CHAPTER 3

1153 Words
Someone's Point of View "Pa'no ba yan? Kailangan na silang ikasal." Sabi ko. "Oo nga, magiging mag kumpare narin tayo." Masayang sabi nya. "Itutuloy nya paba yan kahit alam nyong magagalit ang anak natin satin?" Singit ng aking asawa. Tumingin ako sa aking asawa. "Honey para rin naman sa kanila 'toh tsaka alam mo naman na bata pa lamang sila ay sila na talaga ang dapat magpakasal." "Bahala kayo." Maxine Point of View Nang magbell agad nagsilabasan ang mga kaklase namin ni Annie. "Max kain tayo sa labas." "Ayoko, uuwi na ko." "Bilis na." "Ayaw." Bumuntong hininga ito. "Kung ayaw mo, sa condo ko nalang tayo kumain ng dinner. Please?" "Cge pero ipaalam mo ko kila daddy." "Cge, tawagan ko lang si tito." Lumabas na ito ng classroom habang ako ay pinagpatuloy na ang pag-aayos ng gamit ko. Pag-tapos ko mag-ayos, lumabas narin ako ng classroom. "Okay na." Hinila nya na ko patungo sa parking lot. "Kunin muna natin yung car ko." Sabi ko habang naglalakad kami. "Cge." →Fast Forward← Dumeretso na kami sa condo nya pag-tapos namin kunin ang aking kotse. "Magluluto muna ako." Naupo muna ako sa couch at binuksan ang TV nya gamit ang remote na nakalapag sa center table. *RING!*RING!*RING!* Sinagot ko ang tawag. "Hi couz! Nasan ka?" Si Jamie lang pala. "Nasa condo ni Annie." "Sayang." "Bakit?" "Wala, cge babye na. Labyu!" Namatay na ang linya. Tinabi ko ang cellphone at naghanap ng pwedeng panoorin sa TV ni Annie. Maya't-maya tinawag na ko ni Annie at sinabing luto na ang ulam. →Fast Forward← Kanina habang kumakain kami, biglang bumuhos ang malakas na ulan at nine thirty na pero hindi parin tumitila. Hyst! Pa'no ako makakauwi? "Max." Lumingon ako. "Hmm?" "Tumawag si tito Lance at sinabi na dito kana daw matulog, tutal wala naman daw pasok bukas." "Okay, san ako matutulog?" "Sa kwarto, tabi tayo." Tumango nalang ako. Maya't-maya nakaramdam na ko ng antok kaya pinatay ko na ang TV at pumasok sa loob ng kwarto ni Annie. Nadatnan ko syang nakahiga habang nagce-cellphone. "Oh Max?" "May extra toothbrush ka?" "Yes, nasa loob ng CR." "Salamat." Pumasok ako sa bathroom ng kwarto nya at nagsipilyo, pag tapos ay nag half bath ako. Annie Point of View Maaga akong nagising at umuulan parin. Hmm . . Mukhang may bagyo. *DING!DONG!*DING!DONG!* Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang main door. "Tito? Dad?" "Goodmorning hija." Bati ni tito Lance. Anong ginagawa nila rito? "Morning dad, tito. Pasok kayo." Sabi ko at niluwagan ang pinto para makapasok sila. Pag pasok nila, sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanila. "Dad nakauwi kana pala, hindi ka man lang nagsabi." Naupo ako sa kabilang couch. "Hija kakauwi ko lang din kahapon and marami pa kong ginawa na paper works kaya hindi kita nasabihan." Sabi ni Daddy. "Hindi mo kasama si mom?" Takang tanong ko. "Kasama pero ako lang umuwi kahapon ng bahay, ang mama mo ay nagpaiwan sa office." Tugon ni Daddy. "Ah okay. Bat nga po pala kayo naparito ni tito Lance?" Tanong ko. "May sasabihin sana kami sa inyo ni Max." Sabi ni tito Lance. "Ano po yun?" Tanong ko. "Dad?" Napalingon kami sa pinto ng kwarto. "Goodmorning Max." Bati ko. "Goodmorning hija." Bati ni daddy. "Goodmorning rin po tito John." Bati ni Max. "Halika hija, tumabi ka kay Annie at may sasabihin kami sa inyo." Utos ni tito Lance kay Max. Umusog ako ng unti para makaupo si Maxine. "Ano po yung sasabihin nyo?" Magalang na tanong ni Max. Bumuntong hininga muna ang daddy ni Maxine bago nagsalita. "Kailangan nyo magpakasal." Maxine Point of View "HAHAHAH! Daddy ang aga aga nagbibiro ka." Natigil ako sa pagtawa ng tignan ako ni daddy ng seryoso. "Seryoso ako, Max." "Pero why?" Tanong ko at sandaling sumulyap kay Annie na tulala. "Bata pa lamang kayo, pinagkasundo na namin kayo Maxine." Sabi ni tito John. "Pero daddy, babae kami pareho." Singit ni Annie. Buti naman, akala ko hindi sya makikialam eh. Oo mahal ko sya higit pa sa pagkakaibigan, pero hindi ko pinangarap na ikasal kaming dalawa na sapilitan. Ang pinangarap ko ay ikasal kami pero mahal namin ang isa't-isa. "Basta, sa ayaw at sa gusto nyo magpapakasal kayo." Seryosong sabi ni tito John at tumayo. "Next week na ang kasal nyo." Sabi ni daddy Lance and tumayo narin. "Aalis na kami, marami pa kaming gagawin." Lumabas na silang dalawa at naiwan kami ni Annie na tulala. Hyst! Kasal talaga? Hindi ko ine-expect na hahantong kami sa ganito na problema ni Annie. Ano ba yan! Masaya na ko sa pagkakaibigan namin eh. →Fast Forward← Walang gana akong pumasok sa loob ng bahay at bumungad agad sakin ang mukha ni mommy na seryosong nakatingin sakin. Ganun din si ate Brittany. Si ate Eva naman ay kita ko sa mata nya ang awa. Nakakainis!!! "Goodafternoon po." Walang gana kong bati at umakyat na. Pag pasok ko sa kwarto, agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Feeling ko sobra ang pagod ko, samantalang wala naman akong ginawa. Annie Point of View Pag alis ni Maxine, nagbihis agad ako pumunta sa bahay. Wala akong nadatnan na tao. Hyst! Tuwing bibisita ako rito, lagi nalang wala akong naaabutan na kapatid. "Good Afternoon ma'am." Bati sakin ng isang katulong. "Wala yung mga kapatid ko?" Tanong ko at naupo sa couch. "Ma'am kakaalis lang po, kasama yung mga kaibigan nila." Sabi nito. "Okay, cge bumalik ka na sa trabaho mo." Utos ko at binuksan ang TV gamit ang remote. Maya't maya lumapit sakin ang isang katulong. "Ma'am nandyan po si sr. Gerald." "Papasukin mo." "Couz!" Yumakap agad sakin si Gerald at kinurot ang pisngi ko. "Aray!" "Sorry pinsan, cute mo kasi eh." Umupo ito sa kabilang couch. "Pinsan ikakasal kana pala ha, hindi ka man lang nagsabi." "Sinabi sayo ni daddy?" "Oo, galing ako sa office ng daddy mo eh." "Tsk! Gerald tulungan mo naman ako, please?" "Cge ba pinsan, anong tulong ba?" Napangisi naman ako. "Tulungan mo naman akong kumbinsihin si daddy na wag na akong ipakasal kay Maxine." Bigla naman lumungkot ang mukha ni Gerald. "Sorry couz pero hindi ko pwede gawin yun." Automatic na kumunot ang noo ko. "Bakit naman?" "Basta couz tsaka kasal lang naman yun eh." "What?! Kasal yun, Gerald. Hindi biro yun." "Alam ko pero couz diba may lihim na pag-tingin ka naman kay Max?" "Siraulo!" Sabay bato ng tissue kay Gerald. "Bestfriend ko lang si Max." "Sus! Aminin muna couz, hindi masama ang umamin." Tinignan ko sya ng masama. "Hindi nakakatuwa, Gerald." "Fine. Kung ako sayo, sundin muna lang ang gusto ni tito John." Napairap nalang ako. Goddd! Wala talaga syang masabi na maganda. Pinatay ko ang TV at padabog na umakyat sa aking kwarto. Pagpasok ko sa loob, agad akong pumasok sa CR at niready ang bath tub. •••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD