Maxine Point of View
At the end of our class, I immediately go to the gym. When former gym, I immediately I saw them and they were wearing the dobok.
"Good Afternoon Captain."
Bati nila sakin nang makita ako.
Nag bow ako sa kanila at nagpaalam na magbibihis muna. Tinungo ko yung locker room at naghilamos, sinuot ko na rin yung dobok ko.
Pag bukas ko ng pinto, sumalubong sakin si Annie. "Training kayo?"
"Malamang, parang hindi tayo magka-teammates ha." Sabi nito at mahina akong sinuntok sa braso sabay pasok sa loob.
"Nanakit kana naman." Sabi ko.
"Lumabas kana, magbibis ako." Utos nya.
Tuluyan na kong lumabas at pinuntahan ang mga ka-teammates ko. "Guys!"
Pinapila ko silang lahat, pati narin yung mga poomsae. Nagsimula na ko mag jogging habang sila ay nasa likod, nagja-jogging rin.
Fifteen minutes namin inikot yung malaking gym. Hyst! Kapagod.
"Ha!!" Shout ko.
"Tapos na kayo?"
Napatingin ako sa taong nag tanong. "Hey! Mag-jogging ka, fifteen minutes."
"Ten lang." Sabi ni Annie at nagsimula na mag jogging.
Aish! Pasaway talaga. "Stretching na!"
Ginawa na namin yung jba't-ibang stretching sa taekwondo at sa pag balance ng katawan.
Nakisali narin samin si Annie pag tapos nya mag jogging. Pag tapos ng stretching at balance, ginawa naman namin yung mga drills.
Annie Point of View
Grabe naman 'toh si Maxine! Ayaw magpa-break, kanina pa kami sipa nang sipa rito.
Nakakapagod at the same time, nakakahingal. Tas nakakaawa pa yung mga bata, kitang kita sa mukha nila ang pagod, yung iba namumutla na.
Tumigil ako sa pag sipa at nilapitan si Maxine. "Hey Captain, water break naman. Kawawa na yung mga bata oh, namumutla na."
Tumingin naman sya sa mga bata tas muling tumingin sakin. "Okay, water break na."
Tumingin ako sa mga ka-teammates namin. "Water break!!"
Nagsi-tigil sila sa pagsi-sipa at nag bow kami sa isa't-isa. Tumakbo ako paakyat ng bleacher at kinuha sa gym bag yung tubig ko.
→Fast Forward←
Alas tres ng hapon natapos ang training namin at halos lahat ay pagod. Si Maxine naman kasi! Grabe magpa-training, balak nya ata kaming patayin.
"Annie late na kong makakauwi." Sambit nya habang nag-aayos ng gym bag.
"At bakit?" Mataray kong tanong.
"May dadaanan pa kasi ako." Saad nya at sinukbit na ang gym nya sa shoulder.
"Saan?" Tanong ko.
"Sa TKD Gears shop, bibili ako ng mga gears at tkd uniform."
"Sasamahan kita." Saad ko.
"Bahala ka."
Nauna na syang maglakad at sumunod naman ako sa kanya. Sumakay sya sa kanyang kotse at sumakay din ako sa aking kotse at sinundan sya.
Maxine Point of View
Bumalik pa kami ni Annie sa gym pag tapos namin bumili nang mga gears at uniform.
Inayos ko yung mga gears at nilagay ko sa isang locker yung mga uniform, magkakahiwalay ng size at yung poomsae uniform naman ay nilagay ko sa cabinet na malaki.
"Annie, okay na?" Tanong ko.
"Yes, let's go. Masyado nang gabi."
Nauna syang maglakad palabas at ako naman ay sumunod sa kanya. Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar na patungo sa condo.
Habang nagmamaneho ako, i look in the rear mirror of my car. Tinitignan ko kung maayos si Annie at kung nakasunod ba sya.
→Fast Forward←
After minutes of driving we already in are place. I went to my room and changed clothes.
*TOK!*TOK!*TOK!*
Mabilis kong sinuot ang aking t-shirt. "Come in."
Bumukas ang pinto. "Max kain na tayo."
"May food na?" Takang tanong ko.
"Oo, yung kanina na ulam natin, yun nalang din kainin natin. Nainit ko na, let's go." Sambit nya.
Tumango lang ako at sinabi na mauna na sya at susunod na lamang ako. Chinarge ko ang aking cellphone atsaka sumunod kay Annie.
→Fast Forward←
Pag tapos namin kumain dalawa, ako na ang naghugas ng kinainan namin. Nang matapos ako mag hugas, nagpahinga muna ako sa sala.
"Max, nakita mo ba yung charger ko?!" Tanong ni Annie mula sa kwarto nya.
"Hindi ko nakita!" Sigaw ko para marinig nya.
Binuksan ko ang TV gamit ang remote. Nasa kalagitnaan ako nang panonod, biglang nag vibrate yung phone ko.
Tignan ko kung anong notification yun at galing yun sa messages. Binuksan ko ang message at nakita ko ang text ni daddy.
'Hi baby, kamusta ang may buhay asawa?' Text ni daddy.
'Okay naman kami daddy.' Reply ko.
Pinagpatuloy ko na yung panonood ko habang nagte-text kami ni daddy.
Annie Point of View
Pag tapos namin kumain ni Max kanina, dumeretso agad ako sa kwarto at tinawagan si Alexander.
Remember? Siya yung tumawag sakin kagabi at natuloy nga yung pagkikita namin, kaya nga nalate ako kanina sa training.
Gosshhh!! Ang gwapo nya, parang crush ko na nga sya eh. Habang nag-uusap kami, biglang namatay ang phone ko.
Hinanap ko yung charger ko pero wala kaya tinanong ko kay Maxine pero hindi nya rin alam.
Wala akong nagawa kundi buksan ang laptop ko at i-chat si Alexander. Friend na kasi kami sa sss, kanina lang.
→Fast Forward←
Dahan dahan akong nagmulat at sumalubong sakin ang alarm clock. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang oras.
GOSSSHHHH!! LATE NA KO!
Dali dali akong tumayo, kinuha ko yung towel at mabilis na tinungo ang bathroom.
→Fast Forward←
Halos makasagasa na ko habang nagdadrive, pasalamat nalang sa diyos dahil wala akong natuluyan na nasagasaan.
Tumakbo na ko papunta sa classroom namin. Nakahinga ako nang maluwag ng makita ko na wala pa si Professor Dawnson.
Tuluyan akong pumasok sa loob, nakita ko si Maxine na nakangisi habang nakatingin sakin.
Nilapitan ko sya at binatukan. "Walanghiya ka! Hindi mo ko ginising." Gigil kong saad.
"Ouch! Hindi ko naman kasalanan yun eh, kinakatok kita kanina hindi ka naman nagising." Pangangatuwiran nya habang hinahaplos ang parteng binatukan ko.
"Ewan ko sayo."
Pabagsak akong naupo sa tabi nya, saktong dumating naman si ate Brittany at nakakunot ang noo.
Hmm . . . Mukhang wala sya sa mood. Base sa nakikita ko, para syang may malaking problema.
Aish! Makikinig na nga lang ako.
•••••••••••••••••••••••••••••