CHAPTER 9

1132 Words
Hazel Point of View Napapikit ako nang mariin habang inaalala ang nangyari samin dalawa ni Brittany. Gosshhhh! Hindi ko inakala na sya ang naka-one night stand ko kagabi sa bar. Mygod! Nakakahiya, sobra! Hindi ko naman intensyon na makipag-one night stand dahil malinis akong babae, kaso iniwan ako ng mga kaibigan ko sa bar na mag-isa at lasing pa then nagising nalang ako na kasama ko na si Brittany sa isang kwarto at pareho kami walang saplot. Arghh! Hindi na ko virgin, shet! Ang pinaka-worst sa lahat, babae pa ang naka-one night stand ko. Godddd!!! Help me lord. "Hazel?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses na iyon. Dahan dahan ko syang nilingon. "B-bakit?" "Can we talk?" Tanong nito at naupo sa harap ko. Aish! Ito na naman yung puso ko, tuwing nagkikita kami parang tambol itong puso ko. "S-sure." Nanginginig kong pinatong ang dalawa kong kamay sa desk ko. "About happend last night . . . I'm sorry, hindi ko sinasadya." Bumuntong hininga sya. "Alam kong malaki ang nawala sayo, sana mapatawad mo ko." Kita ko sa mata nya na sincere sya. "Hmm . . Brittany, wala ka naman kasalanan, unang-una pareho tayong lasing, pangalawa kasalanan ko rin naman dahil nagpadala ako sa alak." "No, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan, kung hindi ako lumapit sayo hindi mangyayari iyon." Nakakapagtaka, ngayon ko lang sya nakitang ganito. Pag kaharap nya ang magulang at mga kapatid nya, napaka-seryoso nya kahit sakin. Pero ngayon para syang maamong pusa at parang sobrang bait. "Ganito nalang, Brittanty." Huminga ako nang malalim atsaka tumingin sa bintana. "Let's forget what happened last night." Muli ko syang tinignan. Hindi ko alam kung tama ako, pero kita ko sa mata nya na nasaktan sya. Tumayo sya at ngumiti. "Thank you, Hazel. Goodbye." Lumabas na sya nang aking opisina. Brittany Point of View Paglabas ko nang office nya, dumeretso agad ako sa office ko at saktong tumulo narin ang aking luha. Ang sakit pala. "Let's forget what happened last night." "Let's forget what happened last night." "Let's forget what happened last night." Parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa aking isipan ang katagang na iyon. Mapait akong tumawa at pinunasan ang aking luha. Pareho lang pala kami nang kapatid ko, pareho lang kaming nagmamahal ng palihim at ang masama, sa taong malapit pa samin. Pinagkaibahan lang namin ay sya kasal na sa taong mahal nya pero hindi sya mahal, ako? Ito patuloy parin nagmamahal ng palihim dahil takot umamin. Oo tingin ng lahat sakin ay matapang at palaban, pero pag dating kay Hazel ay napaka-duwag ko. →Fast Forward← Pag dating ko sa bahay, nagulat ako ng makita ko ang aking kapatid. Anong ginagawa nya rito? Don't tell me nag-away sila ng asawa nya? Hindi ko sya pinansin at dire-diretso akong umakyat sa kwarto. Binagsak ko ang aking katawan sa kama at pumikit. Ang tagal ko nang nakapikit pero hindi parin ako inaantok, siguro dahil iniisip ko si Hazel. *TOK!*TOK!*TOK!* "Hija kakain na, pinapatawag kana nang iyong ama." Rinig kong sabi ni manang mula sa labas ng aking kwarto. "Susunod na ko." Sagot ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Pag tapos bumaba narin ako, pumunta ako sa dining room. Naabutan ko silang kumakain habang nagkwe-kwentuhan. "Oh Brittany? Kumain kana." Utos ni daddy nang makita ako. Umupo ako sa tabi ni Maxine, sinenyasan ko ang isang katulong na ipaghain ako. Dali dali nya naman ginawa iyon at pag tapos ay tahimik akong kumain, habang sila ay panay kwentuhan. Maxine Point of View Dito ako sa bahay nila daddy matutulog, may pupuntahan daw kasing birthday si Annie. Tinanong nya ko kung gusto ko sumama pero tumanggi ako, dahil hindi ko naman kilala ang pupuntahan nyang birthday. →Fast Forward← Tahimik na kumakain si ate Brittany at seryoso ang mukha. Sa bagay ganyan naman lagi yung mukha nya, yun nga lang may kakaiba. Para syang may malalim na problema, hindi naman ako manhid para hindi malaman na may problema ang ate ko. Pero anong problema nya? "Maxine nga pala malapit na ang laban nyo, handa ka na ba?" Tanong ni Dad. "Yes dad." Magalang kong sagot. "Mag-iingat ka sis, wag kang papasipa sa mukha." Sabi ni ate Eva sabay tawa. "Edi wow." Sambit ko at pinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos ako kumain, pumunta ako sa garden para magpalamig. Umupo ako sa bench at tahimik na pinagmasdan ang langit. "Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?" Napatingin ako sa taong nag-tanong. "Ate Brittany?" Umupo ito sa aking tabi. "Ano? Masaya ka ba?" "Bakit mo tinatanong?" "Hindi ko alam, basta sagutin muna lang ang tanong ko." Sambit nya. "Honestly, I'm not happy." "Why? Ang swerte mo nga dahil asawa mo ang taong mahal mo." Automatic na humarap ang aking ulo sa kanya. "Kapatid kita, Max." "Paano mo nalaman?" Takang tanong ko. "Maxine kahit anong itago mo sakin, malalaman ko dahil kapatid kita. Oo pag dating sa inyo napaka-seryoso ko, pero hindi ibig sabihin nun wala na akong pakelam sayo." Wala akong naisagot sa kanyang sinabi. Nanatili lang akong tahimik. Maya't maya tumayo ito at naglakad na paalis. →Fast Forward← Kinabukasan wala kaming pasok, pero may training kaya maaga akong gumising. Pag tapos ko maligo, nagbihis na ko nang short at t-shirt na plain. Dobok naman susuotin ko kapag training eh. Nag tsinelas nalang ako at pinusod ang aking buhok. Annie Point of View Tatayo na sana ako pero bigla akong napahiga ulit dahil kumirot ang aking ulo. "s**t, ang sakit." Bulong ko. Oo nga pala nakainom ako kagabi sa party na pinuntahan ko, buti nalang nakauwi ako rito sa condo ko nang safe. →Fast Forward← Habang naliligo ako, biglang nag vibrate ang aking phone. Pinatay ko ang shower at nagpunas ng kamay. Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang notification. "No classes pero may training." Text galing kay Maxine. Pinagpatuloy ko na ang pag ligo. Nang matapos ako, mabilis akong nagbihis. →Fast Forward← Nang makarating ako sa gym, wala akong naabutan na tao. I entered the locker room and I saw my teammates. Nag bow ako sa kanila. "Where's Max?" "Ate Annie lumabas po, may binili lang po sa mercury." Sagot ni Jenny. Pinakabata sa poomsae. "Magpapalit muna ako." Paalam ko. Kinuha ko ang dobok ko sa locker then pumasok ako sa isang cubicle at nagpalit na. Pag labas ko nang cubicle, nakita ko si Max na inaabutan ng gatorade ang mga ka-teammates namin. "Ako wala?" Napatingin ito sakin. "Here." Binato nya ang isang gatorade at mabilis ko naman itong sinalo. Maya't maya nagsimula na kami. Nag jogging muna kami, mga fifteen minutes tas nagdasal at nag stretching. ••••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD