Arra's POV
Kagaya ng plano, papasok na ako sa loob ng kwarto ni Lovely at magkukunwaring pupuntahan lang siya. Pero ang kikilalanin ko ay si Sheena.
Kumatok ako para maalarma si Sean sa loob na papasok na ako, pinihit ko na ang door knob para buksan ito.
Binuksan ko ang pinto, "Sheena! Busy ka ba? tara samahan mo----" ako at nasalubong ko si Sean, dinaanan ko siya ng tingin pero hindi halatang nakita ko siya at nagtungo ako kay Sheena.
"Sino yan, Sheena? Di mo sinasabi sa'kin may kapatid ka pala." Tiningnan ko siya sa mata, parang umiiwas pa siya pero ng malaman niyang nasa side niya ako ay nakampante siya.
"Hindi ko nga kilala yan, Arra e." Sabi niya sa'kin. Ang kamay niyang dalawa sa likod niya ay nakatago. Tumabi ako sa kaniya hinarap si Sean na may wangis ni Lovely.
"Bakit nandito ka sa kwarto ni Sheena?" Tinanong siya, sa tanong nayan ay hindi siya sasagot. Hahayaan lang ako ni Sean na pagmasdan at paikutin si Sheena.
Nilingon ko si Sheena at sinubukan kong basahin ang utak niya. She's looking at me, samantalang ako ay napapakunot ang noo ko dahil wala akong kahit na ano mang nakukuha sa isip niya. Napailing ako at lumingon kay Sean.
Nalaglag ang panga ko ng makita ko si Sean na bumalik na sa kaniyang totoong anyo. Nagulat din siya ng biglang mangyari iyon. Napatingin siya sa'kin.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
Nilingon ko si Sheena at umiwas na pala siya sa'kin.
"Bakit ka umiwas?" Tanong ko. Tumungo siya sa gilid ng kama para lang malayo sa'min.
"Niloloko niyo lang ako! Lumabas na kayo!" Hindi ko pinsan ang sinabi niya at lumapit ng kaunti mula sa kinaroroonan niya. Sumunod sa'kin si Sean at natabi siya sa kanan ko.
Isang metro ang layo ng kinatatayuan namin sa kaniya, wala na kaming panahon pa para magpanggap. Bumalik na sa dati si Sean, hindi ko naman mabasa ang naiisip niya.
"Aalis kami pero sagutin mo muna ang itatanong namin." Kalmadong sabi ko pero sa loob-loob ko ay parang gusto ko ng sumabog. Kailangan namin magmadali, hindi ko na alam kung nangyayari ngayon kay Lovely.
"Bakit napunta sayo ang buhay ni Lovely?" Nakayuko kong tanong, huminga ako ng malalim bago ko iniangat ulit ang ulo ko para tingnan siya.
"Please cooperate, we won't hurt you." Nilingon ko si Sean na nagsalita, ibinalik ko naman kaagad ang atensyon ko kay Sheena na ngayon ay parang hindi mapakali, paiba-iba siya ng tingin at bumabalik din naman ito kaagad samin.
"Nakikiusap ako sayo. Kung hindi mo alam kung paano ka napunta dito. Tutulungan ka naming makabalik kung saan ka talaga nabibilang. Sabihin lang please?" Pakiusap ko, hindi padin siya sumasagot. Nanginginig ang mga braso niya, at ang kamay niya ay nasa likod niya.
"Ano 'yang tinatago mo?" Umiiling-iling si Sheena sa tanong ni Sean. Kinutuban na ako na maaring ang itinatago niya ay makakatulong samin para maligtas si Sean.
"W-wala...wala 'to."
"Sagutin mo na ang tanong ko!" Hindi na ako nakapagtimpi at nasigawan ko na siya. Nilapitan ako ni Sean. Nanghihina ako, nawawalan na ako ng lakas kakaisip kung paano pa namin maliligtas ang kaibigan ko.
Hindi dapat nangyayari sa kaniya 'to, hindi niya dapat nararanasan ang mga ganitong bagay. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na poprotektahan ko sila, kaya kailangan ko na siyang mapuntahan.
She's alone now. Hindi niya alam kung nasaan siya, hindi niya alam ang mundong ginagalawan niya.
"Gusto ko lang naman mabuhay." Sa likod ng panghihina ko, nalingon ko si Sheena, nagsalita siya ng pabulong pero sapat na iyon para marinig ko. Hindi ko maintindihan nang bigla nalang may namuot na inis sa'kin. Gusto niya lang mabuhay?
Umayos ako ng tayo galing sa pag-aalalay sa'kin ni Sean. Tinanong niya ako, "ayos ka lang ba?" Tinanguan ko siya at tipid na nginitian.
"Anong ibig-sabihin ng sinabi mo?" Ibinaling ko ang atensyon ko kay Sheena, at tinanong siya. Nagulat siya dahil siguro akala niya ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Gusto mong mabuhay?" Medyo kalmado ko pang tanong pero sa tingin ko maya-maya lang ay parang sasabog na ako. Sasabog na ako sa inis at galit.
Hindi siya makasagot sa'kin, nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kama, maya-maya ay napaupo siya sa sahig habang ang kamay siya ay nasa likod niya padin..
"Gusto mong mabuhay?! Samantalang yung kaibigan ko nandon! Nilagay mo siya sa lugar na hindi niya kinabibilangan!" Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko. Inalis ko ang kamay ni Sean sa balikat ko.
Pipigilan niya pa sana ako pero mas nanalo ako. Unti-unti ko siyang nilalapitan.
Unang hakbang... "sagutin mo lahat ng tatanungin ko."
Pangalawa at pangatlong hakbang..."paano ka napunta dito?"
Pang-apat na hakbang...."May katulong ka ba?"
Pang-lima..."anong ginawa mo para magpalit kayo ng buhay ng kaibigan ko?"
Pang-anim na hakbang, nasa harap na ako niya habang nakaupo siya. "Bakit si Lovely ang pinili mo?" Niyukuan ko siya para tingnan niya ako.
"At panghuli, ano 'yang tinatago mo sa likuran mo?"
"Wala akong alam." Lalo akong nanggalaiti sa sagot niya. Humugot ako ng malalim na hinga, tumingala ako para maikalma ang sarili ko.
Sa dinami-rami ng tanong ko ay yun lang isasagot niya sakin?
"Wala kang alam? Pero sinabi mo na gusto mong mabuhay? Ibigsabihin may ginawa ka! Gumawa ka ng paraan para mabuhay ka! Bakit sa kaibigan ko pa!" Kahit na naikalma ko na ang sarili ko hindi ko padin mapigilan ang mapasigaw.
Sobrang bigat na ng dibdib ko, punong-puno na ito ng katanungan na walang katumbas na kahit na anong sagot. Si Sheena ang daan. Si Sheena ang daan para masagot ko ang mga ito pero siya nakikipag cooperate.
"Sorry..." napatawa ako dahil sa inis. Niloloko na ako ng babaeng 'to. Inangat ko sa ere ang kanang kamay ko, gusto ko siyang sampalin. Nagulat ako ng may pumigil sa kamay ko. Nilingon ko si Sean.
"This won't work." Dahan-dahan niyang binaba ang kamay ko, ihinarap niya ako sa kaniya, "hindi tayo matutulungan ng galit mo Arra, kailangan tayo ng kaibigan mo ngayon." Sabi niya, naikalma naman ng sinabi niya ang sarili ko.
Tama siya, hindi dapat galit ang inuuna ko. Hindi ako matutulungan ng nararamdaman ko sa pagliligtas sa kaibigan ko.
"Calm yourself. Ok?" Tinanguan ko siya. Nginitian niya ako bago niya yumuko, tinapatan niya sa baba si Sheena.
"Sheena, please." Pakiusap ni Sean.
"I know, it's hard. Mahirap tanggapin na isa ka lang character ng comic na hindi kailanman makokontrol ang sariling buhay. Your life is controlled by the author." Tiningnan ni Sheena si Sean sa mata.
"Listen to me, we're the same. I came from a comic book too. Parehas tayong character ng isang obra ng isang tao." Dugtong nito.
"Alam mo swerte ka nga e. Atleast sa loob nun wala kang dadanasing kahit ano. You'll live happily as the main character. Akala mo ba masayang mabuhay sa mundong ito? Nagkakamali ka, dahil sa mundong 'to, hindi mo padin kontrolado ang buhay mo. Anytime, anywhere maari kang mamatay. Lahat ng hindi mo nararasan sa mundo mo, ay mararanasan mo dito." Huminga ng malalim si Sean at itinuloy ang sinasabi niya.
"Betrayals? Pains? Loneliness?"....."ilan lang yan sa mga mararanasan mo, yes, may mga ganyan sa mundo natin but as you think, it's not that serious. It's just the author's plan. May mga sad endings pero may mga positive reasons kung bakit nagkaroon ng sad endings." He's right. Inisip ko rin ang pinakaunang librong napasukan ko, yes it's sad but there's a reason why at iyon ay dahil sa pagmamahal mo sa yong kaibigan.
"Alam mo bang sumisikat ngayon ang comic na ikaw dapat ang bida?"...."para sa tao, sapat na silang manirahan dito dahil gamay na nila ang mga sasalubungin nilang problema. Tanggap nila lahat ng patutunguhan nila. Pero ikaw? tayo? Mahihirapan tayo dito. Dahil hindi tayo kabilang sa kanila."
"Hindi ko ginustong mapunta dito Sheena. Pare-parehas kaming hindi ginusto ang mga nangyari samin."
"Think about Lovely, ano sa tingin mo ang nangyayari sa kaniya ngayon, gayong hindi niya alam kung nasaan siya?"
"Stop." Tumigil si Sean sa pagsasalita ng pahintuin siya ni Sheena, sa tingin ko ay naliwanagan na siya sa mga narinig niy mula kay Sean.
"I'm sorry. I'm really, really sorry." Iniyuko niya ang kaniyang sarili. She's crying. Inangatan niya ako ng tingin at inoffer ang kamay niya. Tumayo siya para makaharap siya ng maayos.
"Take this." She pointed at her wrist, kung saan naroon ang isang relo.
"Anong gagawin namin diyan?" Tanong ko.
"It's the magic watch. 'Yan ang ginamit ko para humanap ng papalitan ko ng buhay, yan din ang nakatulong sa'kin kung paano ako nakapunta dito." Paliwanag niya. Tumayo si Sean at tiningnan ang relong nasa kaniya.
Tinanggal niya ito at inaabot sakin.
"Anong gagawin namin dito? Anong gagawin namin para maligtas siya?" Tanong ni Sean.
"Puntahan niyo si Lovely. Kailangan niyo din makuha ang relo na nasa kaniya, sabay niyo siyang sirain."
"Makakaligtas siya.....at ako naman....mawawala." napalingon ako bigla sa sinabi niya.
"And are you willing to accept the other consequences?" Napalingon kami sa likod ni Sean ng may marinig kaming biglang magsalita. Pamilyar ang boses niya, pamilyar ito dahil parang nakausap ko na siya dati.
"Viticous?"
"Anong ibig-mong sabihin?" Hindi siya sumagot, ngumisi lang siya samin at bigla nalang siya nawala.
Kasabay ng pagkawala ni Viticous sya namang paglitaw nila Red, Steph at Bass sa harap namin.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Steph. Patakbong dumeretso sa'kin si Red at sinalubong ako ng yakap. He hugged me na parang hindi niya na ako papakawalan. Nararamdaman ko ang ang paghinga niya. He's worried.
"Are you ok?" He asked while still hugging me so tight. Binawian ko siya ng yakap at sinabi kong, "hmmm....don't worry. Nothing happens." Bumitaw siya mula sa pagkakayakap.
Nang makaharap siya sa'kin ay tumingin siya sa'kin, nginitian ko siya at ganun din siya.
"Stop making me worried, next time." Tumango ako sa sinabi niya. Nilingon naman nila si Sheena na nakatayo lang sa dulo ng kama.
Binalik nila ang attention samin atsaka kami tinanong ng, "Ano may nangyari ba dito?".
"She gave me this." Pinakita ko sa kanila ang hawak kong relo.
"Ano yan?" Tanong si Steph.
"Relo malamang." Singit ni Bass.
"Alam ko hindi ako bobo. Hindi yung iniisip mo ang gusto kong iparating." Inirapan ni Steph si Bass.
"Sabi niya, ito ang ginamit niya kung pano siya napunta dito at ganun ding napunta doon si Lovely." Paliwanag ko, "kailangan na nating mapuntahan si Lovely para makuha din ang relo sa kaniya. Makakaligtas siya pag nasira natin ang parehong relo pero...."
"Pero ano?" Takhang tanong ni Steph.
"Sheena won't exsist anymore..." nilingon ko si Sheena, nginitian niya ako.
"And Viticous came here. He warned me na may roon pang ibang consequences ang katumbas ng gagawin natin."
"Sheena....you must accept the consequences of the things you made." Sinabihan ni Steph si Sheena.
"I know...and I'm sorry." Napayuko nalang siya sa gilid. I felt bad but it doesn't change the fact that she messed up with my friend.
Sa ngayong iniisip ko ang sinabi ni Viticous na iba pang kapalit kapag naligtas na namin si Lovely.
"Sa tingin ko pinapanood lang tayo ni Viticous. He's happy while playing with us." Napailing si Red, "and now, alam ko na kung bakit nawala ang mga abilidad natin ng panandalian. It's Viticous. He did it." Napalingon ako sa sinabi niya.
"Nawala ang abilidad niyo?" Tumango si Steph at Bass. "Kaya pala, bumalik sa dating anyo si Sean at ako naman ay hindi ko mabasa ang isip ni Sheena." Sabi ko.
"Kailangan na nating makaalis." Tumango silang lahat sa'kin, nilingon ko muna si Sheena, sinalubong niya akong ngiti at maya-maya lang ay nakaalis na kami gamit ang abilidad ni Steph.
"Ayun si Lovely." Nakapasok kami ng comic at agad naming hinanap si Lovely. We found her but she didn't recognize us. Inisip ko nalang na siguro ay na apply niya ang character niya at nakalimutan lang panandalian na siya ang kaibigan namin.
"We'll save you." Nakatingin lang si Lovely sa'kin habang kinukuha ko ang relo niya. Pinagtapat ko ang relong hawak ko na galing kay Sheena, at ang relong kakakuha ko lang kay Lovely.
Kinuha ito sa'kin ni Red. Sabay nilang sinira ni Sean ang relo gamit ang mga paa nila.
And everything went white, nakalabas kami ng kusa sa comic at nakabalik sa kwarto ni Lovely.
Bumalik na sa maayos ang lahat, yakap-yakap ko si Lovely. Tinanggal ko siya mula sa pagkakayakap, at tiningnan ko siya. Tiningnan ko ang pwesto ni Sheena kung saan namin siya iniwan, she's gone.
"Are you ok? Lovely." Tanong ko. Tinanguan niya lang ako at nginitian. I see the tiredness on her eyes. I felt sorry. Hindi niya dapat naranasan ito.
"Sorry Lovely ha----" I was when Lovely fell on the floor. "She fainted!" Sean carried Lovely. Dumeretso siya palabas ng kwarto para madala namin siya sa hospital. Red holds my shoulder habang sinusundan namin si Sean na buhat-buhat ang walay malay na si Lovely.
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog habang hawak-hawak ang kamay ni Lovely. Tumingala ako para tingnan kung nagising na ba siya. She's still unconscious.
Napatingin ako sa pinto dahil may pumasok dito. Si Andy at Candy.
"Kamusta na si Lovely?" Tanong ni Andy.
"She's still unconscious. It's been 3 days, hindi padin siya gumigising." Sabi ko.
"Ano ba talagang nangyari sa kaniya?" Hindi ko masagot ang tanong ni Candy kaya napagdisisyunan kong umiwas nalang ng tingin nang sa gayon ay maiwasan ko ang tanong niya.
Umupo sila sa kabilang side ng bed ni Lovely.
"Nabalitaan mo na ba?" Ani Candy.
"Ang ano?" Curious na tanong ko.
"Namatay daw sa car accident yung gumawa ng sumisikat na comic book ngayon, nakakalungkot nga e." Nagulat akong bigla sa sinabi niya. Ito ba ang sinabi sa'kin ni Viticous na kapalit?
Napailing-iling ako, "Si Lovely nagising na!" Nabaling naman agad ang atensiyon ko kay Lovely.
"Lovely? I'm glad, you're awake." Inalalayan namin si Lovely na gustong umangat mula sa kaniyang pag-kakahiga.
Napaupo na kami sa aming mga kinaroroonan kanina at hinintay na magsalita si Lovely.
Nakakunot ang mga kilay niya at isa-isa niya kaming tiningnan, nilibot niya din ang paligid bago tingnan at pagmasdan ang sarili. Inangat niya ng bahagya ang mga kamay niya, tinitingnan niya ang mga ito.
Bumalik naman ang atensyon niya sa'min. Nagtataka na ko, hindi ko maintindihan kung anong ikinikilos niya.
"Nasaan ako?" Tumingin siya sa harap niya at, nilingon ako. Kasunod sa kanilang dalawa, "sino kayo?" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng marinig ko ang tanong niya.
Hindi niya na kami nakikilala.