Maxine Point of View
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Annie may kumakatok."
Tumayo sya at binuksan ang pinto ng kwarto. "Hija luto na ang ulam, tawagin muna ang iyong asawa para makakain na kayo."
Rinig kong sabi ng isang matanda.
I think ayun yung matanda na kumausap kay Annie kanina. Bumalik si Annie sa kama.
"Maxine mauna kana kumain, susunod nalang ako."
"Mamaya nalang din ako kakain, hihintayin nalang kita."
Tumingin ito sakin. "Mauna kana, baka gutom kana."
"Mamaya na, sabay nalang tayo tutal hindi pa naman ako gutom." Sambit ko at tumalikod ng higa sa kanya.
Wala akong narinig na salita sa kanya kaya pinikit ko nalang ang aking mata.
→Fast Forward←
Nagising ako nang maramdaman kong may nakatitig sakin at ramdam ko ang paghinga nya.
Bahagya akong dumilat at nakita kong nakatitig sakin si Annie, nakalapit pa ang mukha nya.
Dumilat na ko ng todo at nanlaki ang mata nito, natawa naman ako. "HAHAHAHAH! What are you doing?"
"W-wala." Umayos ito ng upo. "Kakain na tayo ng dinner, let's go." Nagmamadali itong lumabas ng kwarto.
Hmm . . . Nevermind!
Tumayo ako at inayos muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako at dumeretso sa dining room.
Annie Point of View
Nagmamadali akong bumaba ng kwarto at pag dating ko sa dining area, pansin kong pawis ako.
"Hija bat pawis na pawis ka?" Tanong ni manang nang makita ako.
"Wala po." Umupo ako sa chair.
Nilagyan ng kanin ni manang ang plate ko. "Nasan ang asawa mo, hija?"
"Pababa na po." Saad ko.
Nilagyan ko ang kanin ng ulam then nagsimula na ko kumain. Maya't maya dumating narin si Maxine at Nakatali ito ng pusod kaya kitang kita ang batok nyang maputi.
Napalunok naman ako at napatitig sa batok nya. "Hey, bat nakatingin ka sakin?"
Natauhan ako ng magsalita sya, agad akong umiwas ng tingin. "Sorry." Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
→Fast Forward←
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Maxine. Pumunta ako sa bathroom at ginawa ang morning rituals ko.
Pag tapos ko gawin, nagbihis ako ng short na pambahay at sando. Syempre nagsuot ako ng under garments.
Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko nadatnan ko ang isang katulong na nagwawalis.
"Have you seen Max?"
"Yes ms. Annie, she was in the pool."
"Thank you."
Pumunta ako sa likod ng mansyon na bahay na 'to dahil doon ang pool area. Saktong paglabas ko, saktong pag ahon ni Maxine at kitang kita ko ang katawan nya.
Gossshhhh!! Naka swimsuit sya at sobrang sexy nya. Babaliko na ata ako. Oh noo! Hindi pwede.
Sinampal ko ang sarili ko. "Hindi pwede, bestfriend ko sya." Bulong ko sa aking sarili. "Straight ako." Muli kong sabi sa aking sarili.
"Goodmorning bestfriend."
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Maxine. Mula sa mukha nya bumaba ang aking paningin hanggang sa bandang tyan nya.
Nakita kong may tumutulo pang tubig at isa lang ang masasabi ko. SOBRANG HOT NYA!
"Hey!" Natauhan ako ng iwave nya ang kanyang palad sa aking mukha.
Maxine Point of View
Niwave ko ang palad ko sa harap ng mukha ni Annie dahil tulala sya. May sakit ba sya? Kagabi pa syang balisa ha.
"T-tapos k-kana mag-swimming?" Nauutal nyang tanong.
"Nope." Sabi ko at muling lumusong sa tubig.
Langoy lang ako ng langoy. Maya't maya umahon narin ako at nakita kong nakaupo sa gilid si Annie habang nakatitig sa lupa.
I think may problema sya kaya siguro sya balisa. Hmm . . . Mamaya ko nalang sya kakausapin.
Kinuha ko sa upuan ang robe at sinuot sa aking katawa. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto para makapag banlaw at makapag bihis.
Dalawang araw na kami ni Annie rito sa Paris at bukas ay uuwi na kami, nakapagpa-book na rin ako ng flight namin pauwi dahil ayaw ni Annie sumakay kami sa private plane.
"Hey Max, naayos muna yung gamit mo?"
"Yeah, bakit?"
"Wala." Saad nya at tumalikod na.
Hanggang ngayon hindi ko parin sya nakakausap, pero mukhang ayos na sya. Hindi na sya balisa.
Ginawa ko na ang night rituals ko and nagsimula na ko matulog.
→Fast Forward←
Nauna akong magising kesa kay Annie kaya naman ako na ang gumising sa kanya.
"Hey, wake up."
"Hmm . . . Five minutes." Husky nyang sabi sabay pout. Ang cute talaga nang mahal ko.
"Kilos na, Annie. Malelate tayo sa flight natin." Sabi ko at muli syang tinapik pero this time ay medyo malakas na.
Tumalikod na ko at pumunta sa dressing room para makapagbihis na. Nagsuot lang ako ng simpleng denim shorts at white t-shirt, nagsuot din ako ng black nike shoes.
Pinusod ko ang aking buhok at nag spray ng pabango, naglagay narin ako ng hikaw at kwintas.
Annie Point of View
Nakangiti ako habang nakatingi kay Maxine na nag-aayos ng sarili. Ang cute talaga ng asawa——este bestfriend ko pala.
"Annie."
Natauhan ako ng tawagin ako ni Maxine at wala sa sariling napatingin ako sa kanya.
"Maligo kana, bilisan mo."
Tumango ako at dali-daling pumasok sa loob ng bathroom.
→Fast Forward←
Maayos kaming nakarating sa pilipinas ni Maxine at sinundo kami ng driver ni daddy John. Si mang berto, matagal na syang naninilbihan samin, siguro mga twelve years na.
"Hija saan tayo?" Tanong sakin ni mang Berto.
"Sa condo ko po." Sagot ko.
Tumango ito at pinaandar na ang kotse. Kinabit ko sa tenga ang aking headset atsaka sinulyapan ng tingin si Maxine na nakatingin sa labas at parang malalim ang iniisip.
Buong byahe ay nag sound trip lang ako habang si Maxine ay nakatulog na. Medyo natagalan ang byahe dahil traffic, madami kasing pumapasok na estudyante sa eskwelahan.
"Gising na, Maxine." Sabay yugyog sa kanyang balikat.
"Hmm . ." Dumilat ito at nagpalinga-linga. "Nasan na tayo?" Sabay kusot ng kanyang mata.
"Nandito na tayo."
Bumaba ako ng kotse si mang Berto at sumunod naman ako. "Hija sasamahan ko paba kayo mag-akyat ng gamit?"
"Hindi na po, umuwi na ho kayo."
"Cge, mag-iingat kayo."
Tumango lang ako at binigay nya sakin ang dalawang maleta, bumaba narin ng kotse si Maxine.
Binigay ko kay Maxine ang maleta nya at pumasok na sa loob ng building, nasa likod ko naman si Maxine.
Tinawag ko ang isang boy dito sa condo at inutusan na dalin itong maleta ko, pati narin yung kay Maxine.
••••••••••••••••••••••••••••••••