CHAPTER 4

943 Words
Annie Point of View Alam na lahat ng kaibigan at pamilya namin ang tungkol sa kasal namin ni Max, halos lahat ng kaibigan ko natuwa samantalang kami ni Max ay hindi na alam ang gagawin. Nung isang araw nagmakaawa ako kay daddy pero hindi sya pumayag at sinabi na itatakwil nya ko kapag hindi ko pinakasalan si Max. Kinausap din ni Maxine si tito Lance pero ganun din ang sinabi ni tito Lance kay Maxine. Gusto ko man humingi ng tulong kay mommy pero alam kong hindi rin yun papayag, lalo na at wala naman makakapigil sa desisyon ni daddy. Hyst! Wala na talaga atang pag-asa na, siguro maayos din namin 'toh ni Max kapag naka-graduate na kami. "Sorry Annie. Kinausap ko na rin si mommy pero katulad ng sinabi ni daddy, ganun din ang sinabi sakin ng mommy ko." Malungkot na saad ni Max. "Okay lang, Max. Siguro sundin nalang natin sila, wala rin naman tayong choice eh." Sambit ko. Napabuntong hininga sya. "Bahala na. Cge aalis na ko, Annie." "Mag-iingat ka, Max." Tumango lang sya at sumakay na sa kanyang kotse at pinasibad na paalis. "Annie!" Lumingon ako sa tumawag sakin. "Cornmie?" "Hi bes." Humalik ito sa pisngi ko. "Bat nandito ka sa library? Bat mag-isa ka? Hindi mo kasama si Max?" Sunod-sunod nitong tanong. "Nakita mo ba si Max?" Pamimilosopo ko. "Pilosopo mo naman, kala mo maganda ka. Chaka mo!" "Che! Wag ka maingay, baka pagalitan tayo ng librarian." Sita ko. Sumulyap sya sa orasan nya. "Ay bes, una na ko. Magsisimula na class ko eh, babye." Tumakbo na ito palabas habang ako ay pinagpatuloy na ang pagbabasa ng komiks. Maxine Point of View Hyst! Wala na talaga, kailangan ko talaga syang pakasalan. Mahal na mahal ko sya pero ayaw kong maipit sya sa ganitong problema. Kawawa naman ang aking bestfriend s***h mahal. "Hay na ko couz! Ang hina mo talaga, ito na yung chance para umamin ka ng nararamdaman mo sa kanya." Sambit ng aking pinsan na si Jamie. "Baliw! Wala akong balak na umamin sa kanya tsaka straight kaya sya." Sabi ko. Masakit man pero kailangan kong tanggapin dahil yun ang katotohanan, straight sya at hindi ako mamahalin higit pa sa pagkakaibigan. Sakit. "Cge na pinsan, aalis na ko. Marami pa akong gagawin eh." Pagkaalis ng pinsan ko, agad kong binayaran ang bill na kinain namin at lumabas na. Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar patungo sa bahay. After minutes of driving nakarating na rin ako sa bahay, pinark ko sa garahe ang kotse at pumasok sa loob ng bahay. "Hi." Bati ko ng makita ko si ate Eva. "Hi sis, wala kang klase?" Tanong nya. "Wala na." Sagot ko at naupo sa couch. *RING!*RING!*RING!* Dinukot ko sa bulsa ang aking phone at tinignan ang caller id. Si Kim pala. "Hi Max!" "Hello Kim." "Nasan ka?" "Bahay, bakit?" "Labas tayo." "Ah . . . May gagawin pa akong project eh." "Ah okay, cge next time nalang." "Okay, babye." Pinatay ko na ang linya at muling binulsa ang phone. "Sino yun?" "Si Kim, ate." "Ah okay." Tumayo ito. "Aalis muna ako, may pupuntahan lang ako pakisabi kay daddy kapag dumating na." "Cge." Humalik muna ito sa pisngi ko bago lumabas ng bahay. Binuksan ko naman ang flat screen TV namin at nanood ng romantic movie. →Fast Forward← Nang sumapit ang ala syete, nag datingan na sila mommy at ate Brittany, kasabay si daddy Lance. "Hi hija." Bati ni daddy. Si ate Brittany at mommy ay dumeretso upo sa couch. "Hello dad." Umupo si daddy Lance sa tabi ni mommy Rebecca. "How's your day?" "Okay naman dad." "Nga pala hija pag tapos ng kasal nyo ni Annie, didiretso kayo sa Paris para mag honeymoon." Muntik na kong matawa sa sinabi ni dad, buti nalang napigilan ko. "Yes dad." "Bat nga pala nauna ka samin umuwi?" Tanong ni daddy. Si mommy at ate ay tahimik lang na nakikinig. "Maaga po natapos class ko." "Hija malapit na pala ang laban mo noh, kelan nga ulit yun?" "Sa september 20 po." "Galingan mo hija, wag papatalo.", "Yes dad." Sa mga hindi nakakaalam, ako ay isang taekwondo player at three time mvp champion. Annie Point of View Pagkarating ko sa bahay, agad kong dinial ang number ng aking kapatid na si Loisa. "Hello kapatid!" "Ate Loisa, nasan ka?" "Nasa bahay ng kaibigan ko, bakit?" "Wala, cge bye na." Pinatay ko na ang linya. Hyst! Sayang, gusto ko pa naman sya sana makausap. Hmm . . . Wala talagang time sakin ang mga kapatid ko. Buti pa si Max laging nasa tabi ko at hindi man lang ako iniwan kahit sobrang baliw ako. WHAHAHAHAH!!! Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina, nagsimula ako magluto ng makakain ko. →Fast Forward← Habang kumakain ako, biglang may nag door bell. Sino naman kaya 'toh? Tumayo ako at binuksan ang main door. Bumungad sakin ang isang delivery boy. "Good evening ma'am Annie, may nagpapabigay po sa inyo." Sabi nung lalaki at inabot sakin ang isang boquet flower. "Sure ka? Sakin 'to pinabibigay?" "Opo." Magalang nitong sagot.. "Kanino 'toh galing? Pwede ko ba malaman ang kanyang pangalan?" "Sorry po ma'am. Hindi nya po kasi sinabi yung pangalan nya eh, basta sabi nya ibigay ko daw po yung flower sa inyo." "Ah okay. Cge salamat." Tumango ito at umalis na. Sinara ko ang pinto at pinatong sa center table ang flower. Muli kong pinagpatuloy ang aking kinakain at pag tapos, isa-isa kong nilagay ang bulaklak sa vase. •••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD