PART 3

1477 Words
Paroo't parito si Kiara sa silid ng kanyang lola. Tinitingnan o binabantayan niya muna ang lola niya habang hinihintay niya ang dalawang anghel na sundo niya. Ang tagal nila kaya naiinip na siya. “Akala ko ba ay may mga magic ang mga anghel? Bakit parang nahirapan yata sila na hanapin ang papa ko? Tsk!” himutok niya. Mag-iisang oras na kasi, eh. Pero wala pang bumabalik sa dalawa simula utusan niya ang mga ito kanina. Kinakabahan na siya. Baka naman wala sa langit o impyerno ang papa niya. “Luh, nasaan na kaya ang mga ‘yon? Mukhang wala si Papa sa langit o impyerno, ah? Pero nasaan naman kaya si Papa kung wala sa dalawa?” mga tanong niya pa sa sarili. "Kiara, Sergio, bakit niyo naman ako iniwan?" Heto na naman, nagising na naman ang lola niya. Napatingin siya sa kawawang matanda. Kawawa talaga ang lola niya. Mahina na kasi ito tapos mag-isa na lang. Her heart was aching so bad. Love na love rin niya ang lola niya, eh. "Sorry, Lola." Nilapitan niya ito. "Kunin niyo na lang ako. Sige na." At parang narinig siya nito na muling nagsalita. She winced. "Huwag muna, Lola. Dito ka muna kasi baka maging sagabal ka lang sa 'kin sa paghahanap ko kay Papa. Don't worry sa ayaw at sa gusto mo naman, eh, malapit ka na ring kunin ni Lord. Pero huwag lang muna ngayon, hah? Love you, Lola." Pagkasabi niya iyon ay saktong paglitaw na ng dalawang anghel sa likuran niya. Masaya siyang lumingon sa mga ito. "So, anong balita?" she asked in a playful tone. Halatang malungkot ang puting anghel na unang sumagot sa kanya. "Patawad pero wala sa langit ang iyong ama." Tuwang-tuwa naman ang itim na anghel. "Sabi ko sa 'yo nando'n siya sa amin." Her smile grew wider. "Really?" "Oo. Eh, nuknukan pala ng sama ang tatay mo, eh. May pinagmanahan ka palang bruha ka." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Excuse me! Mabait ang Papa ko!" "Talaga ba? Eh, bakit kasapi na namin siya? Kung mabait siya dapat nasa langit siya, 'di ba?" Hindi siya nakaalma. Oo nga, noh? Pero hindi. Hindi pa rin siya naniniwala na masama ang papa niya. Kailangan pa rin niya itong makausap ng personal. "Eh, ‘di sa 'kin ka na sasama?" "Oo na!" paismid niyang sagot. "Pero, Kiara, mas makakabuti kung sa 'kin ka sasama. Mas mapapabuti ang kalagayan mo sa langit. Doo'y hindi ka na maghihirap pa. Doo'y puros kasiyahan lamang," apila pa rin ng anghel ng langit. "Hoy! Gusto mo matanggalan ng pakpak! Sa 'kin na nga sasama, eh! I-epal ka pa, eh!" at inis na duro na naman ng itim na anghel dito. Napayuko ng ulo ang mabait ng anghel. Medyo naawa naman si Kiara rito. "Sige na, anghel, umalis ka na. Sa kanya na lang ako sasama nandoon ang Papa ko, eh. Salamat na lang, hah?" "At bakit ka nagpapasalamat diyan?! Simula ngayon anak ka na ng pinunong Satanas! Kaya bawal na sa 'yo ang mga salitang mga ganyan! Ngayon mo ilabas ang kamalditahan mo noon!" Inismiran niya ang anghel na makulit. "Oo na!" Napakalungkot na naglaho na sa paningin nila ang anghel ng langit. Tinawanan naman ito ng itim na anghel. "Gaga kasi! 'Yan ang napala niya! Kabiguan!" "You know what, you're so conceited. Pasalamat ka lang dahil nasa inyo ang Papa ko kaya sa 'yo ako sasama." She eyed her from head to foot. Ang yabang, eh. Ang pangit naman. Tss! Nagkatinginan sila ng masama. Tapos ay pumitik na sa ere ang itim na anghel, kasabay niyon ay ang biglang pagbukas ng sahig na kinatatayuan nila. "Aaaaahhhhhhhhh!!" mahabang hiyaw niya dahil pabulusok silang bumabagsak sa animo'y malalim na hukay o balon. "Ang arte mo!" sabi sa kanya ng itim na anghel. Kampanteng-kampante kasi ito. Nakahalukipkip lang habang nahuhulog. "Tanga! Syempre first time ko! Aaaaaahhhh!" Nakataas ang kamay niya pati na ang mga buhok niya dahil mas bumilis pa ang pagbulusok nila. Sinubukan niyang kumapit pero ang init naman ng mga nakakapitan niya. At nang bumagsak sila'y sobrang napangiwi naman siya dahil nakakadiring putikan ang binagsakan nila at ang lansa pa. "Yuck!" Diring-diri siya na tumayo mula sa pagkakaupo niyang pagbagsak. Masakit ang puwetan niya pero mas prinoblema niya ang mga dumikit na putik sa kanyang damit at sa kanyang mga balat. Inamoy niya rin iyon at halos masuka siya. "Where on earth are we?! Nasa imburnal ba tayo?! So disgusting naman here! Ew!" "Masanay ka na! Impyerno nga, 'di ba? Lahat dito ay nakakainis! Nakakagalit! Nakakadiri! Nakakasuka! Pero hindi bawal magreklamo!" sabi ni itim na anghel. Nanlumo siya. Ano ba 'tong napili niya? Kakayanin ba niya ang lugar na ganito? Oh, God! Biglang kumidlat. They were shocked. Napatingin-tingin sila sa taas. "Inisip mo ang kalaban, ano?!" mayamaya ay sita sa kanya ng itim na anghel. Sasagot sana siya pero pinigilan siya nito. "Huwag kang umamin! Bawal dito ang umaamin! Dapat magsinungaling ka!" Napangiwi ulit siya. Ang gulo, ‘no? "Teka lang. Nasa'n nga tayo? Impyerno na ba 'to? 'Di ba dapat apoy ang nasa paligid natin?" tanong niya na napatingin-tingin na naman sa paligid. "Ano ka sinusuwerte? Impyerno na agad ang gusto mong marating? Syempre daan muna tayo ng entrance." "'Di ba gano'n naman? Impyerno agad ang bagsak mo 'pag masama kang tao?" "Bobo talaga kayong mga tao, ano? Syempre may bai-baitang 'yan. Hati-hati. May masama konti, masama at masamang-masama. At 'yung masamamg-masama ang naro'n sa nagbabagang impyerno." "Gano'n?" She was amazed. What the hell nga! "Gano'n!" "Eh, nasa'n ang papa ko?" "Ah, 'yan ang 'di ko masasagot. Confidential." "Grabe naman! Pati ba naman dito may mga ganyan-ganyan?" "Aba syempre,” taas-noong sagot ng itim na anghel. Tapos ay sinenyasan na siyang tumahimik dahil may paparating. She felt nervous. Paano'y ang lalakas ng yabag ng paparating. Halimaw yata dahil bawat yabag nito ay lumilindol konti ang kinaroroonan nilang putikan. Mayamaya pa'y kita na nila ang isang higante ngang nilalang na may isang sungay sa gitnang noo. "Siya na ba si Satanas?" tanong at pasimpleng siko niya sa itim na anghel. "Hindi. Tagabantay lang 'yan dito sa entrance." "Ay, guwardya lang?" natawang sambit niya. Tumawa rin ang itim na anghel. "Ang pangit, ‘no?" sabi rin nito na mas nagpatawa sa kanya. "Oo. Akala mo kung sino, guwardya lang pala." Belly laugh na siya. Lumakas ang tawa nila ni itim na anghel, may apiran pa iyong kasama. Palibhasa ay sanay siya sa pangbubuska o panlalait. Gawain kasi nila iyon ni Taya sa school nila. Kaya nga binansagan siyang maldita. "Tahimik!" saway sa kanila ng pangit na nilalang. Ang laki ng boses nito. Malahalimaw rin tulad ng katawan. Sabagay ang pangit nga naman kung halimaw ang katawan tapos pangduwende ang boses. Natawa ulit si Kiara sa kalokohang naisip niya. "Sabing tahimik!" ulit tuloy na bulyaw ng tagabantay. Pilyang itinakip niya ang dalawang palad niya sa bunganga niya. She remained silent for a while. Baka apakan siya ng higanteng ito. Ayaw niyang ma-double dead. Saglit lang ay binuklat na ng tagabantay na iyon ang itim nitong libro na dala. "Ikaw si Maria Kiara Villanuera, hindi ba?" Namilog ang mga mata niya. "Hey! How did you know my name?" Na-curious siya. Paano'y complete name talaga. Ayaw na yaw pa naman niya iyong Maria sa pangalan niya. Masyadong pang-mabait na pangalan. Hindi bagay sa kanya. "Gano'n talaga rito. Wala ka sa lupa," sagot sa kanya ng itim na anghel. Napanguso siya. Oo nga pala. "Pwede na ba siyang pumasok?" tapos ay tanong ng itim na anghel sa tagabantay. May binasa saglit ang tagabantay tapos ay umiling-iling ito. "Hindi pa puwede. Hindi pa sapat ang kasamaang nagawa niya sa lupa para tanggapin siya ng impyerno." Her mouth slightly parted. Oh, no! "Sa porgaturyo siya?!" dagdag pang sabi ng tagabantay. Malungkot na tumingin ang itim na anghel sa kaniya. "Mahina ka kasi noon, eh," ta's saad nito na iiling-iling. Biglang hestirikal siya. "Hindi ako makakapasok gano'n ba?! Hindi ko makakausap ang papa ko?!" Sunod-sunod ang naging tango ng itim na anghel. "It can't be! Ano pang silbi na pinatay ako ng gunggong na lalaking 'yon?! Tangna naman, oh!" mura niya sa sobrang inis niya. "Oo, tang-ona talaga pero wala tayong magagawa kung ayaw kang papasukin." "Maybe there's a way pa?! Gusto ko talagang makapasok!" she begged. She almost in tears. Hindi kasi talaga pwede. Sayang naman ang pagpakadedo niya. "Eh, ano pa bang paraan? Kaluluwa ka na, eh?" "Gusto mo talagang makapasok sa impyerno?" sabad ng tagabantay sa kanila. "Opo! Este oo!" Tumingala siya sa tagabantay. Nabuhayan siya ng loob. "Kung gano'n bibigyan kita ng pagkakataon. Bumalik ka sa lupa at gumawa ka ulit doon ng kasamaan. Maraming kasamaan.” Unti-unting napangiti siya. Thank God at may paraan pa pala. Yes! Pero bigla ulit kumidlat. Tiningnan siya ng masama ni itim na anghel. Napangiwi siya. Oo nga pala. Bawal nga pala isipin ang kalaban. Lol!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD