Arra's POV
"Sino kayo?" nagtatakang tanong ni Lovely. Ito ba? Ito ba ang sinasabi ni Viticous na isa sa mga consequences na matatanggap namin gawa ng pagligtas namin sa kaniya?
Ganun din ba ang pagkamatay ng gumawa sa comic na pinanggalingan ni Sheena.
Unang kapalit ay mawawala si Sheena.
Pangalawa ay mamatay ang may likha.
Ngayon naman ito? Mawawala lahat ng alaala ni Lovely?
"Seryoso ka ba, Lovely?" Nakakunot ang mga noo nila Andy at Candy. Bakas ang pag-aalala at pagtataka saming mga mukha. We're worried about the condition of Lovely.
Isa-isa niya kaming tiningnan at nginitian, nagtaka naman ako bigla.
"It's a Prank!" Nailabas ko ang hangin ng pag-aalala ang ibig-sabihin ay napabuntong hininga ako, I feel relieved. Napayuko ako at napangiti. Tiningala ko siya tinapunan kunwari ng masamang tingin.
"Sira ka talaga, naniwala naman kami agad. Ikaw pa naman minsan lang magbiro at manloko jan, palagi ka kayang seryoso nako. Lovely pasalamat ka nakahilata ka diyan ngayon, kung hindi sinabununan na kita." Sermon ni Candy kay Lovely.
"Sa susunod wag kang magbibiro ng ganyan, aatakihin kami sa puso sayo e. Sa susunod din alagaan mo sarili mo para hindi ka nakakarating dito. Gusto mo ata kami pa mag-aalaga sayo, hindi kana baby Lovely." Dagdag niya pa.
Napatawa si Lovely. Natawa din ako at si Andy dahil sa asta ni Candy na akala mo ay nanay. Napailing-iling ako habang nakangiti. Tiningnan ko sila isa-isa, the three of them are smiling to each other.
Nalandas ang tingin ko kay Lovely, marami akong gustong sabihin sa kaniya, gusto kong mag-sorry dahil naranasan niya ang ganun. Gusto ko ding magpasalamat dahil ligtas na siya ngayon.
"Dami mo namang sinabi." Pailing na sabi ni Lovely kay Candy. Lovely looked on her wrist, parang may hinahanap siya.
"Nasaan ang relo ko? Nakita niyo ba?" Takhang tanong niya. Hindi niya alam na nasira na namin yun. Mas mabuti ng lahat kami ay wala ng relong dapat na isinusuot. Dahil maaaring hindi lang si Sheena ang gustong mabuhay dito sa mundo.
Yun ang unang napansin ko, sa aming apat si Lovely lang ang mayroom nun. Lagi kami sakaniya nagtatanong oras. Yes, her watch is just ordinary but that watch gives the informations about the owner to the one who holds a magic watch.
The informations that will gather in the watch will transfer to the magic watch and then that's the time that both of them will exchange their lives.
"Ok ka na ba pakiramdam mo Lovely?" Tanong ko. Tumango si Andy at Candy na sumasangayon sa tanong ko.
"Hmm." Tumango siya, she tilt her head a bit. "Paano nga pala ako napunta dito?" Binalik niya sa dati ang ulo niya pagkatapos niyang magtanong.
"You fainted, akala ko simple lang yun tapos inabot ka ng tatlong araw diyan. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" sabi ko. Hindi niya na dapat pang malaman ang nangyari sa kaniya.
Ang importante ay ligtas na siya.
"Hindi ko din alam, baka sa puyat? Minsan tatlong araw akong walang tulog." Sabi niya. Pinitik siya bigla ni Andy.
"Ayos ka ah, di ka ba tao? Wag mo ng gagawin yun ah." Tumango si Lovely at ngumiti.
"Ano bang ginagawa mo bakit ka ng pupuyat?" Tanong ni Candy.
"Nanonood ng series hehe." She faked her smile. Napatawa nalang ako, atleast sa palusot ko ay napaamin namin si Lovely sa mga maling paraan ng pamumuhay niya.
"Wag mong sasabihin sa'kin na di karin kumakain dahil sa kakapanood mo nayan." Tinaasan ng kilay ni Candy si Lovely. Umatras si Lovely papalayo kay Candy bago magsalita.
"Ganun na nga." Walang silbi ang pagatras ni Lovely, tumayo si Candy para paluin siya sa braso.
"Papatayin mo talaga sarili mo no?" Sermon nito.
"Nanay ba kita?"
"Hindi, kaibigan mo ko. Kaibigan mong nag-aalala sayo." She exclaimed. Yes, maybe we're not blood related pero magkakadugtong na kami. We're tied into each other.
May karapatan kaming mag worried kasi kaibigan niya kami. Para na kaming magpapamilya sa tagal-tagal na naming magkakaibigan.
"We're worried, Lovely. If you don't care about your health, but we cared. Alagaan mo naman ang sarili mo." Sabi ko.
"Sorry." Sabi niya.
"Nasaan nga pala ang parents ko?" Tanong niya.
"Binilin ka muna nila sa'kin, magtatrabaho pa daw sila." I answered.
Yumuko si Lovely at bulong niyang, "as always." Humugot niya ng malalim na buntong hininga bago siya tumingala ulit.
She smiled, but I know she's sad.
"Andy! Ayoko nga tumuloy!" Hinatak ako ni Andy papunta daw sa reopening ng Acting Club para daw sa mga gusto pang sumali.
"Ano ka ba! Makakatulong sa grades natin 'to. Ikaw 'yung nagsabi sa'kin na mag aacting club tayo ngayon naman ayaw mo!" Napailing nalang ako at sumuko na ako. Sumabay na ako sa kaniya sa paglalakad papunta sa venue ng Acting Club.
Ng makarating na kami ay hindi na nagdalawang isip ni Andy na buksan ang pinto. Nauna si Andy na pumasok at ako ay nasa likuran niya lang. Nakakahiya pero kaunti lang ang hiya ko nandito naman si Andy kasama ko.
Kinakawayan ni Andy lahat ng madadaan niya, grabe wala talagang kahiya-hiya. Napailing-iling nalang ako. Bawat nadadaan namin ay napapatingin samin, syempre bagong dating kami.
Maya-maya ay pantay na kami maglakad ni Andy. Huminto siya kaya napahinto narin ako.
"Diba kilala mo yun?" May tininuturo si Andy.
"Sino?" Sinundan ko ang kamay ni Andy at nalandas ito sa lalaki. Lalaking kilala ko ngang talaga.
"Yung gwapo." Dagdag ni Andy.
Nang makita ako ni Sean ay kinawayan niya ako, kasama niya si Ren.
Sean's POV
"Hoy! Sean!" Tinatawag ako ni Ren mula sa Bench na malapit dito sa tinatayuan ko. Naglalaro kasi ako ng football mag-isa.
Paulit-ulit ko itong pinapagoal sa net. Minsan nakakasablay pero mas lamang ang panalo.
Tumakbo ako papalapit ng net para kuhain ang bola atsaka doon ko nama pinaglaruan 'to. Pinapatalbog ko ito gamit ang tuhod.
"Sean!" Tawag parin ng tawag sa'kin si Ren pero hindi ko padin siya pinapansin. Wala, trip ko lang pagtripan siya. Sinipa ko ang bola pataas at agad itong sinalo, dali-dali kong binato ito kay Ren, buti nalang nasalo niya ito kaagad.
"Bakit ba ha?" Tanong ko. Nilapitan niya ako habang pinapaikot niya ang bola sa hinlalaki niya.
"Yung sa club, hindi ba tayo sasali? Mamaya na'yun. Last chance na natin, para rin yun sa grades oh." Sabi niya. Inilingan ko siya, ayoko sumali sa mga ganon. Sayang lang sa oras. Hindi pa ba sapat na football player na ako at the sametime nag-aaral.
Hindi ako gumagawa ng bagay na hindi ko gusto. Hindi ako adventurious na tao, hindi ako palasubok ng bagay na alam kong wala akong future.
"Pumunta ka mag-isa." Umalis ako sa harap niya, naglalakad ako papunta sa bench at kinuha ko ang bag ko, tumungi ako sa direksyong papunta sa Rest Room. Kailangan ko ng magpalit.
"Hoy! Hindi pwedeng hindi ka sumama!" Napailing ako, hinabol pa pala ako ng gago. Nilingon ko siyang papunta sa direksyon ko.
Dinilaan ko siya bago ako lumingon paharap at tumakbo. Palingon-lingon ako sa likod para tingnan kung naabutan ba ako no Ren.
Napailing nalang ako lalo pang binilisan ko naman lalo ang takbo ko, ang taong nakakasalubong ko nalang tuloy ang napapaiwas sa'kin imbis na sila ang iwasan ko.
Nang makarating ako ay sinaraduhan ko na siya agad ng pinto. Nilock ko ito. Napakibit balikat ako, dumeretso ako sa pangatlo cubicle at doon pumasok para makapag-bihis na.
Narinig kong kumakalabog ang pinto sa labas, nakarating na siya.
Habang nagbibihis ako ay naririnig kong sumisigaw si Ren sa labas.
"Sean! Buksan mo 'to!"
Natapos nalang ako sa pagbibihis ng uniform ko e kinakalabog parin niya ang pinto sa labas. Kinuha ko ang bag ko na laman ang hinubad kong damit.
Pinihit ko ang lock ng pinto para makalabas ako. Dumeretso ako sa harap ng salamin. Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang tubig sa gripo dito sa sink.
Katok parin ng katok si Ren sa Labas at panay "buksan mo ang pinto."
Inangat ko ang ulo ko. Kinuha ko ang reserve towel ko sa bag at pinunas 'yon sa mukha kong basa pati narin sa buhok kong nadamay sa paghihilamos.
Napatingin ako sa mukha ko sa salamin.
"How can I be this perfect?" Napailing ako at napatawa sa sinabi ko.
Inayos ko na ang gamit ko sa bag at sinabit na ito sa balikat ko. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan na ito.
Hindi na ko nagulat na marami palang naghihintay sa labas dahil nga nilock ko. They gave me way para makalabas. Saktong-saktong nakalagpas ako sa bulto ng mga lalaking naghihintay na matapos ako sa loob ay nakasalubong ko na bigla si Ren.
"Ano na tara?" Aya niya. Inilingan ko siya atsaka ulit nilagpasan. Naglakad ako na ako papalayo. Kaso biglang may naalala ako. Napahinto ako.
"Bakit ka huminto?" Tumabi siya kaliwa ko. Harap namin sa kalayuan ang field.
Naalala bigla yung time na nagkunwari akong si Andy, kaibigan ni Arra. Ibig-sabihin, may posibility na sumali siya ngayon sa acting club. Nilingon ko si Ren, tinaasan niya ako ng dalawang kilay na para bang hinihintay niyang may sasabihin ako.
"Tara na." Aya ko, since napuntahan ko na naman ang venue nang Acting Club ng una e, hindi ko kailangan pang alamin ang direksyon. Kahit pa nga pumikit ako, makakarating at makakarating ako dun.
"Payag ka na?" Tanong niya habang sinusundan niya ang mga hakbang ko.
"Hindi diyan papuntang Swimming Club." sabi niya na para bang minamali ang direksyong tinatahak ko. Nilingon ko siya tiningnan.
"At sinong nagsaming sa swimming club tayo?" Sabi ko. Inalis ko na agad ang tingin ko sa kaniya at finocus iyon sa harap.
"Ako, sa swimming club lang tayo may potential bro." Katwiran niya, napailing-iling ako.
"Nope." Maikling tugon ko.
"Eh, saan ba gusto mo?" Tanong niya.
"Acting Club." I answered.
"Acting? Kelan ka pa naging interesado sa pag-arte?" Tanong niya, nagkibit balikat nalang ako at hindi na sinagot ang tanong niya.
"Seryoso ka ba dito?" Tanong ko.
"Oo. Gusto mo akong sumali diba?" Pangongonsensiya ko. Kasalanan niya naman, panay siya pilit sa'kin.
"Oo na, Oo na." Napatawa nalang ako, kahit gusto niya sa swimming club e wala syang magawa. Hindi niya kayang mabuhay ng walang kasama. Ewan ko ba dito kay Ren, di na nawawala sa paningin ko.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang paligid, baka bigla siyang mahagip ng mata ko. Pero wala, wala akong nakita. Tumungo kami sa pinakalikod at duon naupo.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi padin ako mapakali, ewan ko ba.
"Tara na, ayoko na dito." Tumayo ako at nagpaplano ng umalis.
"Bakit nanaman? Nagbago isip mo? Sa swimming club na ba tayo? Kung ganun edi tara." Sabi niya.
"Hindi, ayoko dun. Ayoko kahit saan." Sabi ko.
"Ano ba naman yan, nandito na tayo, Sean." Hindi ko siya pinansin at hinakbang na ang isang paa ko. Ihahakbang ko nadin sana ang kaliwang paa ko kaso may nakita akong isang tao.
I smiled as I see her. Nakatingin siya sa'kin at dali-dali akong kumaway.
Lumapit ako sa kanila, Si Andy ang kasama niya. Ng makalapit ako sa kanila ay sinalubong ko sila ng ngiti.
"Hi, Sean." Bati sa'kin ng kaibigan niya. Nginitian ko muna siya bago ibaling ang atensyon ko kay Arra.
"Sasali din pala kayo dito?" Tanong ko. Tumango si Arra at ang kaibigan niya.
"Pinilit nga lang siya ako e." Turo niya kay Andy. Hindi ko napansin na nakahabol na pala si Ren sa tabi ko
"Huy, bakit ba ayaw mong----" siniko ko si Ren para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.
"Bakit ka----" napalingon ni Ren kila Arra kaya nahinto siya sa pagsasalita, "ahhh...." lumingon siya ulit sa'kin, "kaya pala." Tinulak ko siya ng bahagya gamit ang balikat ko.
"Tara dun tayo." Aya ko sa kanila para pumuna sa pinwestuhan namin kanina ni Ren, nauna akong pumunta sa upuan, naupo kaming apat sa magkakatabing 5 upuan. Naupo si Andy sa unahang upuan, kasunod naman si Arra at naupo naman ako sa tabi niya, sa pangapat naman si Ren at blanko ang panglimang upuan.
"Totoong kayo ni Red?" Hindi ko alam kung bakit bigla kong inopen ang topic na yan. Sarap patayin ng bibig ko, yan pa talaga unang lumabas.
"Hmm.." tumango siya at tumingin sa'kin. Nang malandas ang tingin niya sa'kin ay nginitian ko siya.
"Since when?" Tanong ko. I bit my lower lips ng hindi halata. Ano batong pinagtata-tanong ko.
"Simula nung nasa novel kami." Sagot niya.
"So, magkasama na pala talaga kayo?" I ask again.
"Oo, pero maraming taon din kaming hindi nagkita. After ma-ruin ang novel na pinanggalingan namin." Paliwanag niya.
"I wasn't aware before, nakaharap ko na siya pero hindi ko siya nakilala. I looked stupid. Thanks to Viticous, dahil sa kaniya naalala ko ang lahat. Nakakatawa, nagpasalamat pa talaga ako dun." Dagdag niya.
Napatango-tango nalang ako sa bawat salitang babanggitin niya, hindi din naman alam kung anong sasabihin ko o isasagot ko.
Napaangat kami ng tingin ng may tatlong magkakasama ang lumapit sa'min.
"Red? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Arra, tiningala ko siya. He's smiling. Wala siyang eye glass ngayon pero it doesn't look weird.
"Hindi mo suot salamin mo?" Tanong ni Arra.
Tumango siya at sinabing, "Ang weird ba?"
"Hindi, mas bagay sayo na....walang salamin." Arra smiled at him. Iniling ko ang ulo ko at binaling ang atensyon ko sa harap ko.
Why I felt weird?