Bass POV
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kila Steph at Red na busy sa paghahanap habang hawak yung mga flashlights nila. Hindi nila ako pinapansin sa likuran. Ang dilim-dilim kaya.
Pasukin ba naman namin itong gubat dahil lang sa sinasabi nilang pills na kailangan namin. Ano kami iiwas sa pagbubuntis kaya kailangan uminom pills?
"Para san ba kasi yung pills nayun? Para di tayo mabuntis?" Tanong ko, gulat ako ng bigla nila akong parehong nilingon. May mali sa tinanong ko?
"Gago ka ba? Para lang ba sa buntis ang pills?" Binatukan nila akong pareho at napakamot nalang akp. Bakit totoo naman ah.
"Sorry po." Nanahimik nalang ako at nanatiling nasa likuran nila. Nilibot ko ng tingin ang paligid, wala akong nakikita kundi mga nagsisitaasang puno, hindi ko na nga halos makita ang langit e.
"Aray!" Hindi ko na napansin na huminto pala sila kaya ayun nabangga ako sa kanila at buti nalang nakabalanse agad ako, matutumba sana ako sa baba pero syempre dahil cool ako naiwasan kong matumba.
"Bakit kayo huminto?" Hindi nila ako sinagot kaya tiningnan ko nalang kung ano yung tinitingnan nila. Isang kubo, nakakatakot kasi parang haunted. May mga ilaw ito pero parang napupundi-pundi na. Nakita ko silang naglalakad na papunta doon kaya hinabol ko.
"Seryoso papasok tayo jan?" Tanong ko. Baka magbago pa isip nila at bumalik kami, hindi ko nagugustuhan ang ganito. Hindi ako takot ah!
"Oo. Bakit naduduwag ka?"
"Ako? Duwag? Ha.ha. nagpapatawa ka ba?" Sabihan ba naman ako ng duwag ni Steph. Never akong natakot sa tanan ng buhay ko. Hindi nila ako masusubukan.
"Hala! Ano yun?!" Napatalon ako sa gulat at napunta sa harapan nila. Tinulak nila ako papalapit sa kubo.
"Hindi ka pala takot ah."
"Hindi naman talaga! Ginulat mo lang ako." Sabi ko. Totoo naman e, nagulat lang talaga ako.
"Ok then, go first." Singit ni Red.
"Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Mauuna?" Lumingon ako sa kubo at nakaramdam bigla ng takot. Hindi ako takot! Hindi yun takot, kaba lang yun kaba.
Tumango silang pareho. "Seryoso?" Baka magbago pa isip nila. "Pwede namang sabay tayo e." Umiling-iling silang dalawa. Mukhang hindi ko na mapapabago pa ang isip nila. Tumango nalang ako at ibinalik nalang ang tingin sa Kubo.
Dahan-dahan akong naglakad habang iniilaw-ilawan ng flashlight ko ang aking paligid. Nangagatog ang tuhod ko dahil nakakata----hindi nakakakaba lang. Syempre baka mamaya may masamang tao pala na nakatira dito.
Huminto ako at nilingon silang nakasunod sa'kin, huminto din sila.
"Hindi na talaga magbabago isip niyo?" Umiling sila.
"Sure?" Tumango sila. "Talagang-talaga?" Tumango ulit sila. "Final answer?" Hinintay ko magreresponse sila kahit tango pero wala, hudyat ito ng pagbabago!---------s**t!
"Bakit naninipa!" Napasandal ako sa gate na kahoy ng kubo, mukhang hindi nga nagbago ang isip nila.
"Pasok." Tinuro ko ulit sarili ko. Ako nanaman ang pinapauna, ang sama talaga ng ugali nitong dalawang 'to. Dahan-dahan kong binuksan ang gate at nauna ng pumasok, wala na akong nagawa kundi sundin nalang sila.
Naglakad na ako papalapit sa mismong kubo habang sila ay nakasunod sa likod. Kahit pala di ko gusto trato nila sakin ginawa nila akong cool. Diba? Saming tatlo parang ako yung leader at sila ang alalay ko.
"Shittttt!" Nagulat ako ng bigla may lumipad na ibon sa mukha ko. Medyo nakakasira ng mood yun ah.
Tumuloy ako at ngayon binubuksan ko na ang pinto. Kala ko mahihirapan ako, hindi pala. Tinulak ko lang ito ng mabuksan na ay pumasok na ako. Kasunod sila. Ngayon ay parepreho naming tinitingnan ang loob ng kubo.
Ngayon nila naman ang naunang maglibot at ako ay susunod nalang. Syempre may time din na nagpaparaya ang leader. Hindi naman palagi leader ang gagawa, nandito ako para ilead sila.
"Nalibot na natin lahat, pero wala naman tayong nakita." Sabi ni Steph.
"Sabi ko naman sa inyo, ayaw niyo makinig sa'kin." Sabi ko. Kasi naman kanina ko pa sila inaayanh umatras na dahil wala naman talaga kaming makukuha dito. Nasandal ako bigla sa kung ano. Kaya nilingon ko ito. Cabinet. Nacurious ako bigla ng may nakita akong picture frama akong nakita na ang picture ay rose.
Balak ko sanang kunin para tingnan kaso hindi ko makuha, inikot ko ito at--------what the f^ck!
"Ok ka lang jan!" Sumagit ang balakang ko sa pagkakalaglag ko nayun ah! Pinilit kong tumayo. Ang sakit kasi gumulong ako sa hagdan. Teka may hagdan?
"Look." Tiningala ko sila Red. Nagulat sila ng nakita nilang may hagdan at nandito ako sa baba. Tiningnan ko ang paligid ikinamangha kung anong meron. Malawak na library.
"Tingnan niyo dito." Sinenyasan ko silang bumaba para tingnan ang nakikita ko ngayon.
"Ang galing mo Bass!" Ginulo ni Steph ang buhok na kinainis ko pero dahil pinuri niya ako, kaya hindi nalang ako maiinis. Syempre ako ang nakadiskubre na my hidden library pala dito.
Naghiwahiwalay kami para libutin, napakalawak mukhang mas lalo kaming mahihirapan dahil hahanapin namib dito ang hinahanap namin malamang. Napansin kong hindi lang pala mga libro ang nandito, pati mga komiks, at movie cds ay meron din. Napakacool.
"Maghiwa-hiwalay tayo." Utos ni Red. Tumango ako at naghanap na. Anong title ulit ng libro nayun. 'Find me, You need me.' Title parang nagpapahanap na. Tapos kailangan talaga namin siya dahil ayon kay Red naroon daw sa loob ang hinahanap namin.
"Nakita ko na!" Rinig kong sigaw ni Steph kaya tumakbo ako papunta kung naroroon si Steph. Sinundan ko kung saan nanggaling ang boses niya kaya ayun sabay naming nakita ni Red si Steph. Nakita namin siyang nakaakyat sa hagdan at nasa pinakatuktok siya.
Siraulo itong babaeng ito ipapahamak pa ang sarili, umakyat siya ng walang umaalalay sa kaniya. Sabay naming pinuntahan si Steph ni Bass at inalalayan ang hagdan para ligtas siyang makababa.
"Bakit wala kang tinawag samin? Ipapahamak mo talaga ang sarili mo?" Sermon ko, paano kung mapahamak siya. Mapapahamak siya ng wala siyang kahit na sino sa tabi niya.
"Ok, I'm sorry. Nakababa naman ako ng ligtas. Sorry."
"Wag mo nalang ulit uulitin." Sabi ni Bass.
"Wag na wag." Sabi ko habang tinititigan ko siya ng masama. Nakakainis lang kasi dalawa kaming lalaki dito tapos di man lang niya kami tawagin.
"Wag ka na magalit. Di naman kita Jowa." Sabi ni Steph sabay tawa. Aba may gana pang tumawa matapos niyang ipahamak ang sarili niya.
"Stop being worried boyfriend Bass, gawin na natin ang ipinunta natin dito." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Boyfriend daw? Ako papatulan ko si Steph? Hell no.
Sabay-sabay naming pinasok ang mundo ng librong ito. Idilat ko ang mata ko at nasa ibang lugar na kami. Hindi ko alam kung sino ako at kung anong itsura ko. Tiningnan ko sina Red at Steph. Nakilala ko agad si Red dahil hindi naman nagbabago ang itsura niya. Si Steph....ppppfffff HAHAHAHAHHAHAHAHAH
"Steph? Ikaw yan? hahahahhahahahaha ano yang itsura mo?" Tawang-tawa ako dahil kung ipapaliwanag ko ay nakakatawa naman talaga ang itsura niya. Isa siyang babae na mala bob marley ang buhok at gusgusin, para siyang mamalimos HAHAHHAHAHAHA
"WOW. Coming from you." Nagtago ng tawa sina Red at Steph. Bakit ano bang itsura. Tiningnan ko ang sarili nagulat ako ng makita kong may malaki akong tiyan. At hindi ko napansing mas malaki pa pala ang mga tao sakin sa paligid ko.
"Oo na, so ano na gagawin natin?" Pagiiba ko ng usapan.
"Kailangan natin puntahan ang taong nagngangalang Wai Xi Qou." Sagot ni Red. Sa tono ng pagkakabanggit ni Red ay parang pangalan ito ng chinese.
"Chinese?" Tanong ko.
"Oo. Pero nakakaintindi siya ng tagalog." Sagot ni Steph.
"Hala, pano niyo nalaman?" Tanong ko. Grabe 'Tong dalawang 'to, napakaming alam. Ah basta napanatag ako dahil marunong siya ng tagalog at nakakaintindi, ayoko maging chinese ng wala sa oras. Kahit mga Ingles e ayoko padin.
"Anong kailangan niyo?" Tanong nung lalaking kalbo na nakatalikod at nakaupo. Nakaharap siya sa Budha at parang may ipinapanalangin.
"Ikaw p----" tinakpan ni Steph ang bunganga ko, sasabihin dapat 'ikaw po.' Pero naudlot dahil sa kaniya, may mali ba dun?
"Manahimik ka nalang muna ok?" Bulong ni Steph. Tumango ako.
"Hayaan muna natin si Red kung anong plano niya, paano niya makukumbinsi itong si Wai Xi Qou na ibigay satin ang Nengli Yaowu." Bulong niya ulit. Umalis si Red at pinuntahan si Wai Xi Qou.
"Ano yung Nengli Yaowu?" Tanong ko.
"Ability Medicine." She said. Tumango-tango ako. So hindi pala talaga para sa pagpigil sa pagbubuntis haha.
Bumalik si Red ng parang hindi nahirapan sa pagkukumbinsi, may dala siyang parang baul na maliit, siguro nandun yung sinasabi nilang pills.
"Wow. Ganun kabilis?" Manghang sabi ko.
"Tara na." Sabi ni Red at umalis na kami. Nagbow muna kami kay Wai Xi Qou bilang pamamaalam, bumalik kami sa totoong kinaroroonan namin, syempre mundo ng mga tae. Este tao pala.
"Ano na ulit gagawin natin pagtapos nating makuha yan?" Tanong ko ulit.
"Here." May inabot siya saking bilong na parang itlog ng butiki ewww... na galing dun sa baul na maliit.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"Eat it." Sabi niya.
"Ako nanaman una, dapat sabay baka mamaya may lason 'to ako pa unang mamatay." Syempre mahirap na, gagawin pa nila akong experemental thing ano. Pag namatay ako sila makakaligtas, dapat sabay-sabay kami.
"K fine." Sabay-sabay naming isinubo ang itlog ng butiki. Biro lang, ano ba tawag dito? Nengli what? Basta yun na yun.
"Ano na nangyari?" Nagtaka naman ako, wala naman nangyari pagtapos naming makain yung Nengli.
"Steph try it." Steph snap her finger and then bwalahhh nasa labas na kami ng gubat. What?! Like, wow.
"Pano mo naman?!" Tanong ko, kakainom niya lang ay alam niya agad kung anong ability niya, ako hindi ko alam.
Tinaas naman ni Red ang dalawa niyang kamay at tinapat niyang pareho samin. Yung kanan niyang kamay sakin nakatapat, yung kaliwa niya naman nakay Steph.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa lapag.
"Anong nangyari?"
"Find it yourself." Sabi niya, sungit naman neto, tinatanong lang kung anong ginawa niya.
"I made you freeze then push you there." Sabi niya.
"Hala kaya pala di ko alam kung anong nangyari, ang galing." Hanga ko. Umiling-iling lang si Red habang tumatawa.
"Eh ano yung akin?" Nagkibit balikat silang dalawa and then Steph snap her finger at ngayon nakauwi na ako sa condo ko.
"Hala ang daya! Yung sa'kin hindi ko alam." Napaupo ako sa kama ko at natulala ng sandali. Naisip ko na maglaro nalang ng PSP para makalimutan ang ka unfairan ng mundo.
Wait hindi ko mahanap yung PSP ko. San ko kaya yun nilagay. Sinubukan kong hanapin kung saan-saan, pero hindi ko mahanap. Naupo ako desk at sinubukan kong isipin at alalahanin. Ipinikit ko ang aking mata.
Parang flash na bigla umilaw ang memorya ko at nakikita kung saan naroroon ang PSP ko. Nasa ilalim ng Ref.
Pinuntahan ko agad ang Ref at dinukot sa ilalim ang PSP.
"Thanks God, your safe." Hinalikhalikan ko ang PSP ko at bumalik sa kama para maglaro. Pero bago pa ko makapagsimulang maglaro paano ko agad naalala kung nasaan yung PSP ko ng ganun kabilis at napipicture pa ng malinaw ng isip ko kung nasaan ito?
"Baka ayun yung.....teka subukan ko ulit." Sinubukan ko ulit ipikit ang mata ko at isipin ang kwintas ko na matagal ko ng hinahanap. At ayun nahanap ko, sa bag ni Steph? Bakit nasa bag si Steph?
"Ang galing!" s**t ang cool ko na.
(NOTE: This is just a flashback kung paano sila nagkaroon ng ability, baka kasi malito kaya I made this.)
Red's POV
"Red..." Arra called my name and look in my eyes. Parang may gusto siyang sabihin. Hindi ko lang matanto kung ano yun.
"Naaalala ko na...."
"Ang ano?"
"Ang lahat. Tungkol sa ating dalawa." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagulat ako, hindi ko akalain. Hindi na ko nagisip pa at inakap ulit siya. Hindi ako makapaniwala. Akala ko matatagalan pa.
"Paano...paano mo naalala?" Tanong ko. "Kahit wag mo na sagutin ang importante alam kong kilala at naalala mo na ako." Sabi ko.
"Habang nandun ako, naalala ko nalang bigla ang lahat. Pero...hindi ko maintindihan bakit tayo naghiwalay?" Sabi niya.
"I don't even know Arra, hindi ko alam kung papaano pero alam ko kung sino ang dahilan."
"Sino?" Bumitaw siya sa pagyakap sakin at ihinarap ang curious niyang itsura.
"Viticous." Sagot. She's not even shock. Dahil alam niya na sigurong masamang tao ang lalaking 'yun. Nilagay niya nanaman sa panganib ang mga taong mahalaga sa paligid. Hindi ko na nga alam kung bakit niya iyon ginagawa.
"Ano bang problema niya satin? Bakit lagi siyang naggugulo?" Tanong niya.
"Yun ang gusto naming malaman Arra. Gusto naming malaman kung bakit siya nagkakaganun, dahil we still believe that Viticous can change." Paliwanag ko.
"Maaring may nangyari lang na trahedya sa kaniya na lalong nagpalala sa galit ng puso niya." Dugtong ko. Tumatango-tango siya sa'kin.
"Tulad ko, may dahilan kung bakit hindi kita naalala at dahil yun kay Viticous. Kaya pwedeng may dahilan din kung bakit mahilig siyang manggulo." Ika ni Arra.
"Wag na nating pag-usapan yan. Ihahatid na kita sa pinto niyo para makapagpahinga ka na." Sabi ko. Dahil inabot na kami ng gabi, inabot ako ng gabi sa paghahanap.
"Paano mo ako nahanap?" Tanong ni Arra.
(("Viticous?! Hello!" Binabaan ako ng tawag ni Viticous. Hindi ako mapakali kaya tumakbo ako ulit para maghanap.
Pinuntahan ko ang bahay na alam kong tinitirhan ni Arra nung magkasama pa kami. Since our world is the same as here, sinubukan kong hanapin ang kapareho nito dito.
Nakarating ako pero sa tingin ko ay walang tao. Kaya sinubukan kong magtanong-tanong.
"Jan po ba nakatira ang Pamilya Sentevilla?" Tanong ko sa lalaking nakasalubong ko.
"Alam ko oo pero matagal na silang nakaalis diyan, nakaalis na siguro." Sabi niya. Nawalan ako ng pagasa pero hindi ako susuko sa paghahanap. Dahil ang makapunta lang sa bahay nila ang paraan kung paano ko siya mahahanap.
Dahil maaring nandun ang sagot, ang paraan kung paano ko siya mapupuntahan. Kaya naisipan ko ng tawagan si Bass para hingin ang tulong niya. Para ilocate kung saan ang bagong bahay ni Arra.
"Hello Smart Boss. How may I help you?"
"Help me."
"Anong pwede kong gawin para makatulong mahal na kamahalan."
"Hindi ako tumawag para makipagbiruan Bass, I badly really needs your help."
"Oo nga, kaya nga anong kailangan kong gawin?"
"Locate Arra's house."
"Ok, I'll try my best."
"678 Block 34, Drill St. Sentevilla's Household."
"Thank you."
Binaba ko ang Cellphone at tumakbo ba na para puntahan ang adresa na sinabi sa'kin ni Bass. Palapit ako ng bakuran ng may nakita akong lalaking nagsusunog ng kung ano.
Inakyat ko ang pader ng mabilis para tingnan.
"Viticous?!" Nilingo niya ako at bago pa siya maglaho, nginisian niya ako habang iwinawagay-way ang librong hawak niya na kalahating sunog na.
Nawala siya naiwan ang libro sa lapag. Hindi nako nag-isip dahil alam kung nandun si Arra at maaraming nasa panganib na ang buhay niya, at kahit na delikado ay sinubukan kong pasukin ito. Kaya ko pa siyang iligtas dahil may kalati pang natitira.
As I enter, I see Arra facing his death pero hindi ako papayag agad ko siyang pinuntahan at yinakap siya. I freeze the surroundings. And then bring her back to the real world.))
"Take this." Kinuha ko ang singsing na matagal ko ng itinago para sa kaniya. Kinuha ko ang kamay niya at isinuot ko ulit ito sa kaniya.
"I miss you." I really really miss her. I kiss her forehead bago ko siya ihatid papasok sa bahay nila.
Kinawayan niya ako bago siya pumasok sa loob. Napanatag na ako, tapos na. Tapos na ang matagal na maghahanap ko.
Arra's POV
"Uy Arra! anong club na ang sasalihan mo?" Nagising ako sa boses ni Andy. Kulang ako sa tulog dahil sa sobrang dami ng nangyari kagabi. Nginitian ko si Andy.
"Acting Club." Sagot ko sabay balik sa pagyuko. Gusto ko umidlip kahit saglit lang.
"Seyroso ka?"
"Hmmmm...."
"Hala ka, ayoko magartista."
"Edi wag ka sumama sa'kin." Mahinang sabi ko.
"Charot lang, ano ka ba. Sabi ko nga sayo kahit san ka magpunta nandun ako. Gusto mo pakasal pa tayo e" inangatan ko ng ulo si Andy dahil sa pinagsasabi-sabi niya. Nababaliw na siya.
"Kadiri!eeww.." nagkunwari akong parang nasusuka. Tapos tinanawanan siya, tinawanan niya nalang din ako.
"Oh, nanjan na para si Mr. Dream Boy." Napalingon ako sa pinto na papasok siya. Sinalubong niya ako ng ngiti, nginitian ko rin siya.
"Ahhhkkk, may langgam hala! Umuulan ng langgam!" Nilingon ko sila Andy at Candy na umaaktong parang mas kinikilig pa kesa sa akin.
"Sana all, nginingitian. Natatapakan ko na buhok mo ko. Humaba bigla yang midlength mong buhok! Taray!"
"Ulanin sana talaga kayo ng langgam jan!"
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kanang kamay ko. Kaya nilingon ko ito para tingnan kung sino.
"Red." Tinulungan niya ako tumayo, hindi ko alam kung anong plano niya at saan niya ako dadalhin.
Hinatak niya ako palabas ng classroom at pinunta sa field.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay bumaba siya ng tingin at parang kay kinuha mula sa bulsa niya.
Hindi ko maaninag kung ano iyon dahil hindi ko makita, siguro maliit lang ang kinuha niya.
"Eat this." Inabot niya ang parang maliit na batong hindi ko malaman kung ano. Kulay puti ito.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Nengli Yaowu..."