PROLOGUE
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.
this is an unedited version expect a lot of errors like typo, wrong grammar etc.
Arra's POV
"Pass your Ledgers everyone!" Sigaw ng Prof naming atat ng makuha ang mga Ledger na sa ngayon ay tapos ko na. 25 minutes na pala ang nakalipas simula ng matapos ko ito. At hindi ko kailangan pang icheck dahil siguradong-sigurado ako.
"Prof! Sandali lang!" Reklamo ng isa kong kaklase sa harap.
"May 15 minutes pa po!" Pagtatama nito kay Prof. Demi, abay napakatapang naman nito nagawa pang icorrect ang proffesor namin.
"I Told you when we first met, 15 minutes advance ang relo ko kaya wala kayong magagawa kung ipapapasa ko yan ngayon din!" Sermon nito.
"Hmm.....at dahil sa nakikita ko ngayon, para na kayong malapit mabaliw pagbibigyan ko kayo-----" dugtong ni Prof ngunit naputol ng biglang nagsigawan ng "yehey!" Ang mga kaklase kong kala mo ay mga elementary pa.
"Just continue your work and focus!" Sigaw ni Prof. Demi at sumenyas na parang bato sa ere na ang ibigsabihin ay "and stay quiet"
"Is there anyone who's done?" She asked. Walang alinlangan kong itinaas ang kamay ko. Hindi na ako nagulat na lahat sila ay nakatingin sa'kin. Center of attention yan?
"As always, our top student." Papuri nito sa'kin. Without hesitate, everyone claps for me even though no one ask them to do it. Tumayo ako at pinasa ko ang Ledger na hinihingi niya. I smiled as i walked dahil naaapreciate ko ang mga ganung kasimpleng bagay. Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa aking upuan.
"You can continue now."- Prof said.
Nilibot ko ng tingin ang paligid, tiningnan ko ang mga classmate ko. Natawa ako bigla, para silang mga hinahabol ng Toro sa pagmamadali.
"Hoy! Arra napakadaya mo talaga!" Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang pabulong na tawag sa'kin Candy. Napakunot ang noo ko, aba'y ako pa ang sisisihin samantalang ito silang ubod ng bagal mag balance.
"Anong ako?" Sagot ko. Inirapan ako ni Candy at bumalik sa ginagawa niya, para na siyang nababaliw sa pagpalit-palit ng tingin niya sa calculator, Ledger at scratch niya. Napa ngiwi nalang ako at binalik ang tingin sa harap.
"Arra, Tulungan mo naman kami, hindi yung ikaw lang yung nagpapahinga jan!" Bulong sa'kin ni Andy mula sa aking likuran. Napairap ako, hindi sa lahat ng oras kaya ko silang tulungan no! Malaki ang hatak ng ledger activity na ito para sa 1st Semester final grade kailangan ko magfocus para sa sarili ko.
Nilingon ko siya sa likuran at sabay sabing "nek nek mo!" Sabi ko ng paasar at sabay dila. Tinapunan niya ako ng masamang tingin. I Laugh as I see her face, she looks like a four years old baby na tinanggihang pahiramin ng cellphone ng nanay.
Nilingon ko si Lovely, she didn't interrupt me. I Love her girl power dahil kahit na hirap siya ay she never ask for help and always believe in herself. Napangiti ako habang tinitingnan si Lovely na busy sa pagsasagot.
Ipinagdasal ko sila ng palihim, I mean sa aking pag-iisip ng bukal sa puso syempre, madamot man ako sa sagot pero hindi ko naman sila gustong hindi pumasa no.
As I leave, I prayed that they all can finish that in time with sure answers. Pwede namang lumabas ang mga tapos na, nakadepende yun kung gusto mo magstay or gusto mong magmuni muni sa labas. Prof always allow us to go out everytime na may quizes like this as a reward sa mga makakatapos ng maaga and since siya din yung before break prof namin.
Naglakad akong papuntang field para pagmasdan ang kalangitan para ma-free ang aking utak sa madugong pagsosolve kanina. Anong akala nila hindi rin ako nahihirapan?
Dahil sa patingin-tingin ko sa paligid habang naglalakad papuntang field may nabangga akong kung sino sa harap. Hindi ko siya agad na pansin, as I look napansin kong may mga dala pala siya at ayon nalaglag sa ground lahat.
Tiningnan ko siya habang nagpupulot ng mga dala niyang libro sa lapag, hindi na ako nagdalawang-isip pang tulungan siyang kunin ang mga libro niya. Nahinto siya at tiningnan ako, hindi ko nalang pinansin at patuloy parin sa pagpulot.
Tumayo ako at binuhat ang apat na librong hawak ko. Tumayo narin siya dala ang iba niyang gamit na galing sa pagkakalaglag. Tiningnan ko ang mga librong hawak ko. Komiks? Maybe he likes to read this kind of books.
"Eto oh." Inabot ko sa kaniya ang mga libro pero parang wala itong narinig at panay lang tingin sa akin. Napakunot ang mga kilay ko. May dumi ba sa mukha ko?
"uh-uu? is there anything in my face? my dumi ba?" Tanong ko. Sinubukan kong punasan ng isa kong kamay ang mukha ko pero wala namang dumi. Tiningnan ko siya ulit at nakatingin padin siya sa akin. Ang creepy ah.
"Hello? Naririnig mo ba ako, eto na ang libro mo." Tinry ko ulit iabot ito sa kaniya.
"I finally found you..." bulong niya. Nagtaka naman ako, ano nahanap na niya, ako? kilala ba namin ang isa't-isa?
"Ha? Anong sinasabi mo?" Takhang tanong ko sa kaniya. Maya-maya sa tagal ng mga titig niya ay inalis niya na ang tingin sa'kin at bigla siyang yumuko, buti nalang at gwapo siya kundi tinakbuhan ko na dapat 'to. Biro lang, umiiral nanaman ang diskriminasyon sa utak ko. Pasensiya na. Pag hindi gaanong gwapo tatakbuhan? Syempre hindi no, kahit sino pa ang mabangga ko ay tutulungan ko.
I noticed that he gulped, napailing ako. What's with this scenario? I scan his physical appearance. Mukha siyang nerd kasi may suot siyang eye glass, his hair is color black-brown with the style of korean, yung parang may pa bangs. Maputi siya kaya mapagkakamalan mo talagang koreano pero di siya singkit. Matangkad siya, he's around 7 feet maybe? He kinda reminds me of someone, pero hindi ko matandaan kung sino.
Nawala ako sa mga iniisip ko nang bigla niyang hablutin sa'kin ang mga libro niyang kanina ko pa inaabot na hawak ko.
"Hoy! Sandali!" Sigaw ko, pero hindi niya lang ako pinansin.
"Sorry, Binangga kita!" Sigaw ko ulit pero hindi niya parin ako pinansin. Napabuntong-hininga nalang ako. Naglakad na ako papuntang bench sa field, nakalimutan ko tuloy kung anong pakay ko rito.
Narinig kong tumunog ang bell at iyon ay senyales na ng lunch break. For sure maya-maya lang ay darating na dito sila Lovely. Mabibilis ang mga 'yon pagdating sa lunch break. Tingnan mo't bibilang ako ng sampu.
Isa....
Dalawa....
Tatlo....
Nakalapit na ako ng bench.
Apat....
Nakaupo na ako.
Lima..
Ani--
"Arra!" Napalingon ako bigla ng marinig ko ang pangalan ko na galing kay Candy. Right? They arrived right away, hindi pa nga umabot ng sampu ang bilang ko.
"Ikaw ah, ang daya mo!" Reklamo ni Andy sabay ang pagupo nila sa tabi ko. Si Andy at Lovely sa kaliwa ko at si Candy naman sa kanan.
"Anong madaya ka dyan, hindi ko kayo obligasyon no." Sagot kong pataray. Pano ba naman, iaano padin nila sa'kim yung tungkol kanina.
"Chill, wag ka magalit, natapos namin ng maayos at walang hassle." Singit ni Candy. Napatawa nalang ako dahil kanina lang halos mabaliw na siya tapos sasabihin niya sa'kin walang hassle.
"Ah talaga?" Pang-aasar ko.
"Yes naman." Sagot ni Andy.
"Eh parang kanina lang halos mabaliw ka na sa pabalik-balik mo ng tingin sa papel at calcu mo." Sumbat ko sa kaniya habang tumatawa ako ng kaunti. Nagpigil naman ng tawa si Lovely habang tinitingnan ang reaksyon ni Candy.
"Hindi kaya!" Pag-tanggi niya, she glared at me na para bang mamaya lang ay papatayin niya ako. At bago pa mangyari yon ay papakalmahin ko na siya.
"Biro lang ano ka ba." Ngumiti ako sa kaniya habang siya parang galit padin sa akin.
"Tama na nga yan, may chika pa tayo kay Arra diba?" Sabi ni Andy.
"Kayo lang ni Candy, wag niyo ko idamay diyan" ika ni Lovely. Mukhang sa tono ng boses ni Lovely ay tingin ko ay tungkol nanaman ito sa lalaki. Hindi talaga titigil itong dalawang ito kakahanap "daw" ng jowa ko.
"Ayan nanaman kayong dalawa, sinasabi ko sainyo yung mga nirereto niyo sa'kin mga wala namang kwenta" reklamo ko. Etong dalawang to hindi napapagod. Sila nagpaplano ng mga blind dates ko na hindi naman nag wowork ay ewan ko ba.
"This time, hindi na. Believe me." Sabi ni Candy.
"Eto kasi yun" tumayo si Andy sa harap ko para sabihin nanaman sa akin ang kabalastugan nila.
"May nakasalubong kaming guy, mukhang matalino parehas kayo yieeeee" paliwanag nito sabay sa pagkiliti sa leeg ko, parang baliw lang.
"Oh tapos?" Sabi ko sabay ang pagtaas ng kilay ko.
"And he looklike the person who always bothering you on your dreams, yung lagi mong kinekwento samin. Match na match yung physical appearance na sinabi mo samin sa kaniya." Dadag niya pa. Napaisip ako bigla. Nagflashback sa akin ang kaganapan kanina. Yung nakasalubong kong lalaki kanina baka iyon ang nakita nila Andy.
Oo tama! Siya nga yun. Hindi na sumagi sa isip ko ang tungkol sa lalaking lagi kong napapanaginipan. Lahat ng napansin ko sa appearance niya ay pareho ng nakikita ko sa panaginip ko.
Nanatili akong tulala, at iniisip na "Is this coincident?"
Natapos na ang school hours. Uuwi nanaman ako sa punyetang bahay namin. Bahay na puno ng negative vibes. Kung kaya ko lang buhayin ang sarili ko matagal na akong umalis don. They don't want me to work while studying. Gustuhin ko mang silang suwayin hindi ko 'yon magawa-gawa.
Lahat ng pinapasukan ko na trabaho pinapakiusapan nilang tanggalin ako dahil magfocus lang daw ako sa pag-aaral ko. Hindi ko na matiis ang laging pag-aaway ng mga magulang ko. Hindi alam kung bakit sila ganon. Nakakasawa na.
Everytime they fight, I always cover my ears with my earphone and listen to some noice musics. Read books, watch movie para hindi ko sila mapansin at marinig. Yung mga pinagaawayan nila napakanonsense. Minsan maliit na bagay pinapalaki nila.
Sana gaya nalang ako ng mga napapanood ko, nababasa ko. Nagkakaroon man ng conflict, pero napupunta padin sa happy ending. Hindi katulad ng akin hindi na matapos-tapos sa conflict.
As I walked through the door. Naririnig ko na ang mga boses nila. They are fighting again. Kinuha ko ang cellphone ko at earphone sa bag ko. Kinabit ko ang earphone sa tenga ko ay nagplay ng music. I played rock music para malakas at hindi ko sila marinig talaga. I fulled the volume kahit na mabingi pa ako, macover lang ang ingay sa background ko.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko silang nagsasagutan at hindi ko naririnig iyon dahil sa earphone na nakakabit sa mga tenga ko. They didn't notice me, isa lang akong hangin na nagbukas ng pinto at isasara iyon para pumasok sa'king kwarto.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama ko and I stayed laying while listening to this music. Masakit sa tenga pero wala e mas gusto ko eto kesa sila ang maririnig ko.
Naging ganyan sila simula nung namatay ang nakababata kong kapatid. Hindi ko na maalala kung bakit nga ba namatay si Quer. Everyone forget what happen pero we know that he died. At dahil hindi nga namin ang dahilan nagsisisihan silang dalawa kung bakit namatay si Quer. Napakabata pa ng lalaki kong kapatid para mamatay, at ang masakit padin ay hindi namin alam kung bakit.
Hindi ko na napansing umiiyak na pala ako. Himasmasahan ko ang sarili atsaka tumayo para magbihis. Tinanggal ko ang earphone. Pero kahit na tinanggal ko ang earphone kumakanta kanta ako para hindi padin sila marinig.
Habang nagbibihis ay kung ano-ano ang pinagsasabi ko. As I finished, i decided to video call my friends.
They answered my call.
Kinabit ko ulit ang earphone para marinig sila.
"Nag-aaway nanaman sila no?" Walang pag-iisip na bungad na tanong ni Andy.
"Ito talagang si Andy, tumawag nga si Arra para hindi yun ang isipin niya hay nako." Sumbat ni Lovely.
"Ay pasensiya, pasensiya." sagot ni Andy.
"Ok lang." Sabi ko. Nginitiian ko silang tatlo.
"Kalma kalang Arra ah, we're here." Nakangiting sabi sa'kin ni Candy. I smiled. Kaya mahal na mahal ko itong tatlong ito.
"Ano ba kayo, tumawag ako para sabihing 'I miss you' ok?" Sabi ko sa kanilang tatlo. Tumawa sila.
"Ang cheesy mo ngayon, nagpapractice kana para sa 'the boy on your dreams' ano?" Pabirong sabi ni Candy. Inirapan ko nalang siya.
"why would i? I didn't even know him." Sagot ko. Hindi ko pa siya kilala, ano maiinlove agad ako? Abay grabe na yun.
"Oh sia, sia paalam na sa inyo" pagpapaalam ko. Kumaway ako. At kumaway din sila. Pinatay ko ang tawag at tinanggal ko ang earphone. Nagaaway padin sila.
Naghanap ako ng mababasa sa book shelf ko.
Nakanap ako ng libro. Binasa ko ang title nito.
"Me After You..." pinagmasdan ko lang ito at bumalik sa kama ko. I tried to open it. At may nalaglag.
I pick it up and I realize that it's a piece of paper ripped out from the book.
Binasa ko ito at napagtantong hindi nagustuhan ang scene. Gusto kong baguhin ang scene na ito. The girl just reject the love that offer by the boy because of her bestfriend. May gusto ang kaibigan nito sa lalaki kaya tinanggihan niya ang lalaki na matagal niya na palang gusto rin. I hate sad ending.
"I want to go inside this book." I wisphered.
later on.
"Strange?"
I just flinched and then suddenly I'm out of my room. What's happening? am I dreaming?
"Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili.
_