ang kutsilyo na ginamit niya kanina. Hindi niya gustong ubusin ang lakas sa pag durog sa mga buto nito tulad ng ginawa niya kay Xian dahil iba ang profession nito. "Ack!" Sa pagtusok ni Xandra sa isa sa mga mata ni Renzo ay bahagya itong nagising pero hindi nagpatinag si Xandra. Paulit ulit niyang sinaksak ang dalawang mata ni Renzo hanggang sa dumaloy ang dugo mula rito na parang isang baso ng tubig na tumatapon. "ACHHHLKK!!" Tanging sigaw na lang ang nagawa ni Renzo. Ang buong mukha niya ay nabalot ng dugo. Ang sugat mula sa paghampas ni Xandra ng baseball bat kanina ang mga mata niya na hindi na malaman kung nasaan dahil sa bumabalot na dugo rito. Wala sa katinuan si Renzo dahil napuruhan siya sa ulo kanina. Gustuhin niya mang lumaban ay hindi sumusunod ang kaniyang katawan. "A Doctor is someone who saves not the one who causes casualty. Do you agree?" Nakangising tanong ni Xandra. Hinawakan niya ang mukha ni Renzo kung kanina ay kaunting damo lang ang meron dito, ngayon ay hindi na ito makilala. Narating ng kamay ni Xandra ang magaspang at puro saksak na mata ni Renzo. Marahan niyang ipinasok ang daliri niya sa puwang ng mga sugat nito at dinukot ang isang eyeball nito. Tanging panginginig na lang ang naging paraan ng katawan ni Renzo para mailabas ang sakit. Walang emosyong nakatingin si Xandra habang pinupunasan ang mukha niya para kahit papaano'y maalis ang dugo. Hawak niya ngayon ang isang eyeball ni Renzo at nararamdaman niya ang sandaling t***k nito. "Renzo Ramos, you are out" sabi ni Xandra at saka inilagay sa bumubulang bibig ni Renzo ang eyeball nito. Pinagpagan ni Xandra ang sarili. Hinubad ang itim na leather jacket at pinunasan ang ilang bahagi na natalsikan ng dugo. Nilinis niya rin ang baseball bat. Pagkatapos ay umalis na siya sa lugar na iyon na parang walang nangyari. Kung makakaligtas man si Renzo o mamatay ay tadhana na ang bahala roon. Sabi ni Xandra sa sarili. ALAS-DIES ng umaga. Balisa ang bawat estudyante sa Campus nang dumating si Xandra. Nakasuot siya ng isang dilaw na casual dress. Nakatirintas rin ang kaniyang mahabang buhok na may dilaw na laso sa dulo nito. Maaliwalas ang kaniyang hitsura ngunit sa likod ng salamin sa mata niyang suot ay isang mapagmasid na leon ang nagkukubli. Puno ng bulung-bulungan ang paligid. "Omg! Si Renzo yung basketball player, he was discovered early in the morning sa likod ng campus! He was assaulted!" "I heard he lost his eyesight!" "Cruel! How could the culprit feed Renzo's own eyes to his mouth!" "I'm scared" "This school doesn't feel safe anymore" Nagpatuloy lang si Xandra sa paglalakad. Sa gulo na nangyayari sa school ngayon, siguradong hindi na matatahimik ang mga faculty. Pero kahit pa magsimula silang gumalaw ay wala nang balak huminto si Xandra. Hindi niya balak huminto habang hindi nakikilala ang leader na sinabi ni Xian na nag-utos sa kanila. Fallen Angels. Naalala ni Xandra ang grupo na kinabibilangan ni Xian at Renzo. Kailangan niyang alamin kung sino-sino ang mga miyembro nito at bakit nila ginawa iyon kay Alex. Malalim ang iniisip ni Xandra habang patuloy na naglalakad nang hindi niya mapansin na may nakasunod sa kaniya. "Groupmate, you shouldn't walk alone" nagulat si Xandra sa dalawang kamay na humawak sa mga balikat niya. Lumingon siya at nagtagpo ang mga mata nila ni Chico. Sa inis ni Xandra sa mga paligoy ligoy na kilos ni Chico ay inapakan niya ang paa nito kung kaya't biglaang napalayo ang binata. "Why would you do that? It hurts!" Sabi ni Chico at ika-ikang lumapit ulit kay Xandra. "Are you familiar with the word distance?" "Yes but it can't be helped. I'm a clingy person" nakangising sabi ni Chico at hinawakan ang dulo ng handbag ni Xandra at binatak ito. "What do you think you're doing?" "It's dangerous to walk alone so you will accompany me" "What?" Inis na binatak ni Xandra ang bag mula kay Chico. "Ano bang tumatakbo sa isip nito? I will accompany him? He is crazy" sabi ni Xandra sa sarili. Lumingon si Chico sa ginawa ni Xandra at saka tumawa ng malakas. "He is really annoying" bulong ni Xandra. "If you excuse me" magalang pa rin ang boses ni Xandra dahil marami ring tao sa paligid at nakatingin sa kanila. Magsisimula na sana siya ulit maglakad pero humabol si Chico at muli siyang sinabayan. "You want coffee? Treat ko" nakangiting sabi ni Chico. Napahinto si Xandra at napatingin sa kasama. "Coffee? All of sudden?" Nagatatakang tanong ni Xandra sa sarili. "Yes or yes?' Napairap si Xandra sa binata. "If this will make you leave" "Okay! I'll take that as a yes" masayang sabi ni Chico at naglakad na batak ulit ang dulo ng bag ni Xandra. "As if there is another choice" sarkastikong sabi ni Xandra pero nanatili pa rin ang ngiti ni Chico. "There is always a choice. If you will look clearly, you will eventually find it" Napansin ni Xandra na bahagyang nagbago ang ekspresyon nito pero mabilis rin na binawi ng ngiti. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabasa si Chico. Hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit na nagtatagpo ang mga landas nila. Maraming beses niya ng gustong balian ng leeg ang binata pero pinipigilan niya ang sarili. Ito lang din kasi ang unang beses na nagkaroon siya ng kasama. Kahit pa naiinis siya sa presensya nito. "So, what do you want?" Lumingon si Chico at ngumiti na naman sa kaniya. "Is there a coffee in Jollibee? I want to try it" sabi ni Xandra. Napahinto si Chico sa paglalakad at napatingin ng seryoso kay Xandra kaya napahinto rin siya. "Seriously? Kape sa fastfood chain? I-I mean, you're kidding me. Right?" Nakataas ang isang kilay ni Chico at nakapamewang rin siya. "He looks like Lucas" naisip ni Xandra. "You asked what I wanted and I want that" diretsong sabi ni Xandra. Ngayon naman ay si Chico ang napairap at napakamot sa ulo. "Okay" sabi ni Chico at naglakad na ulit. "He give in easily" sabi ni Xandra at saka sumunod kay Chico. NAKAUPO na si Xandra at katulad ng dati ay si Chico ang pumunta sa counter. Pagkatapos niyang kuhanin ang order ay naglakad na ang binata pabalik sa puwesto nila. Tahimik lang na nakaupo si Xandra at parang may malalim na iniisip. Tumatama ang ilang hibla ng buhok nito sa salamin niya sa mata pero hindi niya naman pinapansin. Mabilis na bumalik si Chico at inilapag ang kape nilang dalawa sa lamesa. Ibinaba niya rin ang tuna pie at mango pie na dinagdag niya. Nakita niya kung paano sandaling napangiti si Xandra habang nakatingin sa pagkain sa harapan nila. "I will pay for the pie" sabi ni Xandra kaya napatawa si Chico. "You can have it" sabi niya at iniabot ang mango pie kay Xandra. Dahan-dahang kinain ni Xandra ang pie habang si Chico naman ay pinagmamasdan lang ang dalaga. "Para kang bata" sabi niya at hinawi ang hibla ng buhok nito na kanina pa tumatama sa mukha. Nabigla si Xandra sa ginawa nito kaya tiningnan niya ito ng masama. Ngumiti lang si Chico at inayos maigi ang mga buhok na humaharang sa mukha ni Xandra. "Done" sabi nito matapos maayos ang buhok ni Xandra. "Aren't you going to eat?" Inis na tanong ni Xandra. Pinunasan niya ng tissue ang kamay niya at saka tiningnan ang sariling repleksyon sa cellphone. "You should try this tuna pie, too" sabi ni Chico sabay abot kay Xandra. Nainis si Xandra dahil madalas na hindi sinasagot ni Chico ang mga tanong niya. Kinuha niya pa rin ang tuna pie dahil curious siya sa kung anong lasa nito. Wala namang ganito dati, sabi niya sa sarili. "What about you?" "I'll have my fast food coffee" sarkastikong sabi ni Chico pero wala lang iyon kay Xandra. Gusto niyang kumain sa Jollibee dahil marami silang masasayang ala-ala dito dati. "You should be careful in the campus" sabi ni Chico sabay higop sa kape niya. Hindi niya nagustuhan ang lasa pero pinilit niya pa rin itong lunukin. "You shouldn't walk alone. Do you understand me?" Ngayon ay muling nagtagpo ang mga mata nila... Si Chico ay may pag-aalala sa mga tingin niya pero si Xandra ay nanatiling blangko ang ekspresyon. "Why?" "The Campus is a dangerous place right now because of a certain group. You're just an exchange student so you wouldn't know this but they are terrible" sabi ni Chico at tumingin sa labas. Nakatitig si Xandra sa paper cup ni Chico. Ubos na ang kape nito at tahimik na rin na nakatingin sa labas. The coffee doesn't taste good but he finished it, sabi ni Xandra. Alam niya kanina na ayaw talaga ni Chico na dito magkape. Mahaba din ang pila dahil umaga ngayon pero nagtyaga parin ito para maka-order. Ngayon naman ay binabalaan niya si Xandra sa mga bagay na delikado sa loob ng campus. Alam na ni Xandra ang tungkol sa bagay na iyon. Handa siyang harapin at labanan ang grupo na nanakit sa kakambal kay Alex, pero ang hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos nito. "I have a class" yun lang ang sinabi ni Xandra. Napatingin si Chico sa relo niya at napatango ng ilang beses. "Let's go. I'll walk you to your room" nakangiting sabi nito habang inaayos ang gamit niya. Mabilis niya ring niligpit ang lamesa. Pinagsama-sama niya ang mga basura nila at pinunasan ang ilang patak ng kape. "That's the crew's job" sabi ni Xandra at nauna nang tumayo. "A little humility wouldn't kill" ngumiti ulit si Chico pero iniwanan na siya ni Xandra at nauna na itong maglakad. "Waiting for me wouldn't kill too" sabi niya at patakbong lumapit kay Xandra na palabas na ng jollibee. "Here" inabot ni Chico ang cellphone niya pero hindi ito kinuha ni Xandra. Tiningnan niya lang ito ng walang ekspresyon. "Give me your number. I'll accompany you if Roma or Lichelle isn't available" Gustong sabihin ni Xandra na kaya niya namang maglakad mag-isa. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya at baka mas malakas pa nga siya sa lalaking kaharap niya ngayon. Napahinga siya ng malalim at inabot ang cellphone ni Chico. Tahimik siyang nag-type ng number na ginagamit niya. Iniabot niya ito kay Chico at pinilit ngumiti kahit pa nahuli ni Chico na hindi ito totoo. "Thank you but why are you doing this?" Tanong niya. "Why would you ask?" Nakangising tanong ni Chico at saka naunang maglakad. Napayukom na lang ng kamao si Xandra habang minamasdan ang likod ng binatang naglalakad palayo. "He's so arrogant" bulong niya sa sarili niya. Maya-maya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone at nakarecieve siya ng isang text message mula sa hindi kilalang number. Group mate, it's me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD