Maxine Point of View
Hyst! Ito na talaga, wala ng atrasan. Dahan dahan binuksan ang pinto at bumungad sakin ang magandang mukha ng babae.
Naglakad sya patungo sa kinaroroonan ko habang nakasabit ang kanyang kamay sa ama na si Tito John.
"Hija ingatan mo ang aking anak." Sabi ni tito John nang makalapit sila sakin.
Tumango lang ako at kinuha ang kamay ni Annie, sinukbit ko ang kamay nya sa aking braso.
Sabay kaming naglakad patungo sa harap ng isang pari. "Magsisimula na tayo pero bago tayo magsimula, may itatanong lamang ako . . . May tutol ba sa kasal na ito?"
Napapikit ako ng mariin. Damn it! Sana may tumutol. Wala akong narinig na isang salita kaya maya't maya nagsimula na ang kasal.
→Fast Forward←
Nang matapos ang kasal, dumeretso kami sa isang restaurant dito sa america.
Nandito lahat ng kamag-anak namin ni Annie sa america, pati ang mga kaibigan namin.
Dito kasi sa america legal ang same s*x marriage. Isa pa kapag nag divorce kami, madali nalang.
"Congrats Anak." Bati ni mommy.
Hmm . . . Himala hindi sya cold ngayon, parang may sumapi sa kanya. Pero seryoso pa rin ang mukha, yun nga lang hindi na cold ang kanyang boses.
"Congrats sister." Bati rin ni ate Brittany pero seryoso ang mukha.
Siguro nung pinanganak si ate Brittany, seryoso na talaga ang kanyang mukha.
Ngumiti lang ako at naglakad na patungo kay Annie. Umupo ako sa tabi nya at nginitian ang kanyang mga pinsan.
"Hi Max." Bati ni Gerald.
"Long time no see, Max." Sabi ni Hazel.
"Tagal rin natin hindi nagkita, Hazel, Gerald. Last atang kita natin nung fourteen birthday ko pa." Sabi ko.
"Oo nga at nakakalungkot dahil ngayon nalang tayo nagkita, kasal mo pa." Sabay pout ni Hazel. "Ingatan mo yang pinsan ko Max ha."
Sasagot sana ako pero biglang lumapit sakin ang isang bodyguard ni daddy Lance.
"Ma'am Maxine, may naghahanap po sa inyo sa labas."
"Sino?" Tanong ni Annie.
"Hindi ko po alam ang pangalan pero lalaki po sya."
"Okay." Tumingin ako kay Annie. "Lalabasin ko lang yung lalaki."
Tumayo ako at naglakad patungo sa labas ng restaurant.
Sino naman kaya maghahanap sakin? Sa pagkakaalam ko wala naman may kilala sakin dito sa america.
Paglabas ko nakita ko agad ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng isang kotse pero hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha dahil nakatalikod sya.
"Hey!" Tawag ko sa lalaki.
Humarap ito sakin at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ito. "Lei?!"
"Hi." Sabay kaway nito.
Dinamba ko agad ito ng yakap. "Grabe namiss kita Lei." Bulong ko habang nakayakap sa kanya.
"I miss you too." Niyakap nya ko pabalik.
Humiwalay ako ar hinawakan ang mukha nya. "Grabe Lei! Namiss talaga kita."
"Ahahahah!" Biglang sumeryoso ang mukha nya. "Pero nakakatampo ka, hindi ka man lang nagsabi na ikakasal kana."
"Wait, kanino mo nalaman na andito ako tsaka paano mo nalaman na ikinasal na ko?" Takang tanong ko.
"Kanino paba? Edi kay Cris." Sagot nito.
"Ang daldal talaga ng bakla na yun. Tara sa loob para makita mo si daddy at mommy." Aya ko.
"Wag na, may gagawin pa ko eh. Kita nalang tayo sa susunod, ito number ko." Sabi nito at inabot sakin ang isang calling card.
"Okay, cge ingat ka." Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.
Tumango lang ito at pumasok na sa kanyang kotse at pinasibad na paalis. Si Lei ay boy bestfriend ko, halos dalawang taon din kaming hindi nagkita at ngayon nalang ulit kami nagkita.
Hindi ko alam kung bakit sila umalis ng kanyang magulang pero kahit papaano nung umalis sya, nagpatuloy parin naman ang friendship namin.
Annie Point of View
Kunot noong nakatingin ako sa glass window habang nakayakap si Maxine sa isang lalaki.
Tsk! Sino ba yung lalaki na yun?
"Ehem! Ehem! May nagseselos." Parinig ni Hazel kaya binato ko sya ng tissue.
"Hindi ako nagseselos." Kunot noong sambit ko.
"Easy couz, wala naman akong binabanggit na pangalan eh." Sabi ni Hazel.
"So nagseselos ka nga?" Asar ni Gerald.
"Hindi nga." Inis kong sabi.
"Eh bakit naka-kunot yang noo mo?" Nakangising tanong ni Hazel.
Bakit nga ba? Tumayo ako at pumunta sa restroom. Humarap ako sa salamin at naghugas ng pagmumukha.
Hyst! Bakit nga ba ko naiinis?
Humalik muna ako sa pisngi ng aking mother bago pumasok sa loob ng private plane ni tito Lance.
Lilipad na kami patungo ni Maxine sa Paris para mag honeymoon. Pero uuwi din kami agad, siguro mga 3 days lang kami sa Paris, malapit narin kasi yung exam.
"Max." Tawag ko sa kanya ng makita ko syang kausap ang isang Stewardess.
Lumingon sya sa gawi ko. "Bakit?"
"Where's my room?" Tanong ko.
May tatlong kwarto kasi itong eroplano na ito, hindi kalakihan ang kwarto pero kasya ang tatlong tao sa isang kwarto.
"Dun ka sa una, ako sa pangalawa." Sagot nito at muling kinausap ang stewardess.
Napairap nalang ako at pumunta sa unang kwarto. Pumasok ako dun at nilagay ko sa gilid ang maleta, binagsak ko agad ang aking katawan sa malambot na kama.
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Pasok!"
"Annie?"
Nagmulat ako. "Bakit, Max?"
Naupo ito sa gilid ng kama. "Can we talk?"
"About?" Tanong ko at nag-indian sit.
"Sinabi na ba sayo ni tito John na sayo na ko titira pagbalik natin sa Philippines?"
"Oo, may problema ba?" Nag-aalala kong tanong.
"Wala naman, kaso baka makaistorbo ako sayo. Alam muna . . . Kailangan mo ng privacy kaya nagdesisyon akong bumili nalang ng condo sa building nyo."
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Max. "No Max, wag ka ng bumili. Besides wala rin akong kasama sa condo at ilang taon na kong bored doon, kaya mas mabuti kung sasamahan mo ko."
"Eh baka . . . " Hindi ko na sya pinatapos magsalita. "Whether you like it or not sa condo kita titira."
"Okay." Sabay ngiti nya.
"Dito kana lang din kaya Max sa kwarto para may kasama ako, bored kapag mag-isa eh."
"Okay wait lang, kukunin ko lang maleta ko na nasa labas." Sambit nya at lumabas.
Bumalik din sya at may dala na syang maleta, tinabi nya yung maleta nya sa maleta ko at nahiga sa aking tabi.
Nahiga rin ako at naglaro ng candy crush sa cellphone. Maya't-maya naramdaman ko ng umaandar ang eroplano.
Tinabi ko sa gilid ang cellphone at napansin kong nakapikit si Maxine habang hawak ang kanyang cellphone.
Hmm . . Mukhang nakatulog na sya. Dahan dahan kong kinuha sa kamay nya ang cellphone at tinabi rin sa gilid.
Umayos na ko nang higa at niyakap si Maxine sabay pikit ng ang aking mata.
→Fast Forward←
Naramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat pero hindi ko yun pinansin.
"Hmm . . " Ungol ko.
"Hey mag-lalanding na yung eroplano, gising na, Annie." Rinig kong sabi ni Maxine kaya dahan-dahan akong nag indian sit habang nakapikit.
Maxine Point of View
Nakapikit pa si Annie kaya naman ako na ang nagkabit ng seatbelt nya, kinabitan ko narin ang aking sarili.
Nang maramdaman kong pababa na ang eroplano, nakita kong nanlaki ang mata ni Annie kaya natawa ako.
→Fast Forward←
Nandito na kami sa bahay nila Annie, may bahay sila rito sa Paris. Kami naman ay may bahay sa Canada at sa Korea.
"Goodevening ma'am Annie at ma'am Maxine." Bati samin ng mga Yaya nang makita kami papasok.
"Goodevening." Bati ni Annie habang ako'y ngumiti lamang.
Lumapit samin ang isang matanda, siguro mga nasa 60s. "Annie isa lang ang kwarto na nalinis namin, pwede naman siguro kayo magtabi diba?"
"Cge manang. Okay lang." Sagot ni Annie.
"Oh sya cge umakyat na kayo at ipapatawag ko nalang kayo kapag luto na ang ulam." Sabi ng matanda.
Hinila na ko paakyat ni Annie at pumasok kami sa isang kwarto na malaki. Kulay Gold ang kulay ng kwarto na ito at maraming mga naka-display na mamahaling gamit.
"Kwarto mo 'toh?"
"Yeah, ganda noh?"
"Medyo." Naupo ako sa couch.
"Magbibihis lang ako." Paalam nya at pumasok sa isang pinto.
I think ayun ang bathroom. Nilabas ko ang cellphone ko at nag-selfie. Maya't maya narinig kong bumukas na ang pinto.
"Maxine magpalit kana." Utos ni Annie.
Tumayo ako at kumuha ng damit sa maleta ko. Pagkakuha ko pumasok agad ako sa bathroom at nagbihis.
•••••••••••••••••••••••••••••••