PART 2

1486 Words
"Kiara, apooo koooo!" atungal ng kanyang lola na humahagulhol ng iyak. "Kiara, who did this to you?!" at hagulhol din ni Taya. Napakunot-noo si Kiara. Anyare? Bakit iniiyakan siya ng lola niya at ng kaibigan niya? Bakit nagpapalakasan sila ng iyak? She totally opened her eyes. At anong sindak niya nang napakadaming tao ang nakita niya sa room niya. May mga pulis pa. "Kiara, Diyos ko! Apooo kooo!" Iyak pa lalo ng lola niya. Halos himatayin na ang matanda. "Lola, why ba?" Mas naguluhan na siya. "Kiara, sinong gumawa nito sa 'yo?" tapos si Taya rin. Salitan na talaga sila ng lola niya ng iyak. Lalong naguluhan si Kiara dahil nakita na rin niya ang mga kamag-anak niyang umiiyak sa tabi niya. "What the hell is happening?!" tanong niya sa mas malakas na boses sabay bangon. But still, she just couldn't get an answer. “Taya, bakit hindi mo ako pinapansin?” At ano'ng silakbot niya nang lumusot siya sa katawan ni Taya. "Sandali! Sandali itakbo na natin siya sa ospital! Baka ma-revive pa!" Narinig niyang sabi ng isang kapitbahay nila. Lalo pang nahintakutan si Kiara at halos hindi siya makakilos nang makita niyang binuhat ang isang babae mula sa kama niya at kamukha niya. Tapos ay nakita niyang ang daming dugo. Holy cow! "Luh!" naibulalas niya na nanlalaki ang kanyang mga mata dahil napagtanto na niyang siya ang babaeng 'yon. Siya 'yon. Siya 'yong binuhat at dinala sa ospital. What the F! Then she remembered, oo nga pala, kagabi ay nababaliw siyang bumili ng blade. "Papa, susundan kita r’yan sa impyerno o sa langit! You need to answer all my questions! I have to know the truth! sabi niya kagabi bago niya nilaslas ang kanyang pulso. "Aaawww!" ngunit hiyaw niya dahil ang hapdi pa lang magpamatay. Hindi niya kinaya. Nagbago na ang isip niya. Hindi madali. Hindi niya kaya. “Sino ‘yan?!” Anong gulantang na lang niya nang biglang may kumalabog. "Sino ka?” At anong hintakot naman niya nang biglang sulpot ang isang lalaki na puros itim ang kasuotan. Lumapit sa kanya ang lalaki. “Dapat lang sa inyong mag-ama ay magsama sa impyerno!” sabi nito bago siya inundayan ng tatlong saksak sa tiyan. Kiara's mouth hung open with disbelief after she remembered that. Patay na siya kung gano'n? Eh? Seryoso ba? Napakagat-labi siya. Ibig bang sabihing, iyong nakita niya na kamukha niya na dinala ng ospital ay katawan niya iyon? At kaluluwa na siya ngayon? Parang ayaw pa niyang maniwala. Pero sino 'yung lalaki kanina? Sino 'yung pumatay sa kanya? "Kiara, apo ko, sino ang gumawa nito sa 'yo?" hagulhol na naman ng lola niya na narinig niya. Suddenly, sadness crept on her. Bakit ngayon lang niya naisip na kapag namatay siya ay wala nang makakasama pala ang lola niya? Ang gaga niya na naisip niyang magpakamatay kanina. Tuloy, nagkatotoo. Humakbang siya at lumabas dahil naninikip ang puso niya sa mga naririnig niyang iyakan. Doon niya tinesting kung kaluluwa na ba talaga siya. Sinubukan niyang lumusot sa pader, and wow lumusot nga siya ng walang kahirap-hirap. Bigla ay nawala ang lungkot niya. Nice rin pala. Para siyang nagkaroon ng powers. “Yes!” Mayamaya pa’y napasuntok siya sa hangin. Ito naman talaga ang gusto niya, eh. Ang maging kaluluwa na siya. Ang tanong, nasaan ang mga susundo sa kanya? 'Di ba ang sabi kapag namatay ka ay may susundo sa 'yo na anghel kapag sa langit ang punta mo? At si kamatayan naman kapag sa impyerno? Bakit wala? "Kiara ko!" iyak ulit ng lola niya na nagpalingon sa kanya. Muli siyang nalungkot nang makita niya ang lola niya na iyak nang iyak. Hindi na ito pinasama sa ospital dahil sa katandaan. Si Taya ang sumama at nag-asikaso sa katawan niya. Maaasahan talaga ang kanyang best friend. "Lola, sorry po. Kailangan ko lang talagang makausap si papa," naiiyak niyang saad. Lumapit siya sa matanda. Yayakapin niya sana ito pero tumagos lang siya. Muntik pa siyang matumba. "Pasaway ka talagang bata ka. Inunahan mo pa ako." Napangiwi siya. May gano'n? Kung sabagay nga naman dapat talaga lola niya muna ang unang matitigok. Muli siyang sumeryoso at hinarap ang lola niya. "Lola, sorry na po. Huwag kang mag-alala magkakasama na kami ni Papa. Sumunod ka na lang kung gusto mo, okay?" "Kiara, bumalik ka, Apo! ‘Wag mo akong iwan!" iyak ulit ng matanda. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin na lang ang lola niya. Hindi naman kasi siya naririnig, eh. Buti na lang at may nagmalasakit na mga kapitbahay nila sa lola niya at binabantayan muna nila ito. She shrugged her shoulders. Kawawa ang lola niya talaga pero wala na siyang magagawa. Patay na siya. Hanggang sa bigla ay may sabay na dalawang nilalang na babae ang biglang lumitaw sa kanyang magkabilang tagiliran. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Dahil ang isa ay puting-puti ang kasuotan at ang isa naman ay ang itim. Parehas silang may pakpak pero mas nakakaaya ang nakasuot ng puti. 'Yung nakaitim kasi ay may buntot pa. Ang panget. "Who are you?" tanong niya na napapaismid at napahalukipkip. Ano 'to may costume party? "Kiara, ako ang iyong sundo. Sumama ka sa 'kin sa kawalhatian. Mamuhay ka sa piling ng ating ama na matiwasay. Hindi ka na maghihirap at hindi ka na masasaktan pa," napakalumanay na boses ng puting-puting babae na may pakpak. Sa pagkakataong iyon ay namilog na ang mga mata niya. Kung gano'n sila na ang mga sundo niya? Ayos! Unti-unti ay napangiti siya. Her face lightened. Natuwa naman siya dahil dala-dalawa pa. "Hoy! Bakit ka nandito?! Si Kiara ay sa amin mapupunta dahil maldita siya noong nabubuhay siya! Huwag kang epal na anghel ka kundi makakatikim ka sa 'kin ng t*ng-*na mong mura!" Duro agad ng anghel ng impyerno sa anghel ng langit. "Ang ama natin ay mapagpatawad. Si Kiara ay tinatanggap pa rin sa langit sa kabila ng kanyang mga ginawang kasalanan," mahinahong tinig pa rin ng anghel. Napangiwi si Kiara sa anghel. Paano'y minura na nga pero nakangiti pa rin. Eh, di wow! Sabagay anghel nga pala ito. Hindi pala nagagalit, kasi nga mabait. "Eh, mga gago pala kayo, eh! Sinasabi niyo na kasalanan ang maging maldita kaya sa impyerno ang bagsak nila! Tapos tatanggapin niyo rin pala 'pag patay na! Kagaguhan! Niloloko niyo ang mga tao!" Inis na duro ulit ng anghel ng impyerno. Napalabi si Kiara. Well, may point naman ang pangit na anghel. "Ang lahat ay anak ng Diyos. Lahat sila ay tatanggapin sa langit gaano man sila makasalanan basta taos-puso lang silang hihingi ng tawad kay Ama," nakangiti pa ring paliwanag ng anghel ng langit. Napatango-tango si Kiara. Humanga naman siya sa anghel ng langit. Tama, dapat gano'n nga. Dahil tulad niya may dahilan din naman bakit siya nakakagawa ng masama noon. Mas masama sila. Napasinghap sa hangin ang anghel ng impyerno. "Pigilan mo ako! Papatayin ko 'yan!" at sabi sa kanya na pinigilan naman niya. Hinawakan niya ito pero napabitaw rin agad siya dahil napaso siya. "Ang init mo naman!" reklamo niya rito na napalayo. "Tanga! Syempre! Galing akong impyerno, puro apoy doon! Bobo nito!" Toinks! Siya naman ang napika. "Pigilan mo ako! Mapapatay ko rin 'yan!" aniya sa mabait na anghel. Tawagin ba naman siyang tanga at bobo. Ayos, ah! "Patawarin mo siya sapagkat hindi niya alam ang sinasabi niya," subalit sabi lang ng anghel ng langit. Napangiwi si Kiara na tiningnan niya ng masama ang mabait ng anghel. Ito ang mapapatay niya, eh. Sobrang bait, eh. "Hoy, ikaw! Halika na nga! Naaalibadbaran na ako sa kaputian ng anghel na 'yan!" sabi sa kanya ng masamang anghel. Feeling close ang gaga. "Kiara, sa akin ka sumama. Doon ay magiging masaya ka.” "Paano naman siya magiging masaya kung puro kayo dasal?! Dasal! Dasal nang dasal!" "Dahil nakakagaan ng kalooban ang pagdadasal. Ika'y magiging payapa. Gagaan ang iyong pakiramdam." "Suss, sipain kita riyan, eh! Mas masaya sa impyerno! Magagawa mo lahat ng gusto mo ro'n!" "Sandali!" Hindi nakatiis na awat na ni Kiara sa dalawa. "Tahimik muna puwede? Lalo na ikaw!" Dinuro niya ang pagitan ng mata ang itim na anghel. "At bakit kita susundin?!" subalit pagtataray pa rin nito sa kanya. "Hindi ka titigil?!" Inambaan niya ng suntok ito. Ang kulit, eh! At buti na lang kahit demonyita ito at sumunod din naman sa kanya. Tumigil nga ito sa kakadada. "Makinig kayo sa 'kin na dalawa. Ganito na lang. Bumalik kayo sa pinanggalingan niyo at hanapin niyo ang papa ko roon dahil kung nasaan ang papa ko ay sa kanya ako sasama," tapos ay aniya saka humalukipkip na nakataas-noo. Napangisi ang itim na anghel. "Ano bang pangalan niya? Sigurado nasa impyerno 'yon," saka tiwalang-tiwala na tanong nito. "Sergio Villanuera. Kamamatay lang niya last last week. Kaya sigurado na madali niyo pa siyang mahahanap," sagot niya na palipat-lipat ang tingin sa magkalabang anghel. Ngiting-ngiti rin siya dahil hindi na pala siya mahihirapang hulaan kung nasa'n ang kanyang papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD