Maxine Point of View
Matapos namin kumain, nagpahinga muna ako sa sala habang sila daddy at ate Eva ay kumakain ng dessert sa dining area.
Si ate Brittany at mommy naman ay parehong nagbabasa ng libro, si ate Brittany ay action ang binabasa habang si mommy ay novela.
Biglang nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag.
"Hello."
"Hi Bessyy!!"
Nilayo ko agad yung phone ko sa tenga ko dahil baka mabasag ang aking ear drums dahil lang sa boses ni Cris.
"Why are you call?"
"Girls night out tayo, nandito na kami sa bar, kasama si Annie."
"Okay."
Pinatay ko na ang linya at tumayo. Hindi na ko nagpaalam dahil alam ko naman na hindi sila magre-response.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at dumeretso sa dressing room ko. Kumuha ako ng dress na fitted na kulay black then sinuot ko.
Kumuha din ako ng maliit na pouch na kulay itim rin, nilagay ko sa pouch ang aking mga card at cash tsaka cellphone.
→Fast Forward←
Sumulyap ako sa orasan at nakita kong eight fifty na ng gabi kaya kinuha ko na ang aking pouch at susi ng kotse.
Bumaba na ko at nadatnan ko si mommy at si ate Brittany, nadatnan ko din si ate Eva at daddy na naglalaro ng chess.
Naramdaman ata ni ate Eva na may nakatingin sa kanya kaya naman napatingin ito sa gawi ko.
Biglang kumunot ang noo nya. "Bat naka-ganyan ka sis?"
Dahil sa tanong ni ate Eva ay napatingin tuloy silang lahat sakin.
"Where are you going?" Walang emesyong tanong ni Mommy.
"Girls night out po." Magalang kong sagot.
"Gusto mo bang ipahatid kita sa driver natin?" Tanong ni Daddy sabay ngiti.
"Wag na dad, ako na pong bahala." Nakangiti kong sambit.
"Okay anak." Tugon ni dad.
"Take care kapatid." Sabi ni ate Eva.
Tumango ako. "Alis na po ako."
Lumabas na ko ng mansion, actually hindi ito mansion, kung ibabase para itong palasyo.
Madaming guards at tahimik ang paligid. Sumakay na ko sa aking kotse at pinaandar na patungo sa bar.
Annie Point of View
Nandito ako sa bar, nang makaalis kanina kasi yung pinsan ko sa condo ko, saktong tumawag si Cris at niyaya akong uminom at wala naman ako sa mood, kaya naman pumayag nalang ako.
Nasa labas ako ng bar dahil hinihintay ko na dumating si Max, niyaya rin kasi sya ni Cris.
Si Cris Reyes ay isang beki or gay pero kahit ganyan yan mahal na mahal namin yan ni Max.
Tuwing nag-aaway kami ni Max, siya lang ang natatakbuhan ko. Yung mga kapatid ko naman kasi hindi ko matakbuhan and lagi rin naman busy ang mga siblings ko.
"Annie!"
Lumingon ako sa gawi ng tumawag sakin.
"Max, bat ngayon kalang?" Masungit kong tanong.
Imbes na sagutin ako, ang ginawa nya ay kinurot ang tungki ng aking nose. "Aray!"
"Sorry." Sabay peace nya.
Sasapakin ko sana sya sa mukha kaso bigla nyang hinila ang kamay ko at pumasok kami sa bar na magka-hawak ang kamay.
"Hi guys!" Bati nya kila Cris at Kim.
"Hi Max." Tumayo si Kim at humalik sa pisngi ni Max.
Hinila ako ni Max paupo sa couch tsaka nya binitawan ang aking kamay. Sinalinan nya ang dalawang baso ng alak at inabot sakin ang isang baso.
Hirap na hirap akong naglalakad palabas ng bar habang akay-akay si Maxine.
Hyst! Bat kasi nagpaka-lasing sya? Nag pass out tuloy sya.
Binuksan nung bouncer yung pinto ng kotse ko at tinulungan akong ipasok sa shotgun seat si Max.
"Thanks." Inabutan ko yung bouncer ng limang libo. "Babalikan namin bukas yung kotse, paki-bantayan mabuti."
"Yes ma'am."
"Good."
Sinara ko na ang pinto ng shotgun seat at umikot para sumakay sa driver seat. Kinabitan ko ng seatbelt si Max at ako bago pinaandar ang kotse patungo sa bahay nila Max.
→Fast Forward←
After minutes of driving nakarating nadin kami sa harap ng bahay nila. Bumusina ako ng saglit para buksan ng guard ang gate.
Alam naman nila ang itsura ng kotse at plate number ko kaya binuksan agad nila ang gate ng bahay.
Pinaandar ko na papasok at huminto kami mismo sa harap ng pinto. Tinanggal ko ang aking seatbelt at lumabas ng sasakyan.
Saktong pagbukas ko ng shotgun seat, biglang may lumabas na yaya. Tinulungan nya kong dalin si Max sa loob, nilapag namin sya sa couch.
Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Tita na pababa habang seryosong nakatingin samin.
"Hi tita."
"Bat ngayon lang kayo?" Tanong nya ng makababa sya nang tuluyan.
"Sorry tita, medyo napasarap po kasi." Pagpapa-umanhin ko.
Tumingin sya sa Yaya. "Kayong dalawa, iakyat nyo na si Maxine." Tumingin naman sya sakin ulit. "Dito kana matulog, tabihan mo si Max saka delikado na sa daan."
"Opo tita."
Umakyat na ulit si tita. "Ako ng bahala kay Maxine, matulog na kayo."
Inakay ko na si Maxine at umakyat na kami. Pagpasok namin sa kwarto nya, agad ko syang pinahiga sa kama.
"Hmm . . . Ann . . ."
Pumasok ako sa bathroom nya, kumuha ako ng towel at nilagyan yung malaking bowl na maligamgam na tubig.
Binalikan ko sya at nilapag yung bowl sa side table nya. Kinuha ko ang towel at binabad sa tubig na maligamgam then pinunas ko sa mukha ni Max.
Hmm . . . Ang ganda nya, pero mas maganda ako. Hyst! Tagal narin pala naming mag-bestfriend, since elementary mag-bestfriend na kami.
Yung parents ko at parents nya kasi ay magka-business partner.
Nang matapos kong punasan ang mukha at leeg nya, sinimulan ko naman hubarin ang dress nyang suot at pinunasan ang katawan nya.
Syempre yung dress lang hinubad ko, hindi ko hinubad yung underwear at bra nya, mamaya pag-bintangan pa nya kong ni-r**e ko sya.
Maxine Point of View
Hmm . . . Ang bango naman ng unan ko. "Hmm . . "
Wow! Nagsasalita yung unan ko——teka! Dahan-dahan akong nagmulat at laking gulat ko ng bumungad sakin ang pagmumukha ni Annie.
Ohmyy!!! Tinignan ko ang ilalim ng kumot at nakita kong nakadamit naman si Annie, pero ako ay naka-bra at underwear lang.
Nalaglag ako sa kama dahil sa gulat. "Aray!"
Nakita kong nagising si Annie at nang makita ako ay agad akong tinulungan para makatayo.
"Anong ginagawa mo sa lapag?" Natatawa nyang tanong.
"Nalaglag ako, sira!"
"May masakit ba sayo?" Tanong nya pero tumatawa parin.
"Bat naka-hubad ako?" Kunot noong tanong ko at hinila ang kumot para takpan ang katawan ko.
"Ni-r**e kita." Sinamaan ko sya ng tingin. "Joke, pinunasan kasi kita."
"Tsk!"
Naglakad ako patungo sa bathroom habang takip-takip ang kumot sa katawan ko.
→Fast Forward←
Paglabas ko ng bathroom wala na akong naabutan na tao sa kwarto ko. Nasan na yun?
Dumeretso ako sa dressing room ko, kinuha ko sa closet yung uniform ko at sinuot, nagsuot narin ako ng ibang accessories at inayos ang aking buhok.
Bumaba na ko at nadatnan ko sa sala si Annie, kausap si ate Eva habang si mommy ay nanonood ng tahimik at katabi si ate Brittany.
Tinignan ko ang malaki namin na wall clock at nakita kong maaga pa, kaya naman pala nandito pa si mommy at ate Brittany.
"Morning." Walang gana kong bati sa kanila at naupo sa tabi ni Annie.
Sakit kasi ng ulo ko eh, hangover.
"Sakit ulo mo?" Nakangising tanong ni ate Eva.
Sinimangutan ko lang sya at inutusan yung yaya namin na itimpla ako ng kape.
••••••••••••••••••••••••••••