Bass POV
"HOY MGA UNGGOY NANDITO AKO!" Sigaw ko sa mga ugok na kabarilan ko, sabay hagis ng bomba ko sa kanila. Hmmm....I like this character, we have the same vibe.
"Mga bobo ble!" Umalis na ako sa pwesto ko at lumipat, masyado pa kong maraming kalaban. Trust me Aki ma' frend, papatumbahin ko sila.
Aki ang pangalan ng Character na pinasukan ko, naging interesado akong pasukin 'to kasi kanina ang lupet niya habang pinapanood ko ito. Kaso ang hindi ko gusto ay namatay ang kaibigan niya rito dahil sa pagligtas nito kay Aki.
At ito na nga nagkita na kami ni Dew, ang kaniyang kaibigan. Maya-maya lang ay mamamatay na siya HAHA kakaawa naman.
Ang siraulo ko no? Pasensiya ganito talaga ako. I Love action movie kaya simula nung nadiscover ko na kaya ko palang maging character at makapasok sa iba't-ibang movie na gusto ay inisa-isa ko na sila. Ang saya saya kaya.
"Ok ka lang ba dito?" Tanong ni Dew habang nagmamasid-masid parin sa paligid.
"Oo naman, I killed them all." Pagmamayabang ko, hinipan ko ng parang kandila ang hawak kong pistol. Oh yeah pistol lang ang gamit ko pero napatumba ko na silang lahat.
"Using that?" Tanong ni Dew at tumango ako. Yung mukha niya parang hindi nag aagree, hindi naniniwala sa kakayahan ko at sa kakayahan ng kaibigan niya.
"May narinig lang naman akong sabog ng bomba kanina." Sabi niya habang umiiling-iling sabay tingin sa'kin. Aba'y ano naman kung gumamit ako ng bomba? Atleast I killed them all, walang labis walang kulang.
"Bakit anong problema mo sa bomba ko? Ha!" Sumbat ko habang nilalapit-layo ang ulo ko sa kaniya. Inaasar ko siya ginugulo.
"Wala na bang natira?" Tanong ni Dew. Nagkibit balikat nalang ako. Basta ako lahat napatay ko na. "Bakit wala ka ng kalaban Aki? Naduwag na ba sila sa'kin?" Tanong ko kay Aki gamit ang aking isip. Syempre hindi siya sasagot sa'kin kasi i'm him as of now. Pero lahat ng sasabihin ko sa labas ay siya padin ang may control.
But...I can change it if I want to, kaso hindi ako marunong manggulo, nakikiexperience na nga lang ako diba? Tapos guguluhin ko pa storya nito.
"Hoy ugok! Anong dinadaldal-daldal mo diyan?" I heard someone at my back. Nagtaka ako kasi wala naman akong sinasabi. Kinakausap ko lang naman ang sarili ko sa isip ko.
Nilingon ko sa likuhan para makita ko kung sino iyon. I'm just seing a girl holding a shot g*n na nakatutok sa amin ni Dew. Hinanda namin ang aming mga sarili, nasa likod ko si Dew at si Dew nasa likod niya din ako.
Ha? Anggulo, basta nagtatalikuran kami, yung parang super twins pag tapos na ritwal nila pagmagtatransform sila. Hindi ako bakla! Porke ba nanonood ng super twins bakla na? Syempre bata pa ako nung pinanood ko yun.
"Ang ganda ng papatay sayo Dew" nilingon ko si Dew. Syempre hindi ko sinabi yun sa kaniya, sa isip ko lang.
"Hoy! Bass masyado ka atang nageenjoy dito" sabi nung babaeng naglalakad papunta sa amin. She talks using her mind. Lagot na! Si Steph!
"Hala! Sorry Stephie hindi ko naman intensyong takasan ang thesis" nag-uusap kami ng hindi nalalaman ni Dew, syempre we can't use our mouth dahil magiging line iyon ng characters.
Walang sabi-sabi, I was about to shoot by Debiola, Steph's character pero hinarangan ako ni Dew. Hinarap niya na ang kaniyang kamatayan. Bad for you and I'm so sad for you Aki huhu.
"Dew?!Dew!?" Napadapa ako dahil yun ang kailangan kong gawin umiyak-iyak ako na pang Oscars ang datingan. So this is the end of this scene but I decided not to go on the other scene dahil nandito si Steph. Lagot na talaga ako.
Makakapagusap na kami ng maayos dahil nasa black scene na kami. Tumayo ako at tumingin sa kaniya, halatang galit na galit siya.
"Hindi ko alam na magiging mamamatay tao ako dito dahil sayo Bass!" Sigaw sa'kin ni Steph habang nanggagalaiti ang mga mata niya. Grabe siya! Hindi ko naman talaga intention na takasan siya hehe nakalimutan ko lang na may group thesis pala kami ngayon, pasensiya tao lang nageenjoy sa pinapanood.
"Tara na! Lumabas na tayo dito!" Ika ni Steph.
"Ayoko nga, nag-eenjoy pa kaya ako, punta na ako sunod na scene ah" sabi ko habang pinapaikot-ikot itong b***l na hawak ko.
"Subukan mo! Babarilin kita gamit tong hawak ko nang hindi ka na makabalik sa totoong mundo!" Pananakot nito.
"Chill! Binibiro lang naman kita, eto na eto na" pangpakalmang sabi ko sa kaniya. Binitawan ko ang b***l na hawak ko at lumapit sa kaniya, nakakatakot padin mukha niya dagdag mo pang nasa ibang katawan siya, maya-maya lang ay baka mapatay na ako nito.
Bago pa kami umalis someone approach us. Me and Steph look into each other. Nagtaka kami kasi bakit may tao pa e nasa black scene na kami. Dapat kami lang ni Steph maiiwan dito.
"Who are you?" Steph ask. Hindi siya sumagot, akala namin ay hihinto siya sa harap namin pero nilagpasan niya lang kami.
"Is he like us?" Steph ask to me. Nagkibit balikat ako sabay sunod ng tingin dun sa lalaki. He looks like searching for something.
"Hoy! Pare anong hinahanap mo?" Sigaw ko. Buti at nilingon niya ako. Mukha siyang bigong nilapitan kami, bigo siya dahil baka hindi niya nahanap ang hinahanap niya.
"Did you see someone here?" He ask. Umiling kami.
"Sigurado kayo? Wala kayong nakita? She's the same height as you" he pointed at Steph. Oh so babae pala ang hinahanap niya.
"No, we didn't see anyone here. Dahil sa ngayon hindi kami nag-expect na nakakita kami ng tao dito" sabi ni Steph.
"Oo nga, paano ka nga ba napunta dito? Sino ka? Alam mo ba kung nasaan tayo?" Singit ko.
"Aba! medyo naging matalino ka diyan sa tanong mo Bass ah" puri sakin ni Steph. Aba'y hindi lang ako medyo matalino, napakatalino pa.
"Sus, It's me Bass!" Sabi ko, wala ng mas coo-cool pa sa akin, kahit pa ang lalaking ito na nasa harap namin. Aaminin ko, mukha siyang matalino dahil sa eye glass niya at may itsura din pero syempre he's only 50% kung itatapat siya sa akin.
"Kung wala naman kayong masasagot sa'kin, mabuti pang makakaalis na ako. Marami pa akong pupuntahan." Sagot nito, ang suplado naman ng kupal na to.
"Sandali!" Pinahinto ni Steph itong si Suplado, hindi ko alam kung anong itatawag diyan di pa kasi nagpapakilala samin.
"What?!" He asked with a high tone. Biretera boy? Tignan mo talaga napakasuplado tss.
"How may we help you?" Tanong ni Steph. Kinalibit ko siya at sinenyasan na bakit niya tinatanong ng ganun etong si suplado.
"Bakit mo pa aalukin ng tulong yan, di naman natin yan kilala!" Bulong ko sa kaniya.
"Ano ka ba! He needs help. Kahit na hindi niya sabihin alam kong he badly needs help." Katwiran niya, kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo kay Steph. Tinanguan ko nalang siya at binalik ang tingin sa lalaki.
"Are you sure? Tutulungan niyo ako?" Seryosong tanong niya. Alam mo yung mukha niya ngayon? Parang bigla siyang nagkaroon ng pag-asa.
"Yes we're sure." Sagot ni Steph. Wala akong ganap dito kundi taga tango nalang.
"Thank you." Nagpasalamat siya samin at yumuko. May hinahawakan siyang kung ano tapos tinitigan niya yun ng tinititigan. It's a ring.
"Anong hawak mo?" Tanong ko, agad niya naman itong tinago sa bulsa niya. Nagtaka naman ako bigla.
"So what's your name?" Steph ask him. Hindi pa nga pala namin alam pangalan niya.
"I'm Red." Pagpapakilala niya.
"Pinaglihi ka ba sa kulay pula na angry bird pre? kasi parehas kayong suplado at masungit na laging galit." Tanong ko. Agad naman akong binatukan ni Steph. Totoo naman ih, akala mo laging siya yung angry bird na pula, sobrang suplado.
"Bakit mo ko binatukan nagtatanong lang naman ako!" Reklamo ko.
"Manahimik ka nalang kasi diyan gaya ng kanina ok?" Utos niya. Sinunod ko nalang baka mamaya hindi nalang batok matanggap ko.
"So you can also do this? Being a character in a movie?" Tanong ni Steph.
"Hmmm...." tumango siya. "Pero ang kaibahan pumapasok ako ng ako" paliwanag niya. Medyo magulo.
"Ok wait....so you mean, ikaw yan? Wala ka sa ibang katawan?" Ika ni Steph. Yung ulo ko nahihilo na kakapalit-palit ng tingin sa kanila.
Tumango lang siya. We both looked shock. May mga katulad pa pala namin ni Steph. Akala ko kami lang. Ang dating ay may mas matindi pa pala at ang galing. Pero ayoko nun, magiging watcher lang ako. Gusto ko ako yung character.
"Hoy Bass gumising ka na diyan!" Binatukan ako ni Steph, nagising tuloy ako sa mahimbing na pagkakatulog ko sa desk ko. Napanaginipan ko nanaman kung paano namin nakilala si Red. Ganun ba siya kaimportante?
"Bakit ba?" Sagot ko. Bumulong bulong ako, nagagalit ako kasi inistorbo yung pagtulog kaso pag-angat ko ng ulo ko nasa harap ko pala yung terror naming proffesor. Paktay!